Chapter 44

107 11 0
                                    

Audrey's POV

This is it. Pupunta na kami ngayon sa pinagkuhanan ng gown. Thursday na ngayon at bukas na ang Christmas ball. Ang bilis ng panahon. Parang kaka-December 1 pa lang pero ngayon magbabakasyon na kami. Nagi-isip nga ako kung magbabakasyon pa ba ako at dadalaw roon sa bahay ni papa pero naisip may trabaho pa pala ako. Sayang rin yun lalo na't baka dumami ang costumer namin sa karinderya lalo na at bakasyon. Baka maraming bakasyonista ang dumalaw rito.

"Tara na?" Tanong ni Shanaiah na halata mong excited. I mean excited pala talaga siya.

"Tara na. Late na tayo ng 20 minutes eh." Sabi ko. Kasi naman nung nagpractice kami kanina nag-extend. Bukas na raw eh. Aaminin ko nae-excite ako pero hindi naman kagaya kay Shanaiah.

"Pabayaan mo na. Close naman kami." Sabi niya sabay tawa. Tumawa na rin ako. Close kasi talaga sila dahil lareho silang madaldal. I mean bakla kasi yung may-ari nung pinag-rent namin ng gown.

Nang makapasok na kami doon sa loob ng botique agad kaming dumiretso sa fitting room. Hinihintay na lang kasi kami nung bakla. Pagkalabas ko hindi maiwasang mamangha nung bakla. I mean pumalakpak pa kasi siya sabay sabing "perfect" ganoon rin ang reaksiyon niya kay Shanaiah. Hindi ko naman maiwasang mapa-ngiti. First time kong ngumiti sa bakla lalo na at hindi ko pa siya ka-close.

Pagkatapos nun pinalagay na namin sa kahon. Nagbayad naman na kami noong pagka-pasok pa lang namin rito kaua agad rin kaming naka-uwi. Si Shanaiah may pinuntahan pa. I mean, may family dinner sila at kasama roon si Kyle. Ipapakilala niya na daw kasi bilang manliligaw niya. Ewan ko ba diyan. Mabuti nga't naisipan niya pa. Pero kunsabagay naipakilala naman na siya ni Kyle sa pamilya nito. Humingi pa nga 'yan ng tulong.

Agad ko namang nilagay sa isang tabi yung mga susuotin ko para bukas ng gabi. Bukas naman ng umaga simpleng dress lang ang susuotin ko. Above the knee siya pero hindi naman halatang maiksi. Ewan ko ba kay mama kung bakit niya naisipang bilhin iyon. Tinanong ko naman siya kung bakit ganoon pero ang sagot niya ay dahil yun raw ang uso. Buti pa nga siya alam ang uso kesa naman sa akin outdated na nga yata ako.

Nakabili na rin ako ng regalo. Bumili rin ako ng panregalo kina Shanaiah. Siyempre hindi mawawala si Hiro doon. Kahit na bukas ko na lang ibigay sa kanya. Andaya niya nga eh kasi nandito na pala siya last year pa pero  ngayon lang siya nagpakita. Accidentally lang raw yung pagkikita namin sa Jollibee. Nagulat nga ako kasi sa kabilang school pala siya naga-aral. I mean doon sa XOXO University siya pinag-aral. Nagulat nga si mama noong makita niya ito. Naglilinis raw kasi si mama noon ng bigla niyang nakita si Hiro natutulog. Eh nakalimutan ko namang sabihin kay mama yun kaya napalo niya pa tuloy si Hiro. Kawawa nga siya eh. Pero natatawa na lang ako nun nung kwine-kwento ni mama yun.

Kailangan ko ng mag-beauty rest. Tutal 5 days leave ako sa karinderya. Sabi ko nga 3 araw lang kay Manang Lusing pero siya na nagsabi dahil naiintindihan niya naman kaya sabi ko babawi na lang ako.

Haays. Matutulog na nga lang ako at para maaga na bukas.

--

Nasa school na ako at nandito na rin kaming lahat. Sinimulan na namin yung mga laro. Ang emcee nga namin ay si Shanaiah kasama nito si Kyle na sinabi ko at sumangayon naman ang mga kaklase ko.

Next na game yung paper game. Eto yung pagpapapa-sahan yung paper gamit ang lips. Nakaka-asar nga kasi merong naki-kiss si Harold. Arggh. Minsan yung akin naman nahuhulog kaya technically naki-kiss ko yung babae kong kaklase. Mabuti nga babae eh. Samantalang kay Harold gustong gusto niya. Mabuti na lang at nakakapag-timpi pa ako.

Kaya imbis na may game 2 pa iyon ay hindi na lamang ako sumali. Nakaka-asar lang. Yung iba naman gustong gusto.

Pagkatapos naming mag-laro kumain na kami. Pinagsalu-saluhan lang namin yung pinagda-dala ng bawat isa. Ewan ko kung ako lang ba ang busog dito kasi hindi ko pa nakakalahati yung nasa paper plate ko.

Habang ina-anunsiyo ng titser namin yung bawat pangalan hindi ko maiwasang mamangha sa bawat regalo nila. Halos karamihan ang regalo ay mga damit. Yuon naman kasi halos karamihan ang isinulat sa aming wishlist. Ako hindi na ako nagsulat kasi tatanggapin ko lang rin naman ang niregalo ng nakabunot sa akin. Nang matawag na yung pangalan ko kinuha ko na at hindi muna binuksan. Sa bahay na lang siguro.

Tapos na yung Christmas party. Mamaya aayusan kami ni mama. Kasama si Shanaiah. Bukod sa busy ang parents nito sinabi kong kay mama na lang. Marunong naman si mama bagkus naging isa itong parlorista. Kaya nag-oo naman siya.

Haaay. Uuwi na lang muna ako at makapag-pahinga. Mamayang 8 pa naman ang start ng Christmas ball. Ginawa nilang gabi para daw mag-tapos ng 12. Ang saya nga kasi first time ko lang ito. Haay. Ano kayang itsura ko mamaya? Hindi ko sana'y mag-suot ng magagarang damit at bukod pa roon makikita pa naming magka-kaklase ang mukha naming isa't- isa. Mga naka-suot ng tuxedo ang mga lalaki at sa amin naman ay mga dress. Oh well, ewan ko na lang.

I hope maganda ang kakalabasan ng Christmas ball. Nakapag-ensayo naman kami ng mabuti kaya sigurado kong maganda ang kakalabasan. Bukod sa maganda yung nagturo eh isa pa itong professional.

"Bye." Tanging paalam ko na lang kay Shanaiah bago umalis ng silid-aralan namin.

--
Wohoo!! Hahaha yes I know. Masyadong mabilis :) sorry for that. Gusto ko na kasi talagang tapusin ito. So next chapter will be the last ;) walang Epilogue kasi hindi naman ako nag-lagay ng Prologue. Hahahha XD funny!!! Pero iniisip ko nga kung maglalagay ako kaso parang ang huli naman masyado.

Last Chapter na lang :) Ano kayang mangyayari doon? Hahahha ;) Alright! May happy ending kaya?? Hahahha ;) ano ba yan!!! Waah! Mag-comment  sana kayo kahit sa last chapter lang. :( :( ㅠ.ㅠ ㅠ.ㅠ hahahha

XOXO,
Trisha Mae 010316

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon