Chapter 34

121 17 1
                                    

Audrey's POV

"YELLOW TEAM!"

"YELLOW TEAM!"

"YELLOW TEAM!"

"YELLOW TEAM!"

"GO 24!"

"GO 24!"

"GO 13!"

"GO 13!"

Hiyawan ng mga kapwa kaklase ko ang maririnig dito sa loob ng gym. Nagsimula na yung game kani-kanina pa. So far, nangunguna yung school namin.
Nang maka-shoot si Harold hindi ko rin mapigilang sumigaw. Fudge! Ano bang nangyayari sa akin ngayon?

"Magsaya ka na lang."sigaw ng isipan ko. Oo tama. Magsasaya na lang ako. Huling araw na ngayon.

"HAROLD PARA SA KANYA I- 3 POINTS MO NA YAN!" sigaw nung kaklase kong lalaki. Isa ring ka-close ni Harold. I mean barkada niya yata. Tumingin si Harold sa gawi ko. Ewan ko kung sa akin talaga o assumera lang ako. Pero tama nga talaga ako. Nakita ko siyang ngumiti sa akin eh.

"GO KAYA MO YAN!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko nanamang ngumiti siya. Fudge bakit feeling ko nahuhulog ako?

Hindi niya kami binigo dahil na-shoot niya nga. He never fails to impress me. Kaya siguro mas lalong na-fall ako. Kailan ko nga ba ito naramdaman? Yesterday? Today? Last week? Last last week? Haay. Ewan. Basta biglaan.

"Ikaw ah. Mga paraan mo." panga-asar ni Shanaiah. Kasalukuyang water break nung mga manlalaro kaya hindi pasigaw yung paraan ng pananalita niya sa akin.

"Huh? Hindi ah." pigil kilig kong sabi sa kanya. Hindi ko mawari kung ano ang naging reaksiyon niya dahil bigla na lang siyang tumayo. "Hindi raw." Sabi niya nung naka-tayo siya. Magsisimula na pala ulit yung game.

"GO YELLOWWWW!!!!!!!!!!"

"GO YELOOOOOOOWWW!!!!!!"

"GO KYLE!"

"GO HAROLD!"

Sigawan ulit namin. Tanging mga pambato lang namin ang isinisigaw namin. May mga ibang pangalan pa naman ng ibang players hindi nga lang ganun kalakas. Kung school lang namin school lang talaga. May mga banner pa sila na nakalagay dun yung "A.C.E Academy Basketball TEAM" tapos sabay nun may mga pangalan nila sa ibaba. Naririnig ko nga pati sa ibang school hiyawan din hindi nga lang ganun kalakas gaya ng amin.

Dumating na yung Last Final at kitang kita kong pagod na ang ibang manlalaro. Bumaba ako mula sa kinauupuan ko para puntahan kung saan naroroon sila Harold at the same time magsi-CR na rin ako. Nakakatense pala ang larong ganito. Pagkapasok ko ng banyo tinignan ko agad yung mukha ko sa salamin. Ang haggard ko. Nakita ko ring namumula yung mga palad ko kaya agad ko itong hinugasan.

Paalis na ako ng banyo nang makita ko yung dalawang lalaki na taga ibang school. Hindi ko na sila pinansin bagkus bumalik na lang ako sa kinauupuan ko kanina.

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon