Audrey's POV
"Oh anyare teh? Ang lungkot mo. Para kang nabagsakan ng kung ano diyan at nakabusangot ka." Sabi sa akin ni Shanaiah na ngayon ay katabi ko na. I don't know kung bakit ako sa kanya nag-punta. Basta't urgh! I don't f*cking know kung bakit.
"Shanaiah naman eh!! Hindi niya pa rin ako pinansin. Nagsorry na ako't lahat lahat wala pa rin!" Pagsusumbong ko sa kanya. Kasi naman si Harold ang daming arte!
"Eh ano bang sabi mo?" Tanong niya.
"Sorry for stopping you to play basketball. Sorry kung pinakielaman kita. Sorry."
Aish! Naalala ko nanaman. Nag-sorry na nga eh!
"Nag-sorry ako tapos sinabi ko sa kanya yung reason."
"Oh tapos?" Pagpapatuloy niya na tila hindi kumbinsi sa sinabi ko.
"Tapos yung end wala na. Basta nag-sorry lang ako! Alangan namang ipagpapatuloy ko yung paghingi ko ng apology tapos hindi siya nakikinig eh di sayang lang laway ko." Mahaba kong paliwanag sa kanya. Siya naman nakinig lang na para bang prinocess niya pa sa utak niya.
"Eh baliw ka naman pala eh!" Sabi niya sabay batok sa akin. The heck? Ako pa ang baliw.
"The heck Shanaiah! Why did you do that. Ang sakit! Tsaka ako baliw? Anong baliw doon sa ginawa ko? Ako na ngang binaba ko na yung sarili ko. Ako ng humingi ng tawad. Ako na yung nagmalasakit sa kanya tapos sasabihan mo lang ako ng baliw?"sabay tawa ko ng peke sa kanya. Fudge. Ako pa talaga ang baliw.
"Hindi mo talaga maiintindihan ang sitwasyon." Mahina niyang sabi sa akin pero narinig ko naman. Anong hindi ko maiintindihan? Eh intinding intindi ko nga na binalewala niya lang yung sorry ko.
"Naiintindihan ko Shanaiah."matigas kong sabi sa kanya.
"Naiintindihan? For f*cking out loud Audrey hindi. Hindi mo maintindihan kasi paparating na si Harold. Ayan na siya sa likod mo malapit na." Nag-aalala niyang sabi sa akin. Fudge. Akala ko naman talaga galit na siya sa akin. Nandiyan lang pala si Harold.
"Eh ano pang hinihintay mo diyan tara na!" Aya ko sa kanya. Bigla niya namang kinuha yung bag niya na nasa table sabay takbo.
Habang tumatakbo hindi namin maiwasang tumawa ni Shanaiah. Did we just escape from Harold? Haha sadly to say but yes. Siguro eto na rin bawi ko sa kanya na hindi niya ako pinansin.
"Nice one Audrey!" Hinihingal na sabi sa akin ni Shanaiah.
"Haha. Nakita mo ba mukha niya nung bigla tayong tumakbo? Oh jusko! Ang epic!" Natatawa kong kwento sa kanya habang humahawak pa sa tiyan ko. Hindi ko talaga alam kung bakit pero masaya talaga ako sa nagawa ko. And I think it's because nakabawi ako sa kanya.
"Haha grabe. Sayang hindi ko nakita." Nanghihinayang niyang sabi sa akin.
"Haha next time gawin ulit natin. Haha. Para makita mo at para sure magdadala na ako ng camera." Natatawa kong sabi sa kanya. Ngayon naglalakad na kami.
"Kung may next time pa." Sabi ng kilala kong nagmamay-ari ng boses. At sa di ko alam na dahilan bigla ko na lang nabitawan yung hawak kong lollipop na binili ko pa sa canteen kanina.
--
A/N: Wengya! Bakit Lollipop naisipan ko? Haha! Jusko!
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Teen FictionMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...
