Chapter 1

47K 443 36
                                    

Chapter 1

"Althea, anak," tawag ng kanyang ina.

Tumigil sa paghuhugas ng pinggan si Althea at lumakad papunta sa kanyang ina. "Ano po iyon, Ma?"

"Puwede ba kitang makausap?"

"Opo, ano ba iyon?"

"Hirap kasi sa pasada ang Papa mo, napakaramot ng may-ari sa jeep na ginagamit niya kaya napaka baba ng boundary na ibinibigay niya sa Papa mo."

"Puwede naman po akong magtrabaho sa gabi. Kasi pang-umaga naman po ang pasok ko, Ma."

"Anak, pasensya ka na. Gustuhin ko man magtrabaho, hindi naman ako marunong magbasa at magsulat."

"Ma, okay lang po. Hindi naman kailangan mag pasensya. Tulong-tulong tayo ni Athena para makaraos."

"Nahihiya kami ng Papa mo sa iyo. Lalo na't third year high school ka na, siguradong kapag tumigil ka, mahuhuli ka ng husto sa mga kaklase mo. Ayoko naman mangyari iyon dahil hindi na nga kami nakapagtapos sa pag-aaral ng Papa mo pagkatapos iyon pa ang ipaparanas namin sa inyo ni Athena."

"Ma, ano ka ba? Okay lang naman. Maraming trabaho ang tatanggap sa akin, tingnan mong wala naman silang kailangan bayaran na benepisyo kasi underage pa ako."

"Eh baka naman mahuli ka."

"Hindi, Ma! Si Irish nga nakapasok sa fast food. May kakilala naman po kaming gumagawa ng pekeng I.D."

"Pambihira, saan mo natutunan iyan?"

"Ma, kung hindi ka magiging maparaan, magugutom ang sikmura natin. O sige na Ma at magpahinga ka na muna."

Murang edad at pagbabanat ng buto ang nasa isip ni Althea. Walang ibang iniisip kung 'di ang para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. Si Aling Jessy o ang kanyang ina ay hindi marunong bumasa at magsulat. Grade three lamang ang tinapos nito dahil maaga rin sa pagtatrabaho sa bukid. Laking pasasalamat niyang hindi nagmana sa kanya ang dalawang babae na anak na si Althea at Athena. Mahina ang ulo ni Aling Jessy kaya naman pakikipaglabada lamang ang alam niyang trabaho.

Her husband named Mang Jose, isa naman tsuper ng pampublikong sasakyan. Pareho silang hindi nakapagtapos dahil salat sa buhay. Ayon kay Aling Jessy, namana ng kanilang mga anak ang katalinuhan ni Mang Jose. Kahit hindi ito nakapagtapos ng pag-aaral, masasabi ni Aling Jessy na ito ang palaging tutok sa pagtuturo sa dalawang babaeng anak.

Sa puntong kahit salat sila sa mga pangangailangan, hindi pinabayaan ni Mang Jose ang dalawang dalagang anak. Ginagawan niya ng paraan para lamang magkaroon ito ng mga libro kahit madalas ay galing lang ito sa re-print o second-hand.

Magkasunod lamang ng taon si Althea at Athena, pero mas pinagkakamalan na matanda kay Althea ay si Athena. Kikay kung tingnan si Athena, palaayos at hindi tulad ni Althea na kahit papaano lang pumasok sa paaralan. Madalas pawisan ang mukha dahil masyadong ginugugol ni Althea ang sarili sa pag-aaral. Kapag may sobra-sobra siyang oras, madalas na tinuturan niya ang ina sa pagbabasa. Kahit alam niyang mahina ang ulo ng kanyang ina, hindi ito sinusukuan ng dalaga.

"Ma, may field trip kami sa isang amusement park at museum sa makalawa," panimula ni Athena at ibinaba ang bag sa kanilang upuan.

"Eh anak, wala pa tayong sobrang pera para makasama ka."

"Ma naman? Lahat ng classmates ko kasama pagkatapos ako lang ang magpag-iiwanan? Yearly na lang po ba akong nagkakaroon ng project dahil sa field trip na hindi ko nasasalihan?" reklamo ni Athena.

Napatigil sa paglalaba si Althea at tiniklop din ang libro na nakasabit. Pinunasan niya ang kamay at sinimulang pumasok ng bahay. Para bang nag-init ang ulo ng dalaga nang marinig niya kung paano sumagot ang kapatid.

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon