Chapter 11

176 17 1
                                    

Audrey's POV

Pagkagising ko dumiretso na agad ako sa banyo at naligo. Maganda talagang naliligo kapag umaga. Fresh kumbaga. Naaamoy ko na din kasi yung masarap na luto ni Mama. Pagkatapos kong naligo at nagbihis dumiretso na agad ako sa kusina.

"Morning Ma!" bati ko sa kanya habang siya naman ay nagluluto.

"Goodmorning. Kumain ka na. At baka malate ka pa traffic pa naman ngayon." sabi niya habang hinahain yung mga kakainin ko.

"Eh Ma naman! Sabay ka na din po. Sayang naman po ito kung ako lang kakain. Masarap pa naman ito." sabi ko habang nakaturo sa mga pagkaing nakahain sa mesa.

"Sino bang nagsabing hindi ako sasabay?" sabi ni Mama habang nakapameywang tapos nakataas pa yung kilay. Pahiya ako dun ah.

"Eh,Mama naman eh!" sabi ko sabay siya naman tumawa sa inasta ko. Ikaw ba naman ang magdabog with matching palo pa sa mesa. Bata lang ano?

Nakita ko naman ng umupo si Mama sa mesa. Nagsimula na kaming kumain ng walang nagsasalita. Tanging ingay lamang sa telebisyon ang aming naririnig. Sabi kasi ni Mama masama raw na nag-uusap kapag nasa hapag kainan. Kaya ayun, hanggang sa matapos kaming kumain walang nagsasalita.

"Ma, alis na po ako." paalam ko kay Mama habang siya naghuhugas na ng mga pinagkainan namin.

"Mag-ingat ka." sabi niya. Ako naman ginawa ko na yung palagi kong ginagawa. Ang pag-kaway na nangangahulugang ako'y aalis na.

Haay. Nakaka-miss pala yung dati. Yung dating hatid-sundo ka ng magulang mo parang nung elementary ka. Yung tipong kahit na nasa loob ka na ng silid-aralan nandoon pa rin siya na sinisigurado niyang nandoon na yung teacher mo. Tapos dun pa lang siya aalis. Oh diba? Nakakamiss. Pero sabi nga nila lahat ng nangyayari sa buhay mo nagbabago. Parang ako lang ngayon. Ngayon pumupunta na ako sa skwelahan ng mag-isa. Ngayon ako ng nagpapaligo at nagbibihis sa sarili ko. Ngayon ako ng gumagawa ng mga kaya ko na hindi ko kayang gawin noon. Kayo ba? Ganyan rin ba ginagawa niyo ngayon?

--
A/N: Ang ikli. Haha ^^

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon