Audrey's POV
Pagkabalik ko tapos na yung finals. Sayang! Hindi ko nakita kung sino ang nagpanalo. Tutuloy na sana ako kay Harold nung mapasin kong may kausap siyang babae? Kaano- ano niya kaya yun?
Lumapit na lang ako sa kanila kaso hindi ako nagpahalata.
"Aish Baby Boy! Ang lagkit mo na! Mag-shower ka na tapos date tayo." Malanding pahayag nung babae. Pero ano sabi niya? BABY BOY? Tsk. Parang bata lang. Pero may girlfriend na si Harold? Bakit hindi ko alam?
Pero kung may girlfriend siya bakit niya sa akin pinasuot yung jersey niya. Shungang lalaking 'yan paasa. Palibhasa kasi may pagka-playboy.
Imbis na pakinggan ko pa yung pagu-usap nila dumiretso ako kung saan naroroon si Shanaiah.
"Yow!"bati ko nang may ngiti. Siguro nga wag na akong umasa na may gusto sa akin si Harold. Eh ano ngayon kung binigay niya yung jersey shirt niya sa akin?
"Tara na?"yaya ko sa kanya.
"Tara." Sabi niya sabay tayo. Haay.
"Saan ka pupunta niyan?" Tanong niya sa akin. Saan nga ba ako pupunta?
"Wala naman. Ikaw ba? May balak kang puntahan?" tanong ko habang bitbit yung bag ko.
"Mall na lang tayo!" masayang pahayag niya. Tutal may ipon naman na ako. Magsa-saya muna ako. Kakalimutan ko munang nawasak yung puso ko.
"Sige!"
Pagkatapos nun sumakay na lang kami ng jeep. 30 minutes na kaming na-stock dito sa Edsa at hindi pa umuusad.
"Nakaka-asar talaga yang APEC na yan! Aish. Tignan mo tuloy traffic." Bulong sa akin na halata mo namang asar na asar. Oo, naaasar ako dahil traffic dahil sa APEC pero at the same time masaya ako kasi dito sa Pilipinas nagtipon tipon yung mga presidents ng mga iba't ibang bansa.
"Pabayaan mo na." Pagkatapos kong sabihin yun nag-focus na lang ulit siya sa cellphone niya. Ewan ko kung ano ginagawa niya. Ako naman hinintay ko na lang umusad itong traffic.
-
"Salamat naman at nandito na tayo. Imagine? Isang oras tayo sa traffic? Ilang araw pa kasi yan?!" Asar na asar niyang sabi."Ewan. Pabayaan mo na! Tiis na lang." Sabi ko. Hindi naman na siya nagsalita pagkatapos kong sabihin yun.
Naglakad-lakad lang kami. Paminsan-minsan humihinto kami sa mga botique na magustuhan niya.Oo niya. Eh hindi naman ako mahilig sa mga dress. Pero may nabili naman na ako. Yung air-max na sapatos. Siya naman yung may heels binili niya.
"Kain na tayo? Pagod na ako. May treat." Sabi niya sabay paypay ng kamay niya sa kanya. Nainitan na. Paanong hindi ang dami niya kayang binili.
"Haha sige pero. Ako naman manlilibre. Ikaw kasi palaging nanlilibre sa akin eh." Sabi ko. Tutal, may sobra ako. Why don't I treat her? Pambawi ko man lang. Magpo-protest pa sana siya kaso hindi ko na siya pinansin nagtuloy na lang ako dun sa jollibee. Haha. May favorite.
Pagkatapos naming mag-order naghanap kami ng mauupuan. At sa hindi ko inaasahan. Bakit siya nandito? At bakit niya siya kasama? At bakit pa sila nagpakita sa akin?
--
A/N: Hahaha hula na kayo guys!!! Pls. Kahit ngayon lang :( Hulaan niyo sino? Bilis!!! Kapag may nag-comment maga-UD ako! Wohooo! Please. Please. T^TVOTE, COMMENT, READ :)

BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Novela JuvenilMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...