Chapter 39

113 15 4
                                    

Audrey's POV

Pagkatapos kaming pagsabihan ni Mr.Rodger hindi na muna siya nagturo kumbaga free time namin. Si Shanaiah bigla na nga lang nawala na parang bula kasama na naman siguro si Kyle. Tsk. Simula nung niligawan ni Kyle si Shanaiah hindi na yun naghinto. Nakakatampo nga eh kasi nakalimutan na yata ako.

Last subject na lang rin naman ito kaya umalis na ako sa room namin. Pumunta ako sa soccer field. Mabuti pa dito ang peaceful hindi dun sa classroom namin na nagsisi-ingayan sila.

Nilabas ko yung camera ko na parati kong dala. Regalo pa ito ni mama sa akin noong pagka-graduate ko ng elementary. Nakakatawa nga kasi hindi ko naman ine-expect na totohanin pala niya ito. Mahilig rin kasi ako kumuha ng mga litrato. Minsan kapag walang magawa nagpi-picture na lang ako.

Pinicturan ko yung buong soccerfield mula dito sa puno na pinagtambayan ko. Ngayon ko lang na pagtanto na sobrang laki pala nito. Mayroong bermuda grass. Akala ko sa mga movie ko lang ito makikita pati rin pala rito.

Marami pa akong nakuhang litrato na talaga namang ang gaganda ng kuha. Yung mga bulaklak nga nakuha ko pang kuhanan ng litrato.

Kinuha ko na yung bag ko at tinago na roon yung camera. Aalis na ako pagabi na rin pala.

"Can we talk?" Tanong ni Harold.

"Walanghiya ka. Papatayin mo pa ako sa gulat." Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.

"Sorry. Pero pwede ba kitang maka-usap?" Tanong niya ulit.

"Wala na tayong dapat pag-usapan." Naiirita kong sabi habang nagsisimula ng lumakad. Naramdaman ko namang sumusunod siya. Bahala siya.

"Kahit 3 minutes. 3 minutes lang ang hinihingi kong oras mo. Basta hayaan mo lang ako mag-salita at makinig ka lang diyan." Sabi niya na halata mong nakiki-usap. Matapos niya akong hindi pansinin ng dalawang linggo gumaganyan siya? Tsk.

"Sige. 3 minutes." Sabi ko sa kanya.

"I just want to say I like you. Oh yeah, ako ang nag-break ng rule.  Kasalanan ko ba iyon? Pero may nakasulat sa rule natin na magiging slave niya ang unang magbe-break ng rule at dodoblehin ang month. So yeah, you won. Next, salamat sa 1 month na nakasama kita. Tuwing pumupunta ka sa bahay? Feeling ko hindi na ako nagi-isa. Sino ba naman kasi ang may gusto na hindi kasama ang pamilya niya right? Salamat rin kasi naging parte ka na ng buhay ko. Yun lang. I just want to tell you that from the very start I like you more than anyone else." Pagkatapos niyang sabihin yun bigla na lang siyang umalis.

Wait- I like you raw eh. Fudge. I LIKE YOU na yun. Aish. Papabebe muna ako. Hayaan ko siya. Gagayahin ko na lang yung mga napanuod ko sa movies. Papabayaan ko siya tapos ayon aamuhin niya ako tapos waaah.
Wala na tapos na.

Naglakad ako papuntang gate. Uuwi muna ako tapos didiretso na niyan sa karinderya.

"Wait hindi mo man lang ba ako hahabulin?" Hingal na hingal na sabi niya.

"Hindi bakit naman?" Tanong ko. Magpapabebe nga muna kasi ako ngayon.

"Sabi ko gusto kita." Seryoso niyang sabi.

"Ano ngayon? Alangan namang sabihin kong I like you too?" Mataray kong sabi. Bahala siya. Paghirapan niya yan.

"Pwede." Simpleng sabi niya.

"Alis diyan. Uuwi na ako." Pagtataboy ko sa kanya sa dadaanan ko. Hindi siya nakinig kaya sa kabila na lang ako dumaan pero sinundan niya pa rin ako.

"Hindi oras ng paglalaro ngayon." Sabi ko. Aish. Baka malate ako sa part-time job ko.

"Pero sinabi kong gusto kita." Sabi niya habang nakatayo pa rin sa harapan ko.

"Bahala ka." Simpleng sagot ko. Pero kinilig ako.

"YES!" Sigaw niya.

"Problema mo?" Mataray kong tanong.

" Ihahatid kita sa bahay niyo." Nagkibit balikat na lang ako. Bahala siya. Ginusto niya pero ano ba kayo kinikikig ako!

--

"Salamat." Sabi ko pagkadating namin sa bahay. Nag-jeep kami pauwi. Gusto niya yung sasakyan nila ang gamitin pero dahil ayokong mapag-sabihan ng Gold digger nag-ayaw ako. Ayaw ko ngang ma-chismis dito sa barangay namin.

"Basta para sayo." Naka-ngiti niyang sabi. Enebeyen! Ngete me peleng!

"Gabi na. Mamaya may mangyari pa sayo." Sabi ko sa kanya. May mga naglalasing pa naman diyan. Kargo ko pa siya pag-nagkataon.

"Bye. Goodnight!"sabi niya at handa ng umalis pero tumigil siya ng tinawag ko ang pangalan niya at tumingin sa akin.

"Actually gusto na rin kita." Sabi ko at dali daling pumasok ng bahay. Bago ako pumasok tinignan ko muna siya sa bintana. Ayun tulala pa rin. Ako naman pumasok nasa kwarto at nagti-tili. Nasabi ko ba talaga sa kanya iyon?

**
Mahabang UD hahahha ;) Malapit na po itong matapos :) I hope Basahin niyo hangang huli :) Lalala //^^//

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon