Chapter 42

1.4K 95 14
                                    

CHAPTER 42

Walang gana na naglalakad si Althea papasok ng mansyon hanggang sa pagbubukas niya ng pintuan ay nakita niya si Noah at Olivia na magkayakap. Napaatras na lamang si Althea nang makita rin niya sumunod si na Mayuki at Neriza. Umatras muli ng bahagya si Althea upang hindi siya mapansin ng mga ito.

"Noah, please forgive me. Hindi ko naman sinasadya na gawin iyon kay Althea," wika ni Olivia.

"How dare you to lay down your hands to her? Ilang beses na kitang binalaan na huwag mong sasaktan si Althea! Marami ang mga mata sa opisina kaya alam ko ang bawat galaw mo!" Sigaw ni Noah at bigla niyang tinulak si Olivia kaya namam napaupo ito.

"Noah! Hindi mo kailangan gawin 'yan kay Olivia! Sumosobra ka na!" sigaw ni Mayuki.

"Sumosobra? Sino ba sa inyo ang sumusuporta sa pang aabuso kay Althea? Sinaktan niyo siya. Minamaliit niyo ang estado nila sa buhay!" galit na galit si Noah hanggang sa lumapit si Neriza pagkatapos ay sinampal si Noah.

"Hindi kita pinalaki na maging bastos, Noah! Sobrang lapit ng pamilya natin sa mga Richards, pagkatapos ito ang gagawin mo kay Olivia? Naging magkarelasyon kayo, minahal niyo ang isa't isa!"

"Minahal? Minahal niya 'yung kayamanan at kapangyarihan na ipinamana ni Dad sa akin! Kung mahal ako ni Olivia, ni minsan hindi niya ako iniwan nung mga panahon na kailangan ko siya! 'Yung mga panahon na nasa bingit na ako ng kamatayan! Where's she? Sumama sa ibang lalaki?! Habang ako nag-aagaw buhay? Matagal mo na akong pinatay Olivia, kaya ngayon na si Althea ang buhay ko, ako ang makakalaban niyong lahat!"

Namumuo ang luha sa mga mata ni Althea nang makita at marinig niya ang matinding galit ni Noah. Nasilayan din ng dalaga ang namumula nitong mukha hanggang sa tinalikuran sina Olivia, Mayuki at Neriza. Ilang hakbang pa lamang ni Noah ay nakaramdam siya ng kirot sa kanyang sentido. Napahawak siya sa kanya batok hanggang sa paunti-unting nabibingi ang binata at tuluyang nagdilim ang kanyang paningin.

"Noah!" sigaw ni Olivia at akmamg lalapit ngunit naunahan siya ni Althea.

"Noah! Noah! Gumising ka!" bulalas ni Althea pagkatapos ay pintoteksyonan niya ang ulo ng nobyo pagkatapos ay ipinatong sa kanyang hita.

"Lumayas ka! Huwag kang makialam!" wika ni Olivia pagkatapos ay tinulak si Althea ngunit hindi nagpatinag ang dalaga.

"Huwag makialam? Iisipin mo pa iyang selos mo kesa sa kalagayan ni Noah?! Tumawag kayo ng ambulansya!" lakas loob na sinigaw ni Althea kaya naman napatakbo si Mayuki papunta kay Manong Boyet.

Kalalabas pa lamang ni Manang Ingrid ng stockroom hanggang sa makita niya na mukhang may kaguluhan sa labas. Nagmadali si Manang Ingrid hanggang sa makita niya si Noah na walang malay na isinakay sa sasakyan.

"Noah! Noah!" bulalas ni Manang Ingrid hanggang sa mabitiwan niya ang hawak na red wine at nagpirapiraso ito sa semento. "Ma'am Neriza! Si Noah po? Sasama ako!" wika ni Manang Ingrid.

"Hindi! Dito ka lang!"

"Ma'am, gusto kong sumama!"

"Sinabi ng hindi, Ingrid!" asik ni Neriza pagkatapos ay tinulak niya si Aling Ingrid. Nagmamadali na sumakay ng sasakyan si Neriza habang si Aling Ingrid ay naiwan na umiiyak sa labas ng mansyon. "Noah... Noah, anak ko. Mr. Moretti, patnubayan mo ang anak natin."

Hindi tumigil sa paghagulhol si Manang Ingrid dahil hindi man lang niya malapitan ang kanyang anak.

Mula sa ospital, hindi pa rin umuupo si Althea habang nakabantay sa labas ng private room kung saan in-o-obserbahan si Noah.

"Umuwi ka na, Althea. Kami na ang bahala kay Noah," wika ni Olivia.

Masama ang tingin ni Althea kay Olivia hanggang sa inirapan lamang niya ito.

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon