Chapter 36

2.1K 101 18
                                    

CHAPTER 36

Yakap ni Noah ang baywang ni Althea habang siya ay payapang natutulog. Pagmulat ng mga mata ni Althea napansin niyang parang bata na nakayakap si Noah sa kanya. 

Pagkatapos ng gabing iyon, inaya siya ni Noah na muli silang matulog sa sarili nitong pamamahay. Bahagyang itinaas ni Althea ang kanyang kamay at sinimulan na hawakan ang buhok ni Noah. Hanggang sa bumaba ang kanyang palad sa likuran parte ng ulo nito, kunot noo ang dalaga dahil hindi siya sigurado sa nakapa. Akmang titingnan ni Althea ang kanyang nakapa ngunit biglang nagising si Noah at umiwas ito sa kanya.

"Sorry, nagising kita."

Hindi kumibo si Noah at basta na lang bumangon papunta ng banyo. Napahawak na lamang ang binata sa magkabilang gilid ng lababo habang nakayuko. Para bang masusuka siya sa sobrang sakit ng kanyang sentido hanggang sa napagdesisyonan niyang kumuha ng bimpo at binasa ito upang ilagay sa ibabaw ng kanyang noo. 

"I'll be fine... Kulang lang talaga sa tulog."

Mula sa loob ng mansyon, tamang hinala sina Mayuki at Neriza dahil hindi rin nila mahanap si Noah at Althea. Nang matapos ang party, sabay nawala ang dalawa kaya alam ni Neriza na may namamagitan kina Noah at Althea. 

"Mom! Mom! Paparating ang sasakyan ni Noah!" bulalas ni Mayuki nang makita niya ang sasakyan  ng kanyang kapatid na nagparada sa harapan ng bahay.

Umupo si Neriza sa sofa at hinawakan ang sentido habang hinihintay na pumasok ang kanyang anak.

"Ma!" malakas na sinabi ni Noah at basta na lang sinara ng pabalang ang front door. 

Napalunok na lamang si Mayuki dahil sa ginawa ng kanyang kapatid.

"You spent your night with your maid, right? Gan'yan ka ba kababa pati katulong pinapatulan mo?" asar na sinabi ni Mayuki.

"Shut up! Pinahiya niyo si Althea! Ano ba ang kasalanan ng katulong sa inyo ha?"

"I know you slept with her," wika ni Neriza.

"Isipin mo na ang gusto mong isipin. Hindi tama na ipahiya ninyo 'yung taong nagtatrabaho! I knew everything! Pinahiya niyo siya, sinaktan niyo pa! Do you think I will tolerate those actions you did to her?!"

"Bakit ba todo ang pagtanggol mo sa katulong na 'yan?! Ginayuma ka ba n'yan para ipagpalit mo siya kay Olivia? Damn, Noah! Hindi ka nalalayo sa tatay mong pumapatol sa katulong!" sigaw ni Mayuki.

"Why? Even you, you are a daughter of a slut"

Biglang lumapit si Mayuki upang sampalin  ang kapatid niya ngunit pabalang na hinawakan ni Noah ang kamay niya pagkatapos ay basta na lang binitiwan. "Hurt me a thousand times, but not Althea... She is my life now. I like her at kapag pinag-initan niyo siya, walang ni isang pera ang matitira sa inyong dalawa. Alam kong gusto niyong papasukin ang Richards sa Moretti Publishing. Hindi ko iyun gagawin para lamang papasukin n'yong muli sa buhay ko sa Olivia. Althea isn't just a maid for me, she is more than special."

Para bang aatakehin sa puso si Neriza dahil sa mga sinabi ni Noah. Hindi nila kayang lokohin ang binata lalo na't ang tungkol sa negosyo na tinatago nila para lamang maging mapalit muli sa pamilyang Richards.

Tanghaling tapat nang makauwi si Althea sa mansyon dahil sa mga utos ni Aling Ingrid. Noah did this dahil ayaw pa rin niyang ipaalam na magkarelasyon na sila ni Althea. Umamin lamang siya na may pagtingin sa dalaga upang tigilan na nila si Althea.

Pagpasok ni Althea nang kusina ay kaagad sumalubong sa kanya si Mayuki. Masama ang tingin nito sa kanya kaya naman yumuko na lamang ang dalaga hanggang sa marinig niyang tinawag siya nito.

Prince and the MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon