Audrey's POV
"Oh anyare sa'yo? Mukhang nasalantahan ka ng bagyo diyan. Hindi pala bagyo parang tsunami na eh! Ang haggard mo teh! Ang lungkot lungkot mo pa." pagsesermon niya sa akin.
"Oo nasalantahan sa pag-ibig!" pabalang kong sagot sa kanya.
"Aba! Pumapag-ibig ka na. Sino ba yan?"pag-uusisa niya sa akin.
"Si Bagyong Juan!" pabalang na sigaw ko sa kanya. Can't she see? Badtrip ako.
"Tsk. Bahala ka nga diyan basta ako mang-stalk na lang kay love of my life!" sabi niya habang hawak yung tablet niya. Tsk. Sino pa ba eh di si Kyle.
"May girlfriend na yun." bitter kong sagot.
"Alam ko." proud niyang sabi. Napatingin naman ako agad sa reaksiyon niya. Bakit ang saya niya? Diba dapat nabi-bitter rin siya?
"Paano mo nalaman?" naguguluhan kong tanong.
"Stalker beh. Stalker nga diba." sabi niya sa akin habang nakatingin pa rin sa tablet niya.
"Eh bakit hindi ka nasaktan?" tanong ko sa kanya. Eh naiintriga ako eh!
"Para san pa? Masasayang lang ulit luha ko. Yung page-emote ko. Parang yung ginagawa mo lang. Imbis na nagsasayang ka ng oras mo diyan kakamukmok bakit hindi ka mag-saya ano bang nangyare?" tama nga naman siya. Pero halata bang malungkot ako? Fudge. Bakit ba masyadong halata. Hindi naman ako nagpapahalata ah!
"Eh nabadtrip ako dun sa Master ko! Pucha! Tuloy nakapag-mura ako!" naaasar kong kwento sa kanya.
"You mean si Harold?" tanong niya ng may nakakalokong ngiti. Tumango naman ako sa kanya.
"Ano ba kasing nangyari?" excited niyang tanong.
"Galing kasi ako kaninang Faculty tapos narining kong may laro ng basketball nung pagkabalik ko sa kanya para sabihing may game ng basketball tapos kasali siya ayun sabi ko wag siyang sumali." pagkwekwento ko. Nakita ko namang kumunot noo niya.
"Hindi mo ba alam na siya ang captain ng Basketball? Hindi mo ba alam na siya ang mala-MVP ng school natin?" di makapaniwalang narinig ko mula sa kanya. Totoo? Kung ganoon alam ko na kung bakit.
"Hindi." tipid kong sagot.
"Kaya naman pala eh! Puntahan mo na siya." pagtataboy niya na sa akin.
"Bakit? Mapapahiya nanaman ako doon. Hindi mo ba alam na pinahiya niya ako." naaasar kong sabi sa kanya. Hindi naman siya sumagot. "Hindi mo rin ba makuha iyon? Katulong niya lang ako. In short, alalay." emosyonal kong sabi sa kanya. Bigla ko na lamang naramdaman ang mainit na likido sa mukha ko. Agad niya naman akong niyakap. Narinig ko rin yung binulong niya na nakatindig balahibo sa akin.
"Just follow your heart."
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Dla nastolatkówMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...