Chapter 39

1.4K 98 11
                                    

CHAPTER 39

Pagpasok ni Noah sa loob ng kanyang kuwarto ay nahiga lamang siya upang magpahinga. Binantayan din niya ang cellphone hanggang sa tuluyan itong bumukas at nakita niya ang mensahe na iniwan ni Althea. 

Althea

Noah, sumama na muna ako kina mama, Jenny at Zack sa Tagaytay. Please leave a message if okay ka na. I love you.

Biglang napabangon si Noah upang tingnan maigi ang CCTV footage ng Moretti. Nakita niya na kasama nga si Zack at niyakap pa ang kanyang nobya. Para bang nawala ang sakit ng ulo ni Noah at selos ang nangibabaw. Until he immediately dialed her number.

Panay ang ring ng cellphone ni Althea ngunit hindi niya naman ito marinig dahil sa lakas ng mga musika na tumutugtog sa paligid

 kung saan sila nag-iinuman nina Jenny, Zack at Aling Jessy.

“Tama na ’yan anak. Panigurado matutulog ka na naman sa kalsada,” saway ni Aling Jessy kaya naman binaba ni Althea ang cellphone.

“Opo, Mama! Mag comfort room lang po ako!” paalam ni Althea at halos mataob pa ito kaya naman hinawakan ni Zack ang kamay niya.

“Halika, aalalayan na kita.”

Tumango naman si Althea at humawak sa kamay ni Zack habang papunta sila sa comfort room.

“Althea, I will wait for you okay?”

“Okay po, Zack!”

Nang makapasok sa cubicle si Althea ay kaagad niyang narinig ang tunog ng cellphone. Kinusot na muna niya ang mga mata hangang sa sagutin niya ang tawag ni Noah.

“Hoy! Buti tumawag ka? Akala ko kasi hindi ka na magpaparamdam!” bungad ni Althea mula sa kabilang linya at walang pakialam kahit na marinig pa ni Noah ang pagsinok niya.

“Where are you? You sound drunk? Napatayo si Noah at parang tatay na nakapamewang.

“Inside the comfort room!”

“Sinong kasama mo? Bakit naglalasing ka? I’m sorry, hindi ako kaagad nakapagreply.”

“Si Zack kasama ko sa comfort room!”

Paunti-unting umakyat ang dugo sa ulo ni Noah dahil sa sinabi ni Althea. “Ha? What? Bakit kasama mo? Saan ka?! Sabihin mo ang address!”

“Ayoko!”

“Come on, Althea! Bakit magkasama kayong umiihi?!”

Mas lalong nagalit si Noah dahil narinig niya ang malakas na pagtawa ni Althea. “Nasa kalangitan ako! Nakikita ko ng three hundred sixty ang buong mundo! Umiikot na nga eh?!” 

Hindi nakapagtiis si Noah at binabaan na niya ng linya si Althea. “Isa lang naman ang lugar na iyon sa Tagaytay. Bakit ba ang hilig niyang uminom? Ni Hindi nga siya marunong magdala! Saka bakit kasama ang asungot na iyon sa banyo?! Althea, pinapainit mo ang ulo ko!”

Mabilis na nakasakay ng sasakyan si Noah kaya naman nabigla sina manong Boyet dahil gabing-gabi na at lalabas pa ng bahay si Noah. 

“Sir! Sir!” tawag ni Manong Boyet.

Ibinaba ni Noah ang bintana ng sasakyan hanggang sa masilayan niya ang mukha ni Manong Boyet. “Aalis lang ako. Wala naman kayong dapat ikabahala,” wika ni Noah pagkatapos ay tuluyang nilisan ang kanilang tahanan.

Napakamot na lamang ng ulo si Manong Boyet dahil walang ni isang sagot si Tom sa nangyari kay Noah.

Habang nasa kalagitnaan ng biyahe si Noah, hindi mawala sa kanyang isip ang labis na selos at pag-aalala kay Althea.

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon