CHAPTER 43
Pagbaba ng taxi nina Althea at Noah ay kaagad hinawakan ng binata ang kamay ng kanyang nobya. Nakatingala si Althea at halos kainin ng lupa ang katawan niya dahil sa simpleng ngiti ng kanyang nobyo.
“Let's go?” aya ni Noah.
“O-Oo, tara na,” tugon ni Althea hanggang sa nagsimula silang dalawa na maglakad.
“Ma… Ma,” tawag ni Althea.
“Sandali anak,” tugon ni Aling Jessy hanggang sa pagbubukas niya ng pintuan ay sumalubong sina Althea at Noah. Ang mga mata ni Aling Jessy ay naglibot sa kanilang mukha pababa sa kanilang mga kamay. Magkahawak ito at nararamdaman ni Noah ang tensyon sa mga mata ni Aling Jessy.
“Good evening po, Aling– I mean Tita,” nauutal na sinabi ni Noah.
“Good evening din po, sir. Halika at pumasok po kayo. Pasensya na, maliit lang inuupahan naming bahay ni Althea,” wika ni Aling Jessy.
“Wala naman pong problema. Hindi niyo naman po kailangan mapagpasensya sa akin,” tugon ni Noah.
“Kumain ka na ba sir? Ikaw anak? Bakit biglaan yata ang pagbisita mo anak? Pagkatapos kasama pa si Sir Noah… At magkahawak kamay pa kayo?”
Akmang bibitiw si Althea sa kamay ni Noah ngunit na bigla siya sa ginawa ng nobyo. Lumuhod ang binata habang nakayuko sa harapan ni Aling Jessy.
“Hijo, bakit ka lumuluhod?!” bulalas ni Aling Jessy.
“Gusto ko po sanang hingin ng pormal ang kamay ni Althea. I’m sorry if we kept our relationship. Lalo na po walang paalam sa iyo. Patawarin niyo po sana ako kung hindi po ako mismong nanligaw sa bahay niyo. I don’t know how to court girls formally.”
Halos malaglag ang panga ni Althea habang pinapakinggan ang sinasabi ni Noah. Nagkatinginan din sila ng kanyang ina at halatang nabigla rin ito sa nangyari.
“Halika ka nga…” wika ni Aling Jessy hanggang sa hinawakan niya ang balikat ni Noah upang ayain na tumayo. “Tumayo ka nga, Hijo. Hindi mo naman kailangan lumuhod kung manghihingi ka ng basbas sa akin. Amo pa rin kita para gawin ’yan.”
“Hindi po. Walang amo-amo. Ayoko pong ituring niyo pa akong amo ni Althea. Please, treat me as your daughter’s lover.”
“Noah? Tigilan mo na kaya ang sinasabi mo? Hindi ko alam kung kikiligin ako or magwawala dahil sa mga ginagawa mo?” bulong ni Althea sa kanyang sarili.
“Hijo, papayagan naman kita. Ano pa ba ang magagawa ko kung sinagot ka na ng anak ko? Bilang ina, alam ko naman na may namamagitan na sa inyong dalawa. Ang kinatatakutan ko lang… Ayokong danasin ni Althea ang lahat ng naranasan ko, mula sa panghihiya ng mayaman na amo.”
“Hindi ko po hahayaan iyun. Kahit magulang ko pa ang kalaban ko. She’s the woman I wanted to marry.”
Para bang aatakehin sa puso si Aling Jessy dahil sa sinabi ni Noah. “Marry agad?” pagtatakang tanong ni Aling Jessy.
Tumango naman si Noah pagkatapos ay hinawakan ang kamay ni Althea. “Aling Jessy, we are old enough to handle this relationship. Kaya kong maging ama sa magiging anak namin ni Althea.”
“Ha?! Buntis ka nang gaga ka?!” bulalas ni Aling Jessy hanggang sa abutan niya ng hampas sa braso si Althea.
“Hala, Mama! Hindi po! Noah naman, ayusin mo ngang magpaalam!” bulalas ni Althea pagkatapos ay hinampas ang braso ni Noah.
“What? Mabuti na ang advance, cause we made love a thousand times!” asik ni Noah.
“Panginoon ko, Althea Reyes!” bulalas ni Aling Jessy hanggang sa binato niya ng tsinelas ang anak. “Pambihira kang bata ka! Hindi pa kayo kasal pagkatapos sinuko mo na ang Bataan?!” bulalas ni Aling Jessy pagkatapos ay pinaghahampas si Althea.
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomanceA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...