CHAPTER 18
MAAGANG bumangon si Althea upang maghanap ng puwedeng kainin hanggang sa makita niyang ang ilang magulo at maalikabok na mga gamit ni Noah. Uminom lamang ng tubig si Althea hanggang sa sinimulan niyang linisin ang paligid.
Alam niyang naging mabuti ang kanyang amo sa kanya at hindi siya hinayaan na nagwala sa bar habang nakikipag-away siya sa kanyang kapatid.
"May good side din naman pala si Sir."
Lahat ng canvas paintings nito ay kanyang inayos hanggang sa makita niya ang pamilyar na babae. Inalis niya nang dahan-dahan ang puting tela at tuluyan lumitaw ang mukha nito.
"Ito ang babae sa mall. Ex siguro niya. Napakaganda niya kahit sa painting. Kuhang-kuha ang kinis ng mukha niya," wika ni Althea hanggang sa bitiwan niya ito.
Pagkatapos ng tatlong oras na paglilinis ni Althea, bigla na lamang siyang nahilo dahil sa sobrang pagod. Naalala niyang hindi pa pala siya kumain. Nakapag desisyon siyang lumabas ng bahay at nilibot ang garden.
Hindi maayos ang landscape nito at halatang hindi natitirahan. Kung saan-saan naglakad si Althea hanggang sa makita niya ang puno ng papaya.
"Hay naku, wala sanang nuno. Akin na ito!"
Nagmadali ang dalaga na sungkitin ang papaya pagkatapos ay dinala sa bahay ng amo. Papasok ng bahay si Althea hanggang sa mabigla siyang walang damit pang itaas si Noah. Halos lamutakin niya ang papaya hanggang sa parang naninigas ang kanyang leeg.
"Where have you been? Nilinis mo ang bahay ko, ni hindi ka pa nga kumakain," wika ni Noah at wala man lang itong pakialam kahit na wala pa siyang t-shirt.
"Kumuha ako ng papaya, Sir."
"Iuwi mo na lang kay Aling Jessy. Uuwi na rin tayo."
"Sir, puwedeng makisabay na lang ako kasi may pupuntahan pa ako."
"Saan? Dapat umuwi ka na."
Napataas ang kilay ni Althea hanggang sa maramdaman niyang lumalagkit ang pagtingin sa amo. "Pambihira ka, Althea! Umayos ka!" bulong niya sa sarili.
"Eh Sir! Sa may palengke lang po."
Tumango naman si Noah hanggang sa makapag-ayos silang dalawa at tuluyan ng umalis ng bahay.
Ibinaba lamang ni Noah sa palengke katulad ng hiniling ni Althea. Sinilip muna ng dalaga kung tuluyan ng nakaalis ang binata.
"Baka ano pa ang isipin ni Ma'am Neriza. Magdamag kaming magkasama kaya imposible talaga na hindi magtaka 'yun," wika ni Althea.
Mula sa mansyon, nakarating si Noah sa kanilang tahanan ngunit hindi niya inaasahan na makikita si Tom kasama ang kanyang ina sa hapagkainan.
"What are you doing here?"
"Kukumustihin ka lang! I've been looking for you! Nawala ka na lang!" salubong ni Tom.
"Mind your own business," masungit niyang tugon pagkatapos ay umupo sa kabisera upang kumain.
"Noah, anak. Mukhang napapadalas na naman ang pag-inom mo. Hindi mabuti sa katawan mo iyan," pag-aalala ni Neriza.
Hindi kumibo si Noah at panay lamang ang pagsubo nito sa pagkain. Akala mo'y galing sa giyera kung kumain.
"Saan ka ba galing? Bakit mukhang nakipagbakbakan ka?" malokong tanong ni Tom because he assumed that Noah slept with his maid.
"Obviously, hindi pa ako nag-almusal, Tom. Bakit ka ba nandito?"
BINABASA MO ANG
Prince and the Maid
RomanceA thirty-year-old woman who appears to have been left behind by time. From shabby clothes to several part-time jobs, Althea's life seems to stand still as time goes by. But after a few years, she was hired again as a maid in the Cervantes family, wh...