010316
★★★
Audrey's POVNagising na lang ako bigla sa ingay ng alarm clock ko. 3 PM na pala. Masyadong napahaba pala ang pag-tulog ko. Agad-agad akong tumayo at dumiretso sa kusina. Magme-meryenda muna ako. Saktong pagkababa nakita ko si mama, nanunuod.
"Hi 'Ma!" Bati ko pagkakita ko sa kanya.
"Hindi ka pa ba magga-gayak?" Tanong niya habang naka-tingin na ngayon sa akin.
"Ang aga pa po. Mamaya na lang po. Papahinga lang po ako ng kaunti." Sabi ko habang nilalabas yung cookies mula sa ref. Kakabili ko lang nito kahapon noong lumabas kami ni Shanaiah.
"Ah sige. Mamaya ko na lang rin tatawagan yung maga-ayos garud sa inyo. Naaalala mo pa ba si Tita mo? Yung may-ari ng parlor na pinag-trabahuan ko. Siya ang maga-ayos sa inyo." Sabi niya.
"Wow mother! Paano niyo po napapayagan si Tita? Eh bihira lang yun mag-oo." Sabi ko sa kanya. Kasi naman si Tita kapag may nagha-hire sa kanya eh sa iba niya binibigay.
"Sabi ko may Christmas ball kayo. Tsaka pinilit ko siya. Sabi ko gwapo ka-partner mo." Sabi niya na halata mo ng kikiligin. Pero wait.
"Paano niyo pong nalaman na..." Hindi makapaniwalang sabi ko. Paano niya nalaman kung sino ang ka-partner ko.
"Masyadong pala-kwento lang yung kaibigan mo. Alam mo bang pumunta iyan kanina at binigay iyang susuotin mong heels. Nakalimutan niya kasi raw ibigay yan kahapon kaya ayun. Tapos nagchikahan kami. Alam mo bang ang ganda niyang kausap." Kwento ni Mama. Napasapo na lamang ako sa noo habang kwine-kwento niya iyo. Aish. Ang daldal talaga kahit kailan ng babaeng iyon. Kaya pala parang may kulang kahapon. Nakalimutan kong kunin sa kanya ito.
"Pumunta po siya rito? Bakit hindi niyo po ako ginising?" Sabi ko.
"Ayaw na kasi kitang gisingin. Ang himbing pa ng tulog mo." Sabi ni Mama. Tumango na lamang ako. Bukod sa wala na akong masabi baka mag-tanong ng mag-tanong si Mama tungkol kay Harold.
Pagkatapos kong mag-meryenda naligo na ako. Pagkatapos nag-suot muna ako ng short at sando. Bukod sa masyado pang maaga ng tatlong oras ay papunta pa lang rin raw si Shanaiah at malapit naman na raw si Tita. Napagkasunduan pa namin nila Shanaiah na sa mga ka-partner namin kami sasabay. Na siya lang naman talaga ang nag-plano at ako na lang pala ang hindi nakaka-alam. Paano ba namang i-block mail ako na kapag hindi raw ako sumabay kay Harold eh F.O na raw kami. Kaya ayun nag-oo na lang ako.
"Anak, nandiyan na ang Tita mo." Sabi ni Mama habang kinakatok yung kwarto ko. Agad ko namang binuksan yung pintuan at bumaba. Nakita ko na agad si Tita pagka-baba.
"Tita!" Sabi ko sabay yakap sa kanya. Ganun rin naman ang ginawa niya. Na-miss ko siya. Ilang months na rin kaming hindi nagkita.
"Kamusta?" Tanong niya.
"Ok lang po. Kayo po ba?" Tanong ko rin. Siya naman inu-umpisahan niya ng ayusin yung mga dapat gamitin.
"Ayos lang rin. Dalaga ka na talaga." Sabi niya. Tumawa lang ako. Siya naman sinimulan niya na akong ayusan. Pina-upo niya muna ako. Una niyang inayos yung buhok ko. Sunod yung make-up. Habang minemake-up'an niya ako dumating na si Shanaiah. Natagalan raw siya kasi traffic. Habang minemake-up'an ako nagu-usap sila Shanaiah at Tita. I mean naging close sila ng ilang minuto lang. Ang daldal kasi nilang dalawa eh. Si Mama naman naghahanda ng ipangme-meryenda sa dalawa.
"Super perfect!" Sabi ni Tita. Ako naman tumingin agad sa salamin. At talagang masasabi kong ang galing talagang mag-ayos ni Tita. Sunod na inayusan si Shanaiah. Pinartner yung kulay ng gown niya sa make-up niya. Yung kulay kasi ng gown niya ay pink samantalang yung akin ay skyblue. Kaya sa akin ang mas nangibabaw ay ang kulay skyblue ganun rin kay Shanaiah mas nangibabaw ang pink. Saktong lagay lang ng make-up sa amin. Hindi siya light, hindi naman gaanong dark. Yung sakto lang.
Pagkatapos kaming ayusan sunod ay yung pagsuot ng gown namin. Pumasok na ako sa loob ng banyo namin. Ako sa taas sa baba naman si Shanaiah. Naka-tiles naman itong bahay. Unang lumabas ng banyo si Shanaiah. Ang bilis niya naman pero sabagay sanay na pala siya. Sunod naman ako. Parehas kaming pinuri nila Tita at Mama. Ang suot ko halos lahat kulay sky blue kay Shanaiah pink. Pinag-usapan kasi namin mas maganda kung babagay kung yung kulay ng gown namin eh parehas sa heels.
7:30 na ng dumating si Harold at naghihintay sa labas ng bahay. Ganun rin si Shanaiah. Naghihintay na rin kasi si Kyle sa bahay. Mag-kaibang kotse ang nasa labas kaya ibig sabihin parang per couple ito.
Lumabas na kami at pumunta sa kanya kanya naming date. Nagpa-alam naman na kami kina Mama at Tita. Sila pa nga ang kinikilig kesa sa amin.
"Bye. See you later sa Academy." Paalam ni Shanaiah ganun rin si Kyle at lumoob na sila sa kotse at naunang umalis.
Bago pumasok ng kotse binigyan muna ako ng bulaklak ni Harold. Kinuha ko naman ito at nagpa-salamat.
Napansin kong kulay sky blue yung kulay ng neck tie ni Harold. Parang alam ko na kung sinong pakana nito. Bukod kay Shanaiah wala naman na akong kwinentong kulay ng gown ko sa iba ko pang kaklase. Maghanda talaga iyang babaeng yan pagka-pasok namin sa Academy. Akala niya maiisahan niya ako dun.
Bago pa-andarin ni Harold yung kotse sinabi niya yung mga salitang hindi ko inaasahan.
"Audrey, you're so beautiful." Sabi niya sabay kiss sa cheeks ko. Agad naman akong lumayo sa kanya. Natawa siya ng kaunti.
"Ang gwapo mo rin ngayon." Sabi ko sabay kiss sa kanya sa lips. Ilang segundo lang nagtapat yung labi namin sa isa't isa at inalis ko na rin. Siya naman natulala lang.
"Drive now babe. Mahuli pa tayo." Sabi ko with a seducing voice. Hindi niya pa rin sinimulan pa-andarin kaya ki-niss ko na lang ulit siya sa cheeks. Mukhang natauhan naman siya at madali niya drinive yung sasakyan. Natawa na lang ako sa inakto niya.
With all this months I know that...
He's my Crazy master.
My crazy master who will teach me on how to love him like how much he loves me.
THE END.
![](https://img.wattpad.com/cover/37359169-288-k66375.jpg)
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Fiksi RemajaMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...