Pagkapasok pa lang namin sa Cafeteria pumila na kami agad. Si Naiah isang Fries, isang slice ng blue berry cake at isang bote ng coke ang inorder. Hindi naman siya talagang gutom noh? Ako nga spaghetti at tubig lang eh.
Sa di kalayuan ng table namin nakita ko si Harold kasama niya si Kyle. Nag-uusap ata sila eh. And this is unusual. Ngayon ko nga lang sila nakitang magkasama. What's with the 2 of them? Sa pagkaka-alam ko hindi naman sila ganun ka-close. Hindi nga rin sila nag-uusap kapag nasa loob ng silid-aralan eh. Hindi kaya... May relasyon sila?
Pagkatapos kong tingnan silang dalawa nakita ko na lang biglang tumayo si Kyle. And I guess tapos na silang mag-usap? Sunod na tumayo na rin kasi si Harold eh.
Bigla na lang nag-vibrate yung cellphone ko nangangahulugang may nag-text. Tsk. Bakit naman kaya kami magkikita bukas? Magma-mall ba kami o uutusan niya lang ulit ako?
"Sinong nag-text?" tanong ni Naiah. Nahalata niya atang may nagtext dahil nakita niyang hawak ko yung Cellphone ko.
"Yung pinsan ko nangangamusta." pagsisinungaling ko. Waah! Lord patawarin niyo ako! Ayaw ko lamang pong malaman niyang naninilbihan ako kay Harold
"Wow. Close kayo ng mga pinsan mo?" tila excited niyang tanong sa akin.
"Medyo. Minsan lang kasi ako magpunta sa kanila eh. Ikaw ba? Close kayo ng mga pinsan mo?" tanong ko.
"Eh- Hindi eh. Nasa ibang bansa rin kasi sila. Atsaka maaarte sila. Gusto nila kabilang ka sa kanila. You know. Eh ayaw ko nga sa kanila eh. Except lang sa pinsan kong lalaki which is kuya nila dahil ang bait nun. Parang kapatid ko na nga din yun eh." pagku-kuwento niya sa akin. Hinintay kong may sasabihin pa siya pero wala na pala kaya tumango-tango na lang ako. Hindi ko naman alam na ganun pala yung mga pinsan niya.
"Time na. Tara na?" paga-aya niya sa akin. Tsk. Hindi ko man pala namalayang time na. Tsk. Ang lalim na pala kasi ng iniisip ko.
"Tara." sabi ko sabay tayo.
--
Wala daw nanamang afternoon class ngayon dahil nagkaroon raw ng biglaang meeting yung mga teachers namin. Mabuti na lang! Tinatamad ako ngayon eh. Lalo na't Friday ngayon.
Naisip ko lang kanina hindi kaya ililibre ako ni Harold bukas? You know. Diba sa Mall raw kami magkikita. Siguro naisip niya ng hindi ako dapat inaalila kasi diba pagkatapos nung inutusan niya ako ng pagkasobra-sobra diba hindi na kami nagpansinan? Oh diba! Ang galing ko talaga.
Sana nga yung Master ko bumait na. Parang my Master turns into an Angel! Oh diba ang gandang title para sa kanya! Diba?
--
A/N: Short UD guys! Comments pls. I badly need your feedbacks :* Mwah!
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Novela JuvenilMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...