Audrey's POV
"Drey! Bakit wala ka kaninang morning class?" tanong sa akin ni Shanaiah. Oh yeah magkasama kami ngayon dito sa canteen kumakain ng lunch binigay niya na rin kasi sa akin yung mga handouts. Tulog lang rin naman si Harold kaya wala dapat akong alalahanin and in the first place kaya ko siya inaalagaan kasi ako yung kasama niya kanina kaya dapat lang na ako ang mag-alaga.
"Uhh-- may ginawa lang. Tsaka ano ka ba! Nagpa-excuse naman ako kay Mrs. Valdez." sabi ko sa kanya habang iniiscan yung mga handouts na binigay niya.
"Ahh. Excuse? Pareho kayong excuse ni Harold today ah. May hindi na ba ako alam?" nakakaloko niyang tanong sa akin.
"What? Anong hindi mo alam?" tanong ko sa kanya habang nakatingin.
"Yung alam mo na hindi ko alam." sabi niya habang sinusubo yung inorder niyang pagkain.
"Wala naman." tipid kong sagot.
"Eh bakit ka nga kasi wala?" pilit niyang tanong sa akin.
"Kasi nga inalagaan ko si Harold. May lagnat siya."
"What? Inalagaan mo yun? Waaah! Sabi na eh. Process by process lang yan. So ano nangyare? Mag kwento ka naman." excited niyang pahayag sa akin.
"Mahabang kwento."
"Eh di paikliin mo. Kaibigan mo ako tapos ganyan ka." nagtatampo niyang pahayag. Kinokonsensiya pa ko eh! Pwede naman niyang sabihin na. "Kwento na bilis. Habang hindi pa nagta-time." oh diba.
" Ok. Ok. Fine. Kasi nagkita kami kaninang umaga sa garden tapos tinatanong ko siya kung ano na yung sasabihin niya tapos nakita ko na lang wala na siyang malay." pagkwekwento ko. Nakita ko namang tumaas yung kilay niya. Ano nanaman kaya?
"Anong mahaba dun?" tanong niya.
"Mahaba kaya." pagproprotesta ko.
"Sabihin mo tinatamad ka lang. Pero yun lang yun? Walang akbay ganun? Anong ginawa mo tinawag mo lang yung school nurse tapos pinabuhat mo lang siya?"
"Syempre inakay ko siya. Kami lang kayang 2 sa garden. Tsaka ang aga pa nun buti nga maagang dumadating yung school nurse eh."
"So inakbayan mo siya?"
"Something like that." nahihiya kong pahayag. Naalala ko nanaman kasi yung pagyakap ko sa kanya.
"Eh di totoo nga! Indenial ka pa. Kayo na ba?" walang ano anong tanong niya.
"Hindi ah! Bakit mo naman nasabi?"
"Eh kasi lately ang close niyo na napapansin din kaya ng mga kaklase natin yun. Tapos kapag naghihiwalay kayo may Goodbye hug pa. Tapos lumipat pa ng upuan si Harold para lang magkalapit kayo. Oh diba? Ang sweet niyo."
"Anong sweet dun? Naalala mo yung slave and master thingy na nakwento ko sayo?"
"Oo yung Master mo si Harold tapos slave ka niya for a month? Ilang araw na lang matatapos na yun ah."
"Oo nga. Kaya siya lumipat dahil may pinapagawa siya sa akin. Kaya niya ginagawa yun kasi nga slave niya nga ako diba? Tapos yung Goodbye Hug? Hindi yun goodbye hug. Nilalagay niya kaya yung notebook niya dun sa bag ko. Oh diba? Lahat yun ng dahil sa pagiging slave ko sa kanya at walang malisya yun." mahaba kong paliwanag sa kanya. Ewan ko sa sarili ko pero bigla na lang akong nalungkot nung naalala kong ilang araw na lang.
"Drama natin ah! Ngumiti ka nga! Diba nga dapat masaya ka kasi malapit ng matapos yung paghihirap mo? Eh bakit parang kabaligtaran naman yata ng inaasahan ko." sabi niya habang nakayakap siya sa akin. Hindi na lang ako nagsalita. Bakit nga ba kasi ako malungkot?
"Why do I need to be like this Shanaiah? Can you pls. explain what's happening? I don't know kung bakit ako nagkakaganito. Basta ang alam ko lang masaya ako kapag nakikita ko siya yung tipong uutusan niya lang ako masaya pa ako pero dapat diba maiinis ako kasi ang dami niyang inuutos? Bakit Shanaiah? Bakit?" yan na lamang nasabi ko habang nakayakap sa kanya.
--
A/N: enebe yen! Drama nilang magkaibigan! Charot!VOTE|| COMMENT||SHARE||
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Novela JuvenilMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...