Audrey's POV
Natapos na kaming magluto ng adobo. Actually ang dali niya nga lang maturuang mag-luto eh. Fast learner kumbaga.
"Let's eat." Panga-aya niya sa akin. How can I resist? Kung siya na mismo ang nag-aya sa akin hindi ba?
Nagsimula na kaming kumain ng walang nagsasalita. Masarap naman niluto namin at wala akong masasabi roon. Buti na lamang alam ko yung mga ginagamit ko ngayon. Halimbawa na lamang etong iba't ibang spoon na nakalapag dito sa mesa namin. Siguro nahasa na rin ako dun sa pinagtatrabahuan ko.
Naalala ko bukas na pala ang ika 'sang daang araw ko kay Harold. Bukas kung kailan magtatapos yung contract. Bukas na din pala yung game. Siguro magpapakasaya na lang muna ako kasama siya.
"So itutuloy mo talaga yung paglalaro?" Hindi ko maiwasang magsalita dahil na rin sa sobra niyang tahimik. Hindi ako sanay. Sanay ako na ginugulo niya ako.
"Yes." Sabi niya sabay subo ng kinakain niya.
"Pero ok ka na ba? Kasi mahirap na kakagaling mo lang sa sakit." Naga-alala kong sabi sa kanya.
"Yes I'm obviously fine. And wala na akong sakit. Ok naman na ako sabi rin ng school nurse." Sabi niya at tumango tango lang ako. May tinuloy pa siya hindi ko nga lang naintindihan.
"Nga pala, anong oras magsisimula yung game niyo tomorrow?" Tanong ko sabay subo.
"8:30 in the morning."
"What? Ang aga. May klase nun at sa tingin ko hindi ako pwedeng umalis." Naga-alala kong pahayag. May klase bukas at sa tingin ko hindi kami papayagang lumabas para manood lang.
"Natatandaan mo ba nung last game?" Tanong niya at tumango ako. Yun yung araw kung kailan kami nagkakilala ni Shanaiah.
"Tuwing may game lahat ng klase ay excused." Sabi niya.
"Ahh tapos kapag nanalo pa kayo half-day nun right?" Tanong ko naman.
"Yes kasi nagdidiwang ang Academy nun. Including yung mga staffs ng school. Kasali sa handaan. I wonder kung bakit hindi lahat. Ang dami kasi ng estudyante ng Academy." Paliwanag niya.
"Ahh ganun pala." Sabi ko sabay taas baba ng aking ulo. Yung parang sa taxi yung mga aso na maliliit doon.
Pagkatapos naming mag-usap wala na ulit nag-salita bagkus tinuloy na lamang ulit namin yung pagkain.
"Thank you for the dinner." Nahihiya kong sabi. Nakakahiya kasi kumain pa ako sa ibang bahay.
"No problem and don't forget tomorrow." Sabi niya habang binubuksan nung driver nila yung kotse. Hinatid niya ako hanggang dito sa bahay. Umuwi na rin kami matapos naming kumain. Hindi ko na rin tinuloy hugasan yung mga pinagkainan namin kasi biglang dumating yung maid nila.
"Oo naman. Salamat pala sa dinner." Sabi ko at tuluyang tumalikod na pero bago pa ako tumalikod hinintay ko munang umandar yung kotse nila at nagba-bye.
Hayy. Siguro ito rin yung mami-miss ko kay Harold. Kasi bukas wala na. Bukas matatapos na lahat ng koneksiyon namin sa isa't isa. Kasi bukas tapos na yung Deal namin. Bukas at sa susunod na bukas magiging magkaklase na lang kami.
Pero sana 'yang bukas mapalitan. Kasi bukas mismo sasabihin ko na yung nararamdaman ko sa kanya. Bukas. Bukas mismo magtatapat na ako.
--
A/N: May nagbabasa pa ba nito? Haha^^ pabasa naman ng Lee Chi Hoon Fact's ko. Haha(^0^)

BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Ficção AdolescenteMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...