Chapter 8

194 21 1
                                    

(A/N: pampagana lang habang nagbabasa kayo. =) Enjoy!)

Audrey's POV

Uwian na ngayon at hinahanap ko si Kyle. Sabi kasi ni Mrs. Valdez at ng iba naming teachers magbigay daw ako ng handouts sa kanya. Ewan ko nga kung bakit wala yun kanina. Ang iniisip ko naman baka nag-cutting class siya. Diba uso yun? Yung pupunta sila sa computer shop tapos maglalaro ng Dota. Tama ba? Narinig ko lang yun sa mga kaklase kong lalaki kanina eh. Napansin ko ding wala si Harold. Siguro magkasama sila ano? Tapos sabay silang pumunta ng computer shop. Tama nga yata siguro ako!

"Excuse me po. Excuse me. Padaan lang." Sabi ko sa mga taong nakakasabay ko dito sa hallway. Uwian na saka maraming estudyanteng excited ng umuwi. Ikaw ba namang mamiss mo yung bahay niyo.

"Ouch!" Aray ko po! Sino ba 'tong nakabunggo ko. Ang lakas niya ah!

"Miss Sorry." Sabi ni -- Kyle?

"Ikaw lang pala yan Kyle. Sakto pauwi na rin ako at hinahanap lang kita. Wala ka kasi kanina kaya ibibigay ko lang itong mga pinag-aralan namin kanina. Pina-photocopy ko na yan." Sabi ko ng nakangiti.

"Salamat." Tipid niyang sagot. Pansin ko ding pawis siya. Nakakapagpapawis pala ang pagpunta sa Computer Shop? Eh bakit ako? Hindi naman ah. Lalakad lang naman ako. Hindi naman ako nakikipag marathon.

"Welcome hehe. Wag mo na din palang problemahin yung mga Quiz kasi nagdiscuss lang naman yung mga teachers natin. Oh siya, ako'y mauuna na. Ingat ka na lang." Sabi ko sabay alis.

Saktong pagka-alis ko tumunog yung CP ko. Sino naman kaya ito? Wala naman akong natatandaang ka-textmate ah.

From: Tita Elsie
How's my son? Is he doing good?

Si Tita Elsie lang pala. Akala ko kung sino na. Pero Walanjo! Anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang wala si Kyle kanina sa ibang subjects? Na nagcutting class siya? Waaah! What to do? What to do? Help me.

To: Tita Elsie
Uhmm-- Tita, Kyle is doing good. And don't worry he's fine.

Text ko din naman sa kanya. Hindi ko sinabi na nagcutting class siya baka kasi mamaya pagalitan pa ako 'nun sabihing hindi ko ginagawa ng maayos yung trabaho ko.

From: Tita Elsie
Oh! Then good to hear you that.

Pagkatapos kong mabasa yung text ni Tita Elsie binalik ko na agad sa bulsa yung CP. Alangan namang tetextan ko siyang "Tita ang gwapo ni Kyle", "Tita ang cute niya pala kapag nakangiti." "Tita akin na lang kaya siya. What do you think?" Oh diba. Mas nagmumukha pa akong tanga.

Saka parang ang OA na 'nun. Sino ba namang tao ang magcha-change topic agad diba? Tapos hindi ko pa sinagot yung text niya 'nun diba? Eh di mas maganda ng wag na lang textan. Tapos kapag nag kita kami tapos tinanong niya kung bakit hindi ako nakareply eh di sabihin ko na lang na nawalan ako ng load! Oh diba. Galing ko talaga!

"Oh Iha, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Manang Lusing.

"Ah hehe. Sorