Audrey's POV
"Wait ako na." Sabi ni Harold habang kinukuha yung bag ko. Nag-simula na yung pagiging slave niya 2 weeks ago. Kahit naman na umamin ako nauna pa rin naman siya. Malapit na rin yung Christmas ball pero hanggang ngayon wala pa akong partner.
Iniisip ko nga kung may ka-partner na si Harold. Nakaka-asar nga kasi parang wala siyang pakielam.
Habang nagla-lakad kami papunta sa canteen hindi ko maiwasang mainsecure sa height niya. Nakaka-asar naman. Feeling ko ang pandak ko tuloy.
Nag-order na kami at kakain na sana kaso nag-salita siya.
"Audrey." Tawag niya sa pangalan ko. Agad namang napunta ang atensiyon ko sa kanya.
"Uhm-- pwede ba kitang maging partner sa christmas ball?" Tanong niya. Sa wakas! Natanong niya na rin. Akala ko wala na siyang balak.
"Sige." Sabi ko ng naka-ngiti. Hindi naman ako pakipot para humindi.
"Salamat." Sabi niya sabay sip ng coke. Tumango lang ako. Wala akong masabi. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwalang parang bumaliktad ang mundo namin. Siya na dating master ko at ako ang dating slave niya ay nagpalit.
--
Kasama ko ngayon si Shanaiah pauwi na. Hindi naman kami nagsabay ni Harold ngayon kasi may practice sila every hapon."Natanong ka na ba niya?" Tanong ni Shanaiah. Tinatanong niya sa akin yan tuwing hapon. Ewan ko ba dito kung natatakot siyang bumagsak ako o kung hindi naman natatakot siyang hindi ko ka-partner si Harold.
"Kakatanong niya lang nung lunch." Sabi ko.
"Eh ano namang sagot mo?" Tanong niya na ngayon ay nasa harapan ko na. Ang usisa talaga nito.
"Nag-oo naman ako." Sabi ko at sabay kaming tumili. Itong babaeng to talaga.
"Yiee! Ikaw ah. Nagkaka-developan na ba kayo?" Nagkaka-developan? Paano ba malalaman yun?
"Huh? Nagkaka-developan? Paano?" Tanong ko. Nagsulubong naman yung kilay niya.
"Psh. Hindi ka man lang ba nakakaramdam? Wala ka man lang bang gusto kay Harold? Kahit kaunting feeling man lang?" Tanong niya na parang naaasar. Tignan mo to. Siya pang nagagalit.
"Uhm- well, sinabi niya namang gusto niya raw ako. Tapos I think gusto ko na siya. Pero hindi pa naman ganun ka-buo yung feeling ko. Alam mo yun? Parang nagu-umpisa pa lang." Sabi ko sa kanya. Pero sinabi ko lang ng hindi sigurado.
"I think? Haay Audrey. Sige bibigyan pa kita ng panahon para mabuo mo na ang desisyon mo." Sabi niya at patuloy pa rin kaming nagla-lakad.
"Wow! Bakit mo ba pinapabilis yung feelings ko? Hindi ba nga dapat eh kinikilatis ko muna kung totoo ba yung nararamdaman ni Harold? See, may pagka-playboy pa naman yun. Tsaka malay ko ba kung maraming ka-flings yun." Paliwanag at pangde-depensa ko sa sarili ko. Mukhang hindi ako ang kaibigan niya rito eh, parang si Harold pa ang kasangga niya.
"Sabagay may point ka." Sabi niya at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.
Ng nasa paradahan na kami nagba-bye na siya sa akin at ganun rin ako sa kanya. Habang naka-upo ako na-realize ko. Ganun na nga ba ako ka-manhid para hindi man lang ma-realize na gusto pala ako ni Harold dati? O sadyang nasa pagiging slave niya ako naka atensiyon?
Siguro nga may feelings na rin ako sa kanya. Although, nasabi ko ng gusto ko na rin siya. Ang problema nga lang hindi pa namin lubos kakilala ang isa't- isa. Sa tingin ko naman makikilala pa namin ang isa't isa kapag nasa tamang panahon. Yun nga lang hindi ko alam kung kailan iyon.
★★★
010316
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Teen FictionMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...