Audrey's POV
Pagka-pasok ko bigla na lang nag-ring yung phone ko.
"Hello." Bati ko kay Hiro. Sinave ko na number niya.
"Pwede bang magkita tayo sa park ngayon? Yung last mong pinuntahan."
"Sige." Sabi ko at nagsimula nang maglakad ng hindi man lang nagpapalit ng damit. Suot ko pa rin yung uniform ko.
Pagkadating ko nakita ko na siyang naka-upo sa isang swing.
"Hi." Bati ko sabay upo.
"Hello." Tugon niya sa akin. Hindi na ako nag-salita pagkatapos nun. Pinapunta niya naman ako rito kaya baka siya ang may dapat sabihin.
Hiro is my bestfriend. Yes, bestfriend ko siya. To the point na minsan sa bahay nila ako natutulog at minsan ganun rin siya. Hindi naman ako pinapagalitan ni mama kasi may tiwala raw siya sa amin. Pero iniwan niya lang ako noon. Nung first year kami nag-migrate sila sa Korea. Alam niya number ko pero hindi niya ako tinawagan. Friends kami sa facebook pero hindi niya ako prinivate message. Alam niya email ko pero sa 2 years na yon hindi man lang siya nag-paramdam. Araw-araw ko siyang mini-message na nagbabasakaling minsan mabasa niya naman yung mga tini-text ko sa kanya. Hindi ako nag-palit ng numero dahil naniniwala akong tatawagan niya rin ako. Sabi ko kapag tumawag siya papatawarin ko siya. Kaibigan ko siya eh.
Noong umalis siya tumuloy lang ako rito sa park at hinihintay siya. Na baka hinihintay niya rin ako. Pero nabigo ako dahil gabi na wala pa rin siya.
"Kamusta ka na?" Pagba-basag niya sa katahimikan.
"Mabuti. Ikaw ba?" Tanong ko.
Naalala ko na naman yung nag-tweet sa twitter. Never look back on past mistakes, learn from them and move forward. Just let it go and forgive them.
Just let it go and forgive them. Siguro ngayon na nga yung oras na kailangan ko nang kalimutan yung mga nangyari noon at kalimutan.
"Sorry Audrey. Sorry iniwan kita 2 years ako. Sana mapatawad mo ako." Paghihingi niya ng tawad.
Siguro nga kailangan ko na ring patawarin si Hiro.
"Kwento ka naman ng magagandang nangyari sa'yo sa Korea." Masigla kong sabi sa kanya. Nakita ko namang ngumiti siya.
"Ibig sabihin pinapatawad mo na ako?" Nakangiti niyang tanong. Tumango naman ako. Bigla na lang akong nagulat ng yakapin niya ako. How I miss him.
"Sa Korea? Alam mo bang snow ang meron doon? Atsaka alam mo bang ang gaganda ng mga lugar doon. Hindi nga lang ako nakakasabay sa lenggwahe nila. Alam mo bang may natutunan naman ako ng kaunti roon sa lenggwahe nila." Masayang kwento niya.
"Ano naman? May alam rin ako! Alam ko ang pagsabi ng I love you sa kanila."
"Oh ano?" Tanong niya.
"Saranghae! Saranghae Hiro." Sabi ko. Natutunan ko lang ito sa internet.
"Saranghae Audrey. Ano ba iyan. Libre na lang kita habang maaga pa ng ramen. Iluto natin sa bahay niyo. For sure masasarapan ka roon. Yun yung kinakain ko minsan sa Korea." Panga-aya niya. Nag-oo naman ako. Ganito kami dati ka-close.
"Tara punta na tayo sa bahay niyo." Sabi niya matapos maka-bili. Siya na rin nagbayad libre niya eh.
"Nangsu-suhol ka lang para mapatawad kita eh." Pangjo-joke ko. Natawa naman siya.
"Kung yan ang tawag mo." Sabi niya sabay tawa naming dalawa. How I miss his laugh.
"Wait lang ni-lock ko yung bahay eh." Sabi ko sabay labas ng susi sa bulsa.
"Hindi pa rin pala kayo lumilipat ng bahay. Yung kwarto ko ba nandiyan pa?" Tanong niya sabay tawa. Sabi ko sa inyo sa bahay siya natutulog. Kaya sa kanya na yung isang bakanteng kwarto.
"Oo. Wala pa ring pinagbago." Sabi ko sabay pasok. Oh well, except sa nililinisan ko yun every Saturday.
"Wait palit lang ako. Magluto ka na lang diyan." Sabi ko. Papa-alam na lang ako kay Manang Lusing na hindi ako makaka-pasok ngayon.
Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako. Sakto tapos na rin ata siyang magluto. Ang bango naman pala ng ramen. Mabuti na lang dinagdagan niya yung binili niya.
"Tara kain na." Sabi niya. Naka-handa na rin pala.
"Fudge. Bakit hindi mo sinabing maanghang." Sabi ko habang umiinom ng tubig. Natatawa naman siyang nakatingin sa akin.
"Hindi ka naman nagtanong." Sabi niya. Habang tinatapik tapik likod ko.
"Aba! Malay ko ba sa ramen na 'yan. Atsaka first time ko ito. Eh pero marami bang gwapong koreano doon?" Curios kong tanong. Updated naman ako kahit papaano diyan sa K-POP na yan.
"Ikaw ah. Sinong gusto mo?" Tanong niya.
"Si Lee Chi Hoon, Lee Hyun Woo, Lee Jong Suk, Park Chan Yeol, Kim Woo Bin tapos sino ulit yun. Ah basta marami pa." Sabi ko habang inaalala sila isa't- isa.
"Ang dami naman. Eh ako wala ba diyan?" Sabi niya. Psh. Siya?
"Ano ka ba. Ang gwapo kaya nila. Ikaw ba? Dapat meron ka doon?" Tanong ko. Siya naman nagkibit-balikat lang.
Pagkatapos ng tawanan namin kumain na lang ulit kami. Haay. Atleast ok na kaming mag-kaibigan.
--
HAPPY NEW YEAR EVERYONE! :)XOXO,
Trisha Mae ♡

BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Fiksi RemajaMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...