Chapter 2

462 52 7
                                        


Audrey's POV

Maaga akong pumasok ngayon sa kadahilanang para alam ko na din ang pasikot-sikot dito sa academy. You know, para hindi ako malito. Ang ganda kaya nitong academy at ang lawak. Para ka ngang nasa mansion or should I call it palasyo?

Yung library nila, grabe ang lawak at ang ganda pa. Sa gitna may mga table dun siguro para dun makapag-review yung mga estudyante. May mga 10 tables dun na mahahaba tapos may mga plastic na upuan. Tapos merong 2 rooms. Sa unang room nandun ang Computer lab. Sa pangalawa naman nandun na yung mga librong importante. Nakahilera ang mga bookshelf doon at per subject pa ang ayos. Nandun din yung librarian dun ka din nila pinaparegister kung ano ang mga hiniram mong libro. I wonder kung maraming pumapasok na estudyante dito. Sayang naman kasi kung wala hindi ba?

After kong puntahan yung library next kong pinuntahan yung Garden. Wait nasa Adan At Eva Paradise ba tayo? Bakit ang gaganda ng mga halaman. At ang fountain talaga ang nakaka-attract dito sa garden. Dun kasi sa fountain may mga water lilies na lumulutang yung tubig naman grabe ang linis. Talagang disiplinado nga ang mga estudyante dito. Kaya nga lang yung mga ugali nila ang hindi kanais-nais.

Dun sa fountain pwede kang maupo sa pa-circle dun. Mawawala ba ang mga upuan? Syempre hindi. Pero ang mga upuan nila kakaiba. Sa gitna nun may table pacircle nga lang. Makikita mo rin dun yung mga punong maliliit na talagang patubo pa lang. Mula naman dun sa entrance ng Garden makikita mo naman na yung mga bulaklak na nagsitubo. Di ko nga lang alam kung anong mga pangalan ng mga bulaklak parang sa ibang bansa pa kinuha eh.

Bago ko pa ma-explore ang buong palasyo ay este- academy narinig ko na ang warning bell. 5 minutes before time kaya tumakbo na ako baka mahuli pa ako. Ang layo na ng narating ko kaya di imposibleng malate ako neto.

*boogsh!* Aray ko naman! Bakit ngayon pa nangyari ito? Malalate na ako eh.

"Sorry." hinging paumanhin ko sa nabunggo ko. Di ko na din nakita yung mukha niya. Lalaki siya na matangkad. Paano ko nalamang lalaki?? Sa sapatos niya. Oo alam kong lame pero di ko kasi talaga nakita yung mukha. Sakto naman nung pagpasok ko papasok pa lang yung teacher namin.

Napansin ko ding nasa tabi ng upuan ko si ...Harold? Well, paano ko nalaman pangalan niya? Kahapon rin mismo nagpakilala siya. Hindi ko nga lang pinansin. Pero anong ginagawa nito dito?? Transferring of sit to ah. Bahala siya. Di ko naman kasalanan.

"You'll pay what you did awhile ago." Sabi niya ng may ma-awtoridad na boses. Huh?? What? Anong babayaran ko?

"Anong babayaran ko?" Tanong ko sa kanya na siya namang ikinangiti niya. Di ko alam kung kakabahan na ba ako o matatakot.

"Remember your running??" Huh? Running??

"Huh?" Nagtataka kong tanong.

" Binangga mo ako and worst nasira ang relo ko ng dahil sayo." Dahil sa sinabi niya dun palang nagsink-in sa akin yung mga nangyari. Siya yung nabunggo ko? Kung ganun-- ang tangkad niya pala.

"Oh Miss. Tititigan mo na lang ba ako? Eto oh extra picture ko. " Sabi niya sabay bigay sa akin ng picture na kinuha niya pa mula sa wallet niya. Nakatitig lang naman ah! What's the big deal of staring someone? Is it rude?

"Uhm- Harold right?" Tanong ko habang nakapangulumbaba.

"Yes. The one and only." Sabi niya ng naka-ngiti. Weird -_- nasiraan na nga ng gamit ngingiti pa.

