CHAPTER 2
PANAY ang inom at winaldas ni Athena ang baon na isang daan para lamang makasabay sa mga kabarkada nitong may mga bisyo. Si Athena ay nasa lower section gawa ng hindi katalinuhan at nabarkada pa ito sa mga estudyante na walang alam kung 'di magbulakbol.
Habang si Althea na nasa kalagitnaan na section. Malaki ang pagkakaiba ng dalawang dalaga. Si Athena na walang ibang pangarap kung 'di makapag-asawa ng mayaman habang si Althea na pangarap yumaman sa sariling sikap.
"Athena, kailan mo ba ako sasagutin? Ang tagal ko nang nanliligaw sa iyo," wika ng kaklase nitong panay ang kulit sa kanya.
"Kung mayaman ka, papatusin kita. Pero sa ngayon hindi."
"May pera naman ako ha? Sagutin mo na ako, tsaka sumama ka na sa field trip para tabi tayo sa bus."
Nagkantyawan ang magkakabarkada dahil pilit silang pinagtatambal. Ang ingay na ito sa karinderya sa kabilang kanto ay narinig ni Althea dahil dumaan siya rito upang bumili ng lutong ulam para sa kanilang hapunan. Hindi nagkamali si Althea na makita kung paano lumastod ang kanyang kapatid. Hinahawak-hawak ng kaklase nito ang hita ni Athena kaya naman nag-init ang dugo ni Althea at sumugod.
Hinampas ng payong ni Althea ang lalaking humahawak sa kanyang kapatid kaya nagulantang ang lahat. "Manyakis ka! Bakit mo hinihipuan ang kapatid ko ha?!"
"Aba, nandito pala si Manang Althea, hoy! Palibhasa naiinggit ka lang sa kapatid mo, tama diba Athena?" mapanginsulto niyang sinabi sa dalaga.
Tumango naman si Athena at ngumisi sa kanyang kapatid. Napahiya si Althea dahil sa ginawa ng kapatid. Ipinagtanggol niya ito pero nagmukha siyang katatawanan.
"Umuwi ka na Athena! Hahanapin ka ni Mama! Panay ang bisyo mo, wala tayong pera pero pilit mong inaabot ang hindi naman para sa iyo!"
"Huwag ka nang inggit! Malaki na ang sahod ni Mama kaya pwede kong gawin ang gusto ko!"
"Umuwi ka sabi!" sigaw ni Althea at hinatak ang buhok ng kapatid.
Kinaladkad niya ito at walang pakialam kung may makakita sa kanila hanggang sa pag-uwi ng bahay.
"Wala si Mama, nagpapakababa si Mama sa mansyon habang ikaw na punyeta ka, lumalandi ka ang bata mo pa!"
"Wala kang pakialam! Alam ko ang ginagawa ako. Wala ka kasing kaibigan! Ay meroon pala, si Irish tulad mo rin na low life! Naiinggit ka kasi si Mama, binigyan na ako ng pera para sa field trip. Ikaw maiiwan ka lang dito!"
Natigilan si Althea dahil sa kanyang narinig. Nakaramdam siya ng inggit dahil hindi siya makakasama. "Inggit ka dahil hindi ka kasama! Maglaba ka na lang tutal gusto mo naman maging bayani diba?!"
Pinagtawanan lang siya ng kanyang kapatid pagkatapos ay pumasok sa silid. Walang nagawa ang dalaga kung 'di umupo at kainin ang pagkain na binili. Pinipigilan niyang umiyak at iniintindi na si Athena muna bago siya.
"Okay lang, ate ako at dapat mas naiintindihan ko."
Umangat ang ulo ni Althea nang makita niya ang pagpasok ng Ama. Halatang pagod ito at namumutla rin ang labi.
"Pa, kain na. Mabuti at maaga kang umuwi?"
"Umiyak ka ba? Bakit ganyan ang histura mo?"
"Ah wala naman, alam mo naman pong hindi ako nag-aayos."
"Halika ka, baka naman tumandang dalaga ka kakaaral ha?"
"Pa naman, ang bata ko pa! Kumain ka na po."
"Anak, may sasabihin sana ako..."
"Ano po?"
"Pasensya ka na dahil inuna namin si Athena na makasama sa filed trip niyo. Ilang linggo na niya kasing hindi kinakausap ang mama mo kaya ang mama mo nakapagdesisyon na isama na siya roon. Pasensya ka na dahil hindi namin mapagsabay ang gastos."
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomanceA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...