Audrey's POV
Pagkadating ko sa Academy napansin kong umaalis yung mga kaklase ko sa room. Eh, wala bang pasok ngayon?
"Miss wala bang pasok?" tanong ko dun sa kaklase kong paalis. Mukha naman siyang mabait kaya nagtanong na ako.
"Audrey right?" tanong niya habang tinuturo ako. Okay, awkward!
"Ah--oo." sabi ko sabay ngiti.
" I'm Shanaiah. And about dun sa tanong mo. May game kasi ngayon ng basketball. And pinapabigay nga din pala ito ni Harold." sabi niya sabay bigay sa akin ng papel. Ano nanaman kayang pakulo neto?
"Sabi niya ibigay ko raw sa'yo yan. Huwag ka ring mag-alala hindi ko binasa yan." pagpapatuloy niya.
"Ah ganun ba? Salamat." sabi ko naman sabay ngiti. Pansin ko lang ngiti ako ng ngiti ngayon. Pansin niyo rin ba?
"Your Welcome. Gusto mo ba sabay na tayong pumunta roon?"
"Ah sige. Hindi ko din naman alam." sabi ko sabay tawa ng mahina. Totoo naman eh, hindi ko pa kasi gaanong kabisado itong Academy.
Pagkasabi ko 'nun nagsimula na kaming maglakad papuntang Gym. Gym lang pala pupuntahan namin akala ko kung saan. Eh di sana kung sinabi niya ng maaga alam ko diba? Pagkapasok namin ng Gym ang dami ng tao. Ganito pala kapag may game. Yung sa'min kasi kung sino lang ang may gusto yun ang pumunta.
Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang si Shanaiah ayun siya sumisigaw na. Puro ang siyawan nga nila yung number 13 at 24. Siguro jersey number yun nung ibang players ng school namin. Posible namang kumampi si Shanaiah sa ibang school diba? Pero pwede din pala kung kuya niya yun.
"Uy Audrey bakit ang tahimik mo? Bakit hindi mo ako gayahin nagchi-cheer." patawa ata siya eh. Cheer pa ba yun? Sumisigaw kaya siya.
"Mamaya na lang kapag nagsimula na." sabi ko sa kanya.
"Sige bahala ka. Ikaw din. Gwapo pa naman yung mga players ng school natin. Lalo na yung naka Jersey number 13. Grabe ang galing nun! Daig pa si James Yap kung naglaro." pagkwe-kwento niya na halata mo namang kinikilig.
"Grabe ka! Mas magaling naman siguro si James Yap!" Pagtatanggol ko. Siya naman hindi na ako pinansin bagkus sumigaw nanaman ulit siya.
Ako naman kinuha ko sa bulsa yung papel na pinapabigay ni Harold. Tinago ko ito kanina pagkabigay pa lang ni Shanaiah baka kasi mawala ko.
"The game will start in 10 minutes. So be ready students." sabi nung nagfafacilitate. 10 minutes? Grabe naman pala. Ang tagala nun ah! Tapos itong si Shanaiah kung makasigaw parang wala ng bukas.
Pagkabasa ko dun sa papel agad na muna akong nagpaalam kay Shanaiah na aalis muna ako saglit at babalik din pagkatapos. Ewan ko nga kung narinig niya. Ang dami kayang mga estudyanteng nagsisigawan idagdag mo pa yung kay Shanaiah.
Pagkakuha ko ng bag ni Harold bumalik na agad ako sa Gym. Sabi niya kasi sa sulat na hindi naman talaga niya sinulat kasi pina-print niya pa kunin ko daw sa loob ng classroom yung bag niya dahil may laro raw sila. Anu kayang lalaruin nila? Dota nanaman? Grabe naman garud siya. Porket nalaman niya lang na may game ngayon ang basketball kaya ba siya wala? Na-addict na nga yata talaga.
Pagkapasok ko palang ng Gym rinig ko na agad yung sigawan ng mga estudyante. Karamihan sa kanila sumisigaw ng Number13 at 24 na hindi ko naman alam kung sa school ba namin yun oh sa kabila. Sino kaya yung mga yun? Infairness ang dami nilang fans.
Pero higit na lumakas pa yung sigawan nila nung lumabas na yung mga players ng school namin at nung kabilang school. May laban nga talaga.
"Kuyang naka-jersey ng number 13 akin ka na lang!" sigaw nung baklang isa sa mga cheer dancers.
"Number 13! Number 13! Number 13!" sigaw ng karamihan na nangunguna talaga si Shanaiah.
"Number 24! Number 24! Number 24!" at marami pa silang sinisigaw na jersey number pero kahit isa dun wala akong kaalam-alam kung sa'ng eskwelahan yun. At promise ang sakit nasa eardrums yung mga sigawan nila.
--
A/N: Comments guys! :D haha I badly need that :)
BTW, Yun! May bagong character. Shanaiah is the name. And abangan niyo na lang po siya kung anong magiging role niya sa buhay ni Audrey =) Yiie!
(09-18-15)
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Teen FictionMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...
