Audrey's POV
"New Student ka?" Tanong nung lalaking kasabay ko ngayon. Tumango lang ako. Wala naman akong dahilan para kausapin siya. Masabihan niya pa akong feeling close!
Nandito na ako sa room ko pero nagtaka ako kung bakit pati siya pumasok. May pagkamatamad kasi siya kung tingnan. Yung unang tingin mo sakanya walang pakielam sa studies niya.
"Room ko din ito." Sabi niya sabay pasok.
Well, this school is for rich people. I know that i'm not belong here pero sino ba ako para umayaw diba?
Pumasok na ako at agad naghanap ng bakanteng upuan. Nang makahanap na ako ng upuan mula sa third row-second column na malapit sa bintana ay umupo na ako. May katabi ako kaya binati ko kaagad kahit abala siyang nagbabasa ng libro.
First day ko ngayon dito at wala na akong ibang maramdaman kundi ang naghahalong saya at kaba. Saya dahil sa unang pagkakataon naka-pasok ako sa mamahaling paaralan at kaba dahil hindi ko alam kung tanggap ba ako dito o magugustuhan ba nila ako.
Nang makapasok ang aming guro ay bumati siya at agaran naman kaming tumayo at bumati pabalik. Nang natanaw niya ako ay pinapunra niya ako sa harap at sinabing magpakilala.
Magsisimula na sana akong magpakilala ng may dumaang lalaki sa harapan ko. Yung mga kaklase ko namang babae tumili. Ano bang problema nila? Lalaki lang naman yun.
Habang inaayos ko yung sarili ko narinig kong nagsalita yung babaeng nasa harapan ko. Aba! Inuubos ba nila ang pasensiya ko? Bilisan ko daw magpakilala kasi sayang daw sa oras. Hiyang hiya naman daw ako sa kanya. Instead di ko na lang siya pinansin. Mukha kasing mataray at maarte.
"Goodmorning everyone! My name is Audrey Castallero. Nice to meet all of you here. I hope we're in good terms." Pakilala ko sa kanila sabay balik sa upuan.
Narinig ko pang "nag thank you" si Mrs. Valdez sa akin.
Nagsimula na siyang magdiscuss pero konti lang yung nakikinig. Yung iba kumakain, nagcecellphone. At yung iba nakikipagdaldalan. Seriously mga estudyante ba ang mga ito? Paano kaya sila nakakapasa?
Napansin ko din yung lalaking dumaan sa harapan ko ay nasa likod ko lang. Nakikinig din siya. Kyle Oliver Moralez pala yung pangalan niya. Paano ko nalaman? Sa I.D niya. Buti nga nag-a I.D pa ito.
--
Natapos na ang klase namin at masaya akong natapos ito ng matiwasay. Hopefully, wala namang nambully sa akin sa dati ko kasing school may nambubully sa akin eh.
Pero nagpapasalamat pa din ako kasi hanggang tingin lang sila sa akin. Pero ang sakit pa rin kasi tumitingin nga sila sa akin pero magbubulungan naman. Nakaka-insulto lang hindi ba? Ni-lock ko na yung classroom namin dahil mag-isa ko na lang natira. Past 5 na rin kasi.
"Ouch!" Daing ko ng maramdaman kong may nagbato sa akin.
Oo, may nagbato sa akin. Akala ko tapos na ang ganitong buhay ko hindi pa pala.
♥♥
A/N : I hope na may magbasa nito. Salamat. Thank you guys. Sana Magvote and Comment po kayu! Kailangan ko po ng Support niyo po :) Especially sa Comments po :D
VOTE||COMMENT||SHARE
![](https://img.wattpad.com/cover/37359169-288-k66375.jpg)
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Ficțiune adolescențiMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...