A/N : Hai Guys! Haha hindi pala ako nakapag UD nung August :) Hehe sorry :D Babawi na lang ako :) BTW, Thank You pala sa mga nagbabasa pa rin nito. I love You Guys! :* ^^ Saranghae!
--
Audrey's POV
At dahil nga nanalo yung school namin wala ng afternoon class. Ganun naman na daw dati pa eh. Tradisyon daw nila or isa sa mga "Rules" nila.
After nung madramang pangyayari sa'min ni Shanaiah dumiretso na kami sa mall. Well, particularly siya ang nagsuggest hindi naman ako mahilig magpunta roon eh. Maliban na lang kapag pinipilit ako ni Mama oh di kaya naman yung mga pinsan kong gumagala.
Pagkarating namin dun sa mall agad naming pinuntahan yung Starbucks at napilitan lang akong pumasok. Nakakahiya kaya, ako nga lang ata doon nagmumukhang inosente eh.
Hindi naman sa first time pero para kasi akong tangang naka-upo roon. Siya na nag-order siya na rin nagbayad. Sabi ko nga babayadan ko na lang pero nagpupumilit siyang huwag na raw kaya in the end nag-ok na lang ako.
Next na ginawa namin nagwindow shopping lang kami. Suggest ko syempre! Wala akong pera para bumili alam na this guys! Poor eh. Tapos sunod yung National Book Store nagtingin tingin kami ng mga libro. Mahilig pala kaming dalawang magbasa. Particularly Romance ang gusto niya. Ako naman Romance pero may Comedy at gusto ko din yung madrama.
Yung feeling ko talagang iiyak ako dun. Nabili ko na nga din yung Sadist Lover at Yung My Husband Is a Mafia Boss. Nagkanda hirap hirap pa nga akong hanapin yung libro ng sadist lover Book 3 Volume 2 kasi Out of stock raw. Naiiyak na nga ako nun kasi basang basa na nga ako sa ulan tapos wala pang masakyang jeep oh diba? Ang malas. Pero nawala yung inis ko nung nasa last Book Store na ako. May natitira pa kasing 2 libro nun eh. Halos magtatalon-talon nga ako sa saya nun. Kasi sa wakas nabili ko na.
"May pupuntahan ka pa?" Tanong ko kay Shanaiah matapos naming malibot yung mall.
"Wala na. Uwi na tayo 5:30 na rin oh." Sabi niya habang nakatingin sa relo niya.
"Haha oo nga baka mamaya pagalitan pa tayo. Dito na lang rin paradahan namin eh. Salamat sa oras." Sabi ko sa kanya ng nakangiti habang tinuturo yung paradahan namin sa may bandang kanan ko.
"Sige. Salamat sa oras. See you tomorrow 'Drey." Sabi niya sa akin ng nakangiti.
"Drey? Haha Wow! Nice nickname Naiah." Sabi ko din sa kanya. Haha
"Woah. What a nice nickname Drey! Then from now on I'll call you Drey and you'll call me Naiah. Deal?"
"Deal." Nakangiti kong sabi sa kanya sabay pasok nasa jeep.
Pagkapasok ko pa lang ng jeep inabot ko na yung bayad ko. Masaya pa lang magkaroon ng babaeng kaibigan? What I mean is... yung hindi mo siya pinsan ganun. Yung tipong strangers to bestfriends. Ganun. Kasi diba nung una hindi naman kami magkakilala ni Shanaiah diba? Kaya masaya ako para sa sarili ko kasi nakahanap ako ng bago kong kaibigan.
Natutuwa rin ako kasi may Nickname na kami para sa isa't isa. Drey? What a nice nickname! Pero parang pang lalaki kasi. Pero ok lang. Haha anudaw? Ang gulo ko lang mag-explain.
==
A/N: Again guys! Haha kayo anong nickname niyo? Haha Comment pls. :D Sana pansinin niyo naman ako Huhuhu. T____T
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Teen FictionMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...
