Chapter 4

312 34 24
                                    

Audrey's POV

"Ma, alis na po ako." Paalam ko kay mama. Mala-late na kasi ako. Paano ba naman sa sobrang ka-obsess-an ko kay Gerald yung dun sa "Let's Get Married" yung nakatuluyan ni Annie pinatapos ko na yun kagabi. Sayang naman kung hindi ko pa papanuodin yung last episode. Tsk. Laki tuloy ng eyebags ko.

"Ah-- sige. Mag-ingat ka. Yung tubig mo Anak, nandiyan sa bag mo. Tapos yung sandwich na ginawa ko nandiyan din yung--" Pinutol ko na yung sasabihin ni Mama. Tuwing umaga ganyan ang routine namin. Pagsasabihan niya ako tapos yun sa huli wala lang din. Kaya memorize ko na yung mga sinasabi niya.

"Ma naman! Dalaga na 'ko. Nakaka-asar ka naman ehh. Kaya mahal na mahal kita. Tsaka dapat kayo ang nagi-ingat. Alagaan niyo po sarili niyo." Sabi ko sa kanya na parang nagmamaktol. Kasalanan ko bang mabait nanay ko? Pagkatapos nun yinakap ko siya sabay halik na din. Mabait akong bata para bastusin lang nanay ko. Wala eh. Siya na lang nandiyan kaya dapat inaalagaan.

"Oh siya. Sige mauna ka na. Wala na 'kong sinabi."

Haaay. Ang bilis pala ng araw. Parang noon lang inaalagaan pa ako ni Mama tapos ngayon ako na maga-alaga sa kanya.

"Bayad po!" Sabi ko kay Manong Bus Driver.

Si mama siya yung nandiyan palagi. Siya yung nandiyan palagi tumutulong gawin yung mga assignments ko simula nung-- nung nawala si papa. Haha emote ba? Sorry ah. It's just that I really miss my father. Sobrang close kaming mag-tatay eh. Minsan nga nao-op na si Mama.

"EXO Academy." Sabi ni manong driver.

"Para ho Manong." sabi ko. Napansin ko namang tumingin sila bigla sa akin? Huh? Nagtataka ba sila kasi sa mayaman akong school nag-aaral? Porket simple ako. Bawal na akong mag-aral dun? Haaay. Siguro nga kailangan ko ng magbago ng life style. Gaya ng palitan ko na yung pananamit ko. Siguro ko. Pero siguro hindi pa ito yung tamang panahon.

Pagkababa ko agad na akong pumunta ng room. Buti naman hindi nanggulo ngayon si Harold. Naalala ko nanaman kasi yung pinagawa niya sa akin.

-Flashback-

"Hey Slave! San ka pupunta mamaya?" Tanong niya. Lunch ngayon at ewan ko kung bakit hindi pa siya kumakain. Nandito ako sa room. Kami lang dalawa. Pumunta ata yung mga kaklase ko sa cafeteria dun kumain.

"Uhmm... doon sa Tita ko. Bakit?" Tanong ko sa kanya sabay subo nung spaghetti. Ang tinutukong kong Tita si Manang Lusing. Aba! Tita na din yun noh.

"Paki-gawa nga yung assignment natin sa History. Natatamad akong gawin. Nalagay ko nasa bag mo kaya wag ka ng umangal." Sabi niya. Hayst. Ang dami niyang pinapagawa. Kanina pinabili niya pa akong coupon bond kailangan daw ng kapatid niya. Imagine! Recess yun! Eh paano pala kung walang coupon bond diyan sa harap ng Academy? Pupunta pa akong National. Hayy. Grabe talagang lalaking yan.

"Aish. Sa pagkaka-alam ko kasi bawal ipagawa sa iba yung assignments nila. Iba na pala ngayon!" Pagpaparinig ko sa kanya.

"Ang alam ko kasi kapag katulong mo. Katulong mo din sa lahat." Bawi niya naman sa sinabi ko. Katulong? Ganun ang tingin niya sa akin? Aish. Imbis na sumagot pa ako pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko.

-End of Flashback-

At ito din yung dahilan kung bakit late na akong natulog kagabi. Tsk.

"Nasaan ang assignment ko?" Tanong niya pagkaupong pagkaupo ko palang. Hmmf. Di ko siya pinansin instead binigay ko na lang agad sa kanya.

"Very Good Slave, 'till next time" bulong niya sa tenga ko. Next time? Kakayanin ko pa ba?

