Chapter 9

176 18 4
                                    

Audrey's POV

Kaya ng dahil sa kanya kaya nagsinungaling pa ako kay Manang Lusing. Alam mo kung anong nangyari? Talagang nakaka-asar.

-Flashback-

"Tapos na po Master." sabi ko sa kanya habang pinupunasan yung mga pawis ko na kanina pa walang tigil sa pagtulo.

"Good. Next, clean my room." sabi niya sabay turo kung nasaan yung kwarto niya. Seriously? Kanina CR ngayon naman kwarto niya? Anong next? Buomg bahay? Pero Go lang! Yung CR na kaya ko kaya siguradong makakaya ko din yung kwarto niya.

"Sige po Master." sabi ko kahit na labag sa kalpoban ko. Lumakad na din ako papunta sa kwarto niya.

Pagkabukas ko pa lang ng pintuan talagang hindi na ako nagulat. Malaki kwarto niya na talagang kakasya na kaming limang magpipinsan. Pero ano ba ito! Nakakalat yung iba niyang mga pantalon pati yung sapatos yung isa nasa taas ng cabinet tapos pati medyas nakasabit sa bintana. Tapos yung mga damit halo halo. Mabuti na lang talaga at nagdala ako ng gloves. Mga lalaki nga naman oh! Hindi ba sila nahihiyang pinapalinis yung kwarto nila? Lalo na't madumi pa?

*After 2 Hours*

"Matagal ka pa ba diyan?" pasigaw na tanong ni Master Harold mula sa ibaba.

"Malapit na po." sigaw ko pabalik.

Kakatapos ko lang magwalis lahat ng kalat dito sa loob ng kwarto niya. Wala na ring mga pantalon na nakakalat, pati yung mga medyas na nakasampay sa bintana nilagay ko na sa iisang lalagyan. Yung mga libro namang nakakalat inayos ko nasa bookshelf. Yung mga damit naman na malilinis tinupi ko na at Nilagay sa cabinet. Paano ba naman yung mga puting T-shirt halo-halo. Yung mga de-color naman niyang damit pinagsama sama ko na din.

"Tapos na po." sigaw ko sa kanya habang bumababa sa hagdan. Hindi naman ganun kahaba yung hagdanan kaya mabilis akong nakababa.

"Aalis na po ako Master." Paalam ko sa kanya sabay kuha ng mga gamit ko sa upuan. Sigurado kasi akong kapag hindi pa ako umalis ngayon malalate na ako sa pinapasukan kong Part Time Job na pinagmamay-ari ni Manang Lusing.

"Wait lang." Pigil niya sa akin habang naka hawak sa kanan kong kamay. Gusto niya ba talaga akong pahirapan? Fine. Sasabihin ko ang totoo. Pagod na pagod na ako.

"Kung may iuutos pa po kayong hindi importante pwedeng ipagpa-bukas niyo na lamang po? Pagod na po kasi ako. Pagod na pagod." sabi ko sa kanya habang pinagdidiinan ang mga salitang pagod na pagod. Bago ako umalis inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya.

Narinig ko pa siyang may sinabi ngunit hindi ko na lamang pinakinggan. Oo,aaminin ko naasar ako sa kanya. Kasalanan ko ba iyon? Hindi diba?

*End Of Flashback*

"Anong problema mo?" tanong ni Yana isa din sa pinakamalapit kong katrabaho dito sa karinderya. Actually dun din siya sa Academy nag-aaral pero mas matanda siya ng isang taon. Actually sinusuportahan siya ng mga magulang sadyang trip niya lang magtrabaho dahil daw wala siyang magawa.

"Hehe wala." sabi ko habang tawa ng peke.

"Anong wala. Ikaw ah lovelife yan no?" tukso niya.

"Hindi ah. Anong lovelife! Diyan ka na nga at magluluto pa ako." sabi ko sabay alis. Wala naman talaga akong problema ah. Ang problema ko lang naman yung asungot kong master. Eto talaga kung makapag-isip ang lalim. Pero lovelife? Nagbibiro ba siya? Wala pa nga ako nun. Este wala PALA ako nun.

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon