CHAPTER 56
Pagkatapos ng ilang araw magmula nang makita ni Althea ang lalaking nakasabay niya sa kalsada ay halos napapanaginipan n'yang muli si Noah. Parati siyang aligaga at madalas nawawala sa sarili.
“Friend, bakit ganiyan ang istura mo?” tanong ni Jenny pagkatapos ay inabutan siya ng kape.
“Naniniwala ka ba sa reincarnation?”
“Carnation evaporada ang alam ko.”
“Gaga!” asik ni Althea pagkatapos ay binato ng lapis si Jenny.
“Ano na naman ba kasi? Reincarnation kay Noah? Ano ka ba? Napala mo iyan kababasa mo ng fantasy! Pambihira ka!”
“Hindi kasi ano… may nakasabay ko sa kalsada, lalaking nakamotor pagkatapos nu'ng inangat niya ang cover ng helmet niya, kamata niya si Noah.”
“Hello, hindi lang si Noah ang may ganoong kaganda na mata! Pambihira ka! Pero infairnes, baka type ka nu’n? It means may asim ka pa!”
Napanguso na lamang si Althea dahil wala man lang siyang makuhang matinong sagot mula kay Jenny.
“Sapakin kaya kita?”
“Pambihira, hindi ka mabiro. But seriously speaking. Why not try to move on. Hello girl, seven years na ang nakalipas Noah pa rin? Ang daming foreign investors ang may gusto sa iyo!”
“Eh ano? Hindi ko naman sila type. Ay bahala ka nga, aalis na muna ako.”
“Hep! Saan ang punta?!”
“Iinom!” asik ni Althea pagkatapos ay tumayo upang kunin ang bag.
“Hoy! Sama ako!”
Pagkatapos ng ilang minuto na biyahe ay nakarating din sina Althea at Jeanny sa Cyclops bar, tig isang bote silang dalawa at para bang ginawang tubig ni Althea ang alak.
“Ang daming hotties dito!” bulalas ni Jenny habang sumasayaw.
Napanguso na lamang si Althea hanggang sa mapalingon sa dalawang lalaki na tumabi sa kanila.
Sa pagtingin ni Althea kay Jenny ay halos hinigop na nito ang labi ng lalaking tumabi sa kanila.
“Ang landi talaga!”
“Hey, cheers!” aya ng lalaki at inabutan siya ng alak.
Ngumiti lang si Althea pagkatapos ay pinagbigyan niya ito upang inumin ang alak, ngunit akma siyang tatayo pero hindi siya hinayaan ng lalaki pagkatapos ay hinalikan siya at halos mahiga sila sa inuupuan. Hindi kaagad nakaresponde si Althea hanggang sa humalik siya pabalik. Para bang nawawala siya sa sarili ngunit pilit niya itong nilabanan. She aggressively pushed the guy and took her bag. Para bang naglayas si Althea hanggang sa pagewang-gewang siyang maglakad. Tila nag-iba ang kondisyon ng kanyang katawan hanggang sa dala-dalawang tao na ang nakikita niya. Humawak sa pader si Althea hanggang sa makalabas siya ng bar. Pilit niyang tinatahak ang kalsada hanggang sa nagdilim na lamang ng tuluyan ang kanyang mga mata.
Her mind is still alive but her body wants to rest. Nararamdaman ni Althea ang patuloy na paggalaw ng kanyang katawan. Hindi niya maintindihan kung nilalamig ba siya o naiinitan. Pilit niyang ginagalaw ang kamay at umuungol. Buong akala ni Althea na lahat ng ito ay nagagawa pa niya, ngunit ang kanyang katawan ay parang pinatigas sa malamig na temperatura.
Few moments later, isang may butihing puso ang nagmalasakit kay Althea. Dinala siya nito sa banyo at pilit na ipinasuka. Unti-unting bumabalik ang paningin ni Althea ngunit nalalabuan siya paligid.
"Akk! S-Sino ka?" She asked. Nagsimula ulit siyang sumuka hanggang sa nahiga ang sarili sa banyo.
Without any further do. The man infront of Althea undressed and lifted her. He put Althea inside his bathtub. Parang bata kung paliguan si Althea upang ito ay mahimasmasan.
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomanceA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...