Audrey's POV
"A-ako?" tanong ko ulit sa kanya. Nakita ko namang tumango siya.
"Bakit ako?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Geez.
"Because your my slave?" patanong na sagot niya sa akin. Fudge! Bakit ko nga ba kasi nakalimutan na alalay niya lang ako.
"Oo pala. Pero sandali lang pupunta lang ako sa teacher natin bigay ko excuse letter." pagdadahilan ko para mawala yung awkwardness between the two of us. I mean sa akin lang pala. Ano ba naman kasi 'tong naiisip ko! SLAVE nga lang niya kasi ako at bakit hindi ko yun matanggap.
Pagka-alis ko unti unti akong nakaramdam ng sakit. Sakit na hindi ko malaman kung saan naroroon.
"Goodafternoon Teachers." bati ko sa mga gurong narito sa Faculty Room. Pagkabati ko agad ko ng hinanap yung table ni Ma'am Valdez. Siya kasi yung susunod na teacher namin. Tsk.
"Gooafternoon Ma'am." bati ko sa kanya pagkakita ko. Nakita ko namang ngumiti siya sa akin hudyat na alam niya na ang ibig kong ipahiwatig. Agad ko namang binigay yung excuse letter at dali daling umalis ng Faculty Room. Narinig ko kasing nagu-usap yung mga teacher na may laro daw ng Basketball bukas at kung tama ang pagkakadinig ko si Harold daw ang isa sa players. Fudge. Wag mong sabihing--
Mas lalo ko pang binilisan yung pagtakbo ko nung malaman ko kung anong mangyayari. Paano kung magkasakit nanaman siya? Kakagaling niya lang sa sakit tapos ano? Madadagdagan nanaman.
"San ka pupunta?" tanong ni Shanaiah pagkasalubong ko sa kanya dito sa hallway. Bago ako sumagot huminga muna ako ng malalim baka malagutan ako ng hininga pag nagkataon. Wala pa naman akong tubig pampakalma.
"Wait I'll explain everything later." sabi ko sa kanya sabay takbo matapos niyang tumango sa akin. Hindi na rin ako lumingon dahil masasayang lang yung oras ko.
Pagkakita ko agad sa kanya sa loob ng canteen agad ko siyang binati at sinabing nabigay ko na. Tapos na rin naman na siyang kumain pagkadating ko.
"May laro daw kayo bukas ng basketball." pagu-unpisa ko dahilan ng pagbasag ng katahimikan sa aming dalawa. I don't have a choice. Magsasalita't magsasalita lang rin naman ako.
"Yeah I know." bored niyang sagot sa akin. Fudge. Bakit parang ang cold niya sa akin? Kanina lang. Aish. Assume pa Audrey!
"Alam mo naman pala pero bakit pumayag ka pa rin? May sakit ka pa. Paano kapag nagkasakit ka? Tapos walang mag-aalaga sayo. Mas lalala pa yan. " parang naiirita kong sabi sa kanya. Nakita ko naman na nagtaas-baba yung kilay niya. Fudge naalala ko yung sinabi ni Shanaiah tungkol sa kanya.
"Pag nakita mo na siyang nagtaas-baba ng kilay matakot ka na."
Matatakot na ba ako? Fudge. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba.
"Why you're acting as if your my Girlfriend? Girlfriend ba kita?" tanong niya sa akin. Aaminin ko nasaktan ako. Hindi ba pwedeng kaibigan lang?
" Hindi. Masama bang mag-alala sa kaibigan mo?" Sabi ko sa kanya sabay alis. Napahiya na ako eh. Bakit pa ako magtatagal rito kung wala na.
Oo nga pala, hindi niya ako girlfriend. Hindi niya rin ako kaibigan.
SLAVE nga lang pala ako.
--
A/N: Fudge! Why O Why Harold? Anyare raw? Hahahha
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
TienerfictieMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...
