Audrey's POV
Pagka-alis ko dun kay Yana. Ayun siya tumatawa. Walanjong babaeng yun! Nakakaimbyerna! Wala naman talaga akong lovelife ah! Hindi naman sa pagiging defensive ah! Wait, hindi naman talaga ako defensive . Talagang wala akong lovelife. At kahit kailan hindi ko pinangarap na magkaroon. Kung meron man harujusko ko po! Salamat.
Pagkatapos kong lutuin lahat nagpaalam na ako. Naintindihan naman ni Manang Lusing. Gabi na rin kasi. Pinagalitan pa nga niya ako. Bakit pa raw kasi ako nagpa-part time kaya ayun nagexplain nanaman ako. Pagkadating ko naman sa bahay ayun si Mama ang himbing ng tulog. Napagod yata talaga sa trabaho. Naiwanan pa nga niyang nakabukas yung TV sa kwarto kaya ayun pinatay ko na. Pagkatapos nun kumain na ako. Sakto din namang may nakaluto ng ulam kaya hindi na ako nagluto.
*bzzzt,bzzzt,bzzzt,bzzzt*
Waaah! Wait ano yun?
*bzzzt,bzzzt,bzzzt,bzzzt*
Walanjo naman oh! Anu ba yun? Wala naman sa mesa. May multo kaya? Tapos pa-effect niya lang. Katakot ah!
*bzzzt,bzzzt,bzzzt,bzzzt*
Walanjo! CP ko lang pala. Nasa gilid kaya ng TV kaya hindi ko agad napansin. Pero grabe naman itong tumatawag ngayon gabi na ah!
Calling....
+6390712*****Sino naman kaya ito? Unregistered number pa! Pwede namang bukas na lang siya tumawag bakit ngayon pa?
Nakita ko na lang bigla sa screen ng CP ko "1 missed call". Bahala siya basta ako kakain lang. Ang sarap kayang kumain tapos siya nang-iistorbo. Ano siya? Chicks? Saka wala din akong load para itext ko siyang "tawag ka na." Ano yun? Pabebe lang? Paimportante ganun?
Pinagpatuloy ko lang yung pagkain ko. Adobong manok pa naman ang ulam. Palalampasin ko pa ba?
*bzzzt,bzzzt,bzzzt,bzzzt*
Pucha! Istorbo talaga sa pagkain ko.
"Hello!" galit kong bati sa caller sabay tutok ng CP ko sa tenga.
*toot,toot*
Walanghiya! Walang modo! Bababaan lang pala ako ng telepono. Eh di sana hindi ko na lang sinagot. Wag lang talaga siya magpakilala sa akin dahil gigilitan ko talaga siya sa leeg. Nakakainit ng ulo.
Pagkatapos ng pangyayaring yon naghugas na ako ng pinagkainan ko at nagtoothbrush. Hindi na rin naman tumawag yung tumatawag kaya nagpapasalamat ako doon. At pinapanalangin ko lang talaga ngayon mahimbing sana yung pagtulog ko.
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Roman pour AdolescentsMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...