Chapter 41

118 13 5
                                    

Audrey's POV

May sasabihin yung homeroom teacher namin ngayon kaya nandito kaming lahat. I mean kinuha niya muna sandali yung oras ng teacher namin kanina.

"So since malapit na ang December at alam niyo na rin siguro ang event tuwing sumasapit ang December hindi ba?" Tanong ng teacher namin sa amin. December? Ang bilis na pala. Magde-december na. Baka Christmas party yun.

"Yes Ma'am." Sagot namin. Pagkatapos nun kina-usap niya yung president namin.

"Alam mo ba kung anong nangyayari tuwing Christmas?" Tanong ni Shanaiah.

"Christmas party." Sagot ko. Yun lang naman kasi ang event namin dati sa school tuwing December.

"Psh. Hindi kaya. May nangyayaring Christmas ball tuwing December rito sa school." Sabi niya.

"Christmas ball? Meron pala nun?" Takang tanong ko. Tumango naman siya. Christmas ball? Bago yun ah.

"So kung mayroong Christmas ball walang christmas party?" Curios kong tanong.

"Meron pa rin. Sa last yung christmas ball. I mean sa umaga yung christmas party tapos sa gabi naman yung christmas ball. Gets mo?" Tanong niya sabay labas ng lollipop sa bag niya. Kinuha ko naman yung binigay niya at binuksan.

"Cool. Bago yan. Sa amin kasi christmas party lang. Pero sa christmas ball parang Prom?" Tanong ko at tumango ulit siya.

"Aish. Ibig sabihin kailangan may ka-date ka?" Tanong ko.

"Yup! At alam mo bang babagsak ka sa PE subject kapag wala kang ka-date na dito mula sa school. Kaya kung sa ayaw at sa gusto mo sasama ka dapat at maghahanap ka ng ka-date mo na naga-aral dito sa Academy." Mahabang paliwanag niya. Pero what? Kailangan dito talaga sa school. Aish.

"Ibig sabihin bawal sa labas? Talagang dito lang sa loob ng school? Paano kung hindi ka pumunta?" Tanong ko ulit. Aish. Ang dami kasing pakulo.

"Kung hindi ka pumunta? Simple lang wala kang grade sa PE." Sabi niya ng naka-ngiti. For sure, si Kyle ang ka-date nito.

"Aish. Sino bang nag-isip ng pakulo na yan at ipatapon na natin." Naasar kong sabi.

"Ewan ko nga eh. Aish. Nakaka-asar nga last year eh. Yung nerd sa section B ang naka-partner ko." Naa-asar na kwento niya. Natawa naman ako. Bakit naman siya naaasar?

"Bakit pangit ba?" Pangu-usisa ko.

"Hindi. Aish. Naging crush ko yun eh." Halatang kinikilig na sabi niya.

"Aigoo! Nakuha pang kiligin. Nandiyan na si Kyle." Panga-asar ko.

"Tsk. Wala naman eh!" Pagpapabebe niya.

"Halah! Pabebe pa." Sabi ko sabay tawa.

"Eh sinong ka-date mo niyan sa christmas ball?" Tanong niya.

"Wow. Ka-date KO lang? Bakit meron ka na?" Tanong ko kahit na alam ko ng si Kyle ang ka-date niya.

"Wala pa. Atsaka matagal pa naman. Kaya huwag mo munang isipin." Sabi niya. Tignan mo ito. Siya nag-tanong tapos ngayon siya rin mage-end.

"Tsk. Balik ka na nga sa upuan mo mahuli ka pa ng teacher natin. Salamat na rin sa lollipop." Sabi ko at bumalik naman siya sa upuan niya.

Aish. Christmas ball. Ito yung gustong gusto ni mama. For sure, siya ang maga-ayos sa akin. Aish. Kailangan ko ng time machine para next year na agad.

--
"Alis na kami." Paalam ni Harold kala Kyle at Shanaiah.

"Bye Audrey!" Paalam niya.

"Bye." Tipid kong sabi. Hahatid ako ngayon ni Harold. Nagulat pa nga ako kaninang kinuha niya bag ko.

Habang naglalakad walang nagsasalita sa amin. Una at hindi sa huli wala naman kaming dapat pag-usapan.

Nakarating na kami sa jeep wala pa rin. Nahihiya pa rin kasi ako sa ginawa kong pag-amin kagabi. Ilang minuto lang rin nasa bahay na kami.

"Pasok ka muna." Paga-aya ko sa kanyang pumasok sa bahay.

"Hindi huwag na sa susunod na lang. Atsaka magpahinga ka na lang. Sigurado ko pagod ka." Sabi niya. Okay madali akong kausap.

"Sige. Ingat ka na lang. Bye." Sabi ko at naglakad papasok sa bahay. Narinig ko naman siyang nag-bye at good night. Ganun rin naman ang ginawa ko.

Pagka-pasok ko bigla na lang nag-ring yung phone ko.

--

HAPPY NEW YEAR EVERYONE!! YAHOO :) 2016 NA MAMAYANG 12 :) HAHAHA SO YUN LANG ;) May wish ako para next year ;) Mabasa naman sana nila ito ;) Hahaha ;) So yun lang ;) huhuhu malapit na pasukan ㅠ.ㅠ malapit na rin ang concert ng EXO ㅠ.ㅠ sino pupunta sa inyo? Hahaha Lels ㅠ.ㅠ

Ang layo ko naman kasi sa Manila :) hahahah siguro sa susunod. Hindi lang ngayon. Char! Drama ko!

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon