CHAPTER 49
Habang busy si Althea na hinahapag ang pagkain, napansin niyang tulog si Noah.
“Noah, gising na, nakahanda na ang pagkain.”
Hindi pa rin kumilos si Noah hanggang sa inilapag ni Althea ang pinggan pagkatapos ay nilapitan si Noah upang gisingin.
“Noah, bangon na,” tinapik ni Althea ang pisngi ni Noah ng paulit-ulit ngunit hindi pa rin ito gumagalaw.
“Noah, gising na. Pinagtitripan mo ba ako?” nakangiting sinabi ni Althea hanggang sa ilang beses niyang hinalikan ang labi ni Noah. Kunot noo si Althea hanggang sa hinawakan niya ang kamay ni Noah.
“Noah, huy. Gumising ka nga!” bulalas ni Althea pagkatapos ay kinurot ang singit ni Noah.
“Ouch!”
“Bakit mo ba ako pinagtitripan?! Akala ko may nangyaring masama sa iyo!”
“No, I just need plenty of kisses from you. Kakain na ba tayo?” tanong ni Noah hanggang sa binuhat niya si Althea.
“Huwag mo ng uulitin iyun dahil ako ang babatok sa iyo!” pagbabala ni Althea.
Tumango naman si Noah hanggang sa pag-upo niya ay nakakandong pa rin si Althea.
“Huwag ka nang magbibiro ng ganoon. Akala ko ano na ang nangyari sa iyo,” dagdag ni Althea.
“Walang mangyayaring masama sa akin, Althea. Walang-wala,” wika ni Noah pagkatapos ay nag-iwan ito ng matamis na halik sa kanyang labi.
Mula sa laundry shop, panay ang tingin ni Aling Jessy sa paligid dahil inaabangan niyang dumating si Aling Ingrid.
“Hay naku, tama naman ang spelling na inilagay ko sa text message kay Ingrid. Nasaan na kaya iyun?”
Tingin nang tingin si Aling Jessy hanggang sa tuluyan siyang lumabas ng laundry shop. Gusto niyang kitain si Aling Ingrid upang pareho nilang pag-usapan ang kanilang mga anak.
Habang palingon-lingon si Aling Jessy sa gilid ng kalsada ay papalapit ang sasakyan ni Zack sa kabilang stoplight. Natanaw niya si Aling Jessy na para bang may hinihintay na dumating kaya naman heto at lumingon ang binata sa frontseat upang tingnan ang pasalubong na pagkain. Itinuturing na rin niyang ina si Jessy dahil wala rin siyang kinikilalang ina dahil isang mayaman na matandang lalaki lamang ang nagpalaki sa kanya.
Papalapit nang papalapit ang sasakyan ni Zack hanggang sa mapansin niya ang isang motor na umarangkada mula sa kanyang likuran. Isang mabilis na trahedya ang nangyari. Ang walang kamalay-malay na si Aling Jessy ay binunggo ng isang motorsiklo.
“Aling Jessy!” sigaw ni Zack hanggang sa iniwan niya ang sasakyan sa kalsada.
Nagkaroon ng trapiko sa paligid hanggang sa maabutan ng binata si Aling Jessy na nakahandusay sa semento habang duguan ang ulo at binti nito.
“Jessy! Jessy!” pasigaw na sinabi ni aling Ingrid at nabitiwan pa niya ang dalawang bayong.
Napatingin si Zack sa matandang lumapit sa kanila kaya naman mabilis na nagpakilala si Aling Ingrid. “Ako si Ingrid, kaibigan niya! Hijo, tumawag ka nang ambulansya!” bulalas ni aling Ingrid.
Maraming tumulong sa kanila kaya naman kaagad din dumating ang ambulansya.
Mula sa ospital, nakaupos lamang sina Zack at Aling Ingrid sa labas ng ward habang sinusuri si Aling Jessy. Hinihintay din nilang dumating sina Althea at Noah.
Tahimik lamang si Zack dahil nabalitaan niyang nakauwi na pala ng bansa si Noah, habang si Aling Ingrid ay tahimik na pasulyap-sulyap kay Zack.
“Mister?” tawag ni Aling Ingrid.
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomanceA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...