Audrey's POV
"So ano pag-uusapan natin?" Tanong ko habang nginangatngat yung lollipop na malapit nang maubos.
"Finish first eating your lollipop then we'll start." Sabi niya habang flip ng isang page sa binabasa niyang magazine. Tungkol sa Science. Pweh. Science isang pahirap na subject.
"So ano na?" Tanong ko ng matapos kong kainin yung lollipop ko. Nakita ko namang binaba niya yung magazine.
"About the date..." panimula niya.
"Oh bakit yun?" Naiinip na tanong ko.
"It was cancelled." Seryoso niyang sabi.
"Ok------Ah... Pero What? Seryoso ka? Bakit? Paano?" Gulat kong tanong. Bakit nacancel? Eh sa Sabado na yun. Ready na nga rin susuotin ko eh.
"Long story." Bored niyang sagot sa akin sabay dumekwatro. Nandito pala kami ngayon sa bahay nila. To be specific sa kwarto niya. Ewan ko nga kung bakit naisipan niya dito eh. Tsaka sa tingin ko kaming dalawa lang ang nandito ngayon.
"Then make it short." Sabi ko habang patuloy pa ring sinusuri yung kwarto niya. Hindi naman siya kalakihan pero masasabi kong kung ako ang nakatira dito kasya na kaming dalawa ni Mama. King sized ang kama. Sky blue ang nangingibabaw na kulay dito sa kwarto niya.
"Because I choose to play basketball rather than dating." Tipid niyang sagot. Ah kaya pala.
"Ah ibig sabihin wala na yung date? Babalik ko na lang garud yung dress sa'yo." Sabi ko.
"Nah. Sa'yo na iyon." Sabi niya at tumayo parang may kukunin ata sa cabinet niya. Tumango lang ako dahil wala na akong masabi. Nahihiya rin kasi ako sa ginawa namin. Tinakbuhan namin siya kanina tapos ngayon kasama ko na. Oh diba? Kapal lang.
"Wear that." Sabi niya sabay abot ng paper bag.
"Ngayon na?" Excited kong tanong.
"Nah. Kapag nag-laro na ako ng basketball tomorrow. I want you to cheer me there shouting my name." Sabi niya sabay talikod.
"Bakit bukas? Akala ko..." hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi nagsalita siya. "Na-move." Tanging nasabi niya na lang sa akin sabay lakad papunta sa isang door at sa tingin ko banyo niya ata yun.
**
"Do you know how to cook?" Tanong sa akin ni Harold habang inaayos yung mga kinuha niyang Chicken sa ref. Tumango lang ako. Nakakahiya baka mamaya sabihin niya nagmamayabang ako.
"Can you teach me?" Malambing niyang tanong.
"Ano bang lulutuin natin?" Nahihiya kong tanong. First time kong magluluto sa ibang bahay eh.
"Anything pang dinner lang." Sabi niya.
"Gusto mo adobo na lang? Madali lang yun." Excited kong pahayag sa kanya. Favorite ko ang adobo. Naalala ko pa noon eto yung unang ulam na niluto sa akin ni Papa.
"Then can we start now?" Tanong niya.
Tumango lang ako bilang tugon ko sa kanya. Why he's acting like this anyway? Hindi ba dapat nagagalit siya sa akin kasi tinakbuhan namin siya?
Arrgh Harold. Bakit palagi mo ako hinahayaang ma-fall sa'yo.
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Teen FictionMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...