(A/N: Thank you for my new Cover @CrazyFallinForYou love you Friend :* :) *0*)
--
Harold's POV
"Ubod ba naman ng sama ng ugali mo.""Ubod ba naman ng sama ng ugali mo."
"Ubod ba naman ng sama ng ugali mo."
Aaaahh. Ayaw ko na. Paulit-ulit.
Ganun ba ako kasama? Hindi naman ah.Oo,masakit. Masakit lalo na kung sa taong gusto mo ang nagsabi. Yeah, I fell inlove with her. Since she enter this Academy.
Eto ba yung sinasabi nilang "Love at first sight"? Kasi kung eto yun,Wow! Just Wow!
Masakit pala. Masakit palang itago yung nararamdaman mo. Hindi ako torpe. Natatakot lang akong ma-reject. Mareject ng taong gusto ko. Wala naman mali sa akin. Gwap--"Tol, tara na daw. Magsisimula na yung practice. Emo emo ka pa diyan." Tsk. Walanghiyang Russel oh! Panira ng moment.
"Walanghiya ka Tol! Anong emo ka diyan." Sabi ko sabay sapok sa kanya. Ang walanghiya ayun tumatawa.
"Tol, babae ba yan? Kawawa naman yung magiging babae mo." Sabi niya sabay takbo.
"Ul*l. Anong kawawa? Swerte kamo. Sa gwapo ko ba namang ito." Sabi ko sabay habol sa kanya.
"Gwapo? Tinatawag mo yata ako Tol." Sabi niya nung mahuli ko siya.
"Gag*. Wala ka pa sa kalahati ng kagwapuhan ko." Sabi ko sabay sapok ulit sa kanya. Palabasin ba namang mas gwapo siya kesa sa akin.
"Sige Tol, dahil broken hearted ka pagbibigyan kita. Pero sa susunod wag ka ng magiilusyon ah? Sayang naman tong kagwapuhan ko ngayon natatago." Sabi niya na para bang nagiisip. Walanghiya talaga ito.
"Kagwapuhan? Natatago? Tol, natatago yan kasi natatakot yung mga chix sayo. Tignan mo yung papalapit na babae dito. Makukuha ko na agad yung number niyan. Watch and learn." Sabi ko sa kanya habang tinuturo yung babaeng papalapit dito.
"Sige ba. Pusta ako susungitan ka niyan." Sabi niya na parang sigurado. Walanghiya! Nakuha pang makipag-pustahan.
"Tsk. Tignan mo na lang." Narinig ko siyang tumatawa. Akala niya ah.
"Hi Miss Beautiful." Sabi ko sabay kindat sa babae nung malapit na siya sa akin. Nakita ko naman agad siyang nagblush. Tsk. Lakas talaga ng karisma ko.
"He-hello."
"Can I get Your Number?" Tanong ko sabay labas ng CP ko.
"Su-sure." Nauutal niyang sagot. Napatingin naman agad ako sa gawi ni Russel. Ayun ang loko nawala ang ngiti. Napangisi ako. Sabi na eh! Talagang gwapo ako.
"Thank you Miss Beautiful. Till next time."
"Welcome. Text text na lang." Sabi niya sabay bigay ng CP ko sa akin. Text Text? Palabas lang ito.
"Oh ano tol. Paano ba yan nakuha ko number niya. Ibig sabihin mas gwapo ako."
"Tsk. Chamba lang yan tol."
"Chamba? Aminin mo na kasing mas gwapo ako kesa sa'yo." Sabi ko sakanya sabay tawa.
"Oo na mas gwapo ka na." Sabi niya na parang bata.
"Tsk. Tol tara na. Lagot tayo! 5 laps." Sabi niya sabay takbo. Lagot! Muntik ko ng makalimutan. May practice pala ngayon.
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Novela JuvenilMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...