" Alam ko namang mabait ka kaya please patawarin mo ako." Sabi ko sa kanya ng nagmamaka-awa. Shiz. Sana effective.

"Hindi ko naman sinasadya eh. Atsaka ano-- hindi ko namang kasalanan na paharang harang ka sa tinatakbuhan ko kanina. Eh di kung gumilid ka hindi nangyari yun. Atsaka oo! Aaminin kong nabangga kita pero nagsorry naman ako diba." Sabi ko sa kanya na ikina-tingin niya na may halong galit. Tsk.

"Sorry? Seriously miss? Ang mahal nitong relo ko tapos ikaw? Magsosorry lang??" Sabi niya na medyo tumataas na din ang boses niya.

"Mister sinabi ko ngang hindi ko sinasadya. Atsaka para relo lang nagagalit ka na." Sabi ko na din na medyo nagagalit. Totoo naman. Bagay lang yan na napapalitan. Ok pa sanang magalit siya kung nasugatan diba? Kung magalit akala mo may namatay na ako yung may kasalanan.

"Anong parang relo? Galing pa itong Italy. Siguro sa inyong mahihirap wala lang ito kasi hindi naman kayo nakakahawak ng mamamahaling relo." Sabi niya ng galit at ngayon tumingin na yung teacher namin sa'min. Lagot!

"You two! Get out of my room NOW! Kung may LQ kayo wag dito sa loob ng classroom and worst sa subject ko pa." Sabi niya ng talagang galit at talagang pinagdiinan pa yung NOW. Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang. Mamaya ma-detention pa ako neto.

Imbis na magstay dun sa labas ng room dumiretso na lang ako sa garden. Napansin ko ding sumunod si Harold. Seriously? Wait, line niya yun ah! Pero sinusundan niya ba ako?? Matanong nga.

"Mister sinusundan mo ba ako?"Tanong ko sakanya.

"State the obvious Miss." Tsk. Oo nga naman! Ang tanga mo naman Audrey.

"Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi ka sana sumigaw eh di hindi sana tayo pinalabas. Paano na niyan kung may quiz, eh di hindi ko nagawa yun. Atsaka oo inaamin ko mahirap lang kami pero sa lahat ng bagay pinapahalagahan namin kung anong meron kami." Naaasar kong paliwanag sa kanya. Kailangan ba talagang ipamukha na mahirap kami?

"Miss Audrey hindi ko naman kasi kasalanang tatanga tanga ka. Hindi mo nga tinitignan yung dinadaanan mo. Nung nabunggo mo ako saktong nahulog itong relo ko. At sa kinamalas malasan natapakan mo pa. At kahit mayaman kami pinapahalagahan pa din namin kung anong mayroon kami." Paliwanag niya. Wow! Just Wow!

"Babayaran ko na lang. Magkano ba?" Tanong ko sa kanya na dahilan niya naman para ngumisi.

" 5,000 pesos. Actually kahapon lang yan binili dahil BAGONG LABAS at MAHAL. Dala pa ito ng Tita ko. Ano kaya mo bang bayaran?" Tanong niya na talagang diniinan niya pa yung pagsabi ng BAGONG LABAS at MAHAL. Ganun ba talaga kamahal yun? Para naman akong nanghina nung narinig ko yung presyo. 5,000 pesos? San naman ako kukuha nun? 2,000 pesos nga ang allowance ko per month.

"Kaya mo bang bayaran?" Ulit niya. Hindi ko siya nasagot dahil na rin hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Then be my slave." Sabi niya ng nakangisi.

"Ayaw ko nga." Biglang nasabi ko na lang. Kahit na ano ayaw ko nga! Slave? Katulong? Doon ang bagsak ko sa kanya?

"Whether you like it or not. You'll be my slave for a month. And after a month tapos na tayo." Sabi niya.

"Pero paano ako makakasigurado na 1 month lang ako sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Then we'll have a 1 month contract."

"Sige. Deal." Sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko.

"Deal." Sabi niya sabay shakehands.

--
VOTE||COMMENT||SHARE

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon