Audrey's POV
"Follow my heart?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Bakit ko naman susundan yung puso ko? Naglalakad ba ang puso?
"Yup!" masigla niyang sagot sa'kin.
"Naglalakad ba ang puso?" parang tanga kong tanong sa kanya na ikinatawa niya.
"Best, uso pala talaga ang salitang slow. Ngayon napatunayan ko na." inismiran ko lang siya sa naging sagot niya na ikinatawa niya naman ulit. Hindi ba siya nausuhan ng salitang "process" eh nagpa-process pa lang sa utak ko eh.
"Alis na'ko." paalam ko sa kanya. Ngayon, alam ko na ang ibig niyang sabihin. Tsk. Nakwento ko nga pala sa kanya yung nagugustuhan ko na si Harold. Fudge. Bakit ko ba kasi nakwento yun? Tuloy inaasar niya ako ngayon.
"Ingat. Ingat ka sa iyong love of your life!" pahabol niya. Hindi ko na siya tinignan dahil baka asarin niya lang ulit ako kaya nagtuloy tuloy na lang ako.
Nang makita ko na si Harold hindi na ako nag-abalang tawagin siya instead tumabi lang ako sa kanya.
"Sorry." Mahina kong sambit sa kanya. Tumingin lang naman siya sa akin at nagbasa muli ng librong hawak niya. Galit nga yata talaga siya sa akin.
"Sorry for stopping you to play basketball. Sorry kung pinakielaman kita. Sorry." Matapos kong sabihin yun hindi pa rin siya tumingin. Fudge. Nakakaubos naman ng pasensiya to. Pa-chix ang drama. Kailangan talsga sinusuyo.
Imbis na magsorry pa ako ng maraming beses umalis na lang ako sa library at iniwan siyang nagbabasa roon. I don't know pero tumingin ata siya sa gawi ko. But who cares? He declined my apology. Fudge. Kung kailan sinusuyo sumosobra. Manigas siya!
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Teen FictionMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...