Nakita ko na din sa harapan yung teacher namin ngayon. Blooming ata! Paano ba naman hindi nagagalit. Nakakapanibago lang.

Naramdaman ko yung pag-vibrate ng CP ko kaya naman agad kong kinuha sa bulsa ng blazer ko. Sosyal yung school noh? Parang yung napapanuod natin sa mga K-Drama yung may pocket yung school uniform nila. Ganun sa amin eh.

From: Tita Elsie
Audrey Iha. Meet me at Starbucks around 5 PM. I'll tell you the good news.

Si Tita Elsie? Nag-text? Ito yung tumulong sa akin ah. Agad-agad akong nagreply sa kanya ng "sige po." After nun hindi na siya nagtext. Kaya naman mas lalo akonh kinabahan. Ano naman kaya yung good news niya? Na sasabihin niya na yung tungkulin ko? Hayst. Sana naman madali lang.

--
Nandito na ako ngayon sa Starbucks. Maaga kasi kaming pinalabas. Buti nga walang pinagawa si Harold except lang yung kaninang pinadala niya sa akin yung bag niya. Para ngang walang kalaman-laman yung bag niya. Parang isang notebook at ballpen lang.

"Audrey Iha!" Tawag sa akin ni Tita Elsie. Sabay hug namin sa isa't isa.

"Hi po." Sabi ko sa kanya sabay wave ng kamay ko sa kanya. Tinuro ko na din sa kanya kung saang table ako nakaupo.

"So Audrey, How are you?" Tanong niya matapos namin mag-order ng mga kape namin. Actually siya yung nag-order.

"I'm fine tita." Sabi ko ng nahihiya sa kanya.

"Ohh-- that's great! So how's school?" Tanong niya sabay higop ng kape.

"Actually tita hindi pa po ako ganun kasanay kasi ang laki po talaga ng school. Ibang iba po talaga sa pinapasukan kong paaralan. Tsaka grabe po ang yayaman po talaga nila dun. Nahihiya nga po ako kasi minsan pinagu-usapan po nila ako." Excited kong kwento sa kanya. Totoo naman pinagu-usapan nila ako dun. Nandun pa nga yung mga nakakatakot nilang tingin.

"Is that so Iha? What If.. ilipat na lang kaya kita ng eskwelahan?" Tanong niya sa akin.

"Ah Tita, wag na po. Siguro po naninibago lang po sila."

"Ohh-- sige. Sa tingin ko nga magiging komportable rin naman sila sayo." Sinasabi niya yan habang nakatingin sa relo niya.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Iha. Kaya kita pinatawag is... para makilala mo na yung son ko. Sasabihin ko din naman yung pangalan niya. Kailangan niya lang kasi talaga ng babaeng tutulong sa kanya makabangon ulit. Kakagaling niya lang sa heart break so sana matulungan mo siya. Ikaw ng bahala kung paano ka magiging malapit sa kanya. I'll give you 4 months pero kung hindi mo talaga kaya. Then I'll let you go." Mahaba niyang paliwanag sa akin.

" I'll try Tita. 4 months? Madali lang po yan." Sabi ko sa kanya. Pero 4 months? Kakayanin ko kaya??
Mabait naman si Tita kaya siguro mabait din anak niya.

"Ohh.. Haha I'll tell you na. My son is very different. He's snob. And some say's that he's arrogant. Pero kung makikilala mo siya ng lubos? Kakainin mo lahat ng sinabi mo. So Deal? " tanong niya.

"Deal." Sabi ko ng nakangiti.

"So thats all for today. BTW, my son's name is. Kyle Oliver Moralez. Goodluck!" Pagkasabi niya nun. Tumayo na siya at umalis. Hanggang mgayon nagpa-process pa rin sa utak ko yun.

KYLE OLIVER MORALEZ? yung walang modong lalaking yun? Yun yung heart broken? Yun yung tutulungan kong mag move-on? Yung makakasama ko sa loob ng apat na buwan?

Kay Harold pa nga lang nahihirapan na ako. Sa kanya pa kaya? Aish. I need some plans para maging malapit kay Kyle. Unang pagki-kita pa nga lang namin ang pangit na. Ano pa kayang mangyayari kapag nakasama ko pa siya?

OPERATION: Kaibiganin si Kyle. Yan siguro ang kailangan kong gawin. Ang kaibiganin siya muna. Siguro pag-ganun magiging magaan ang loob niya sa akin.

--
Any reactions? Comments will do ;)

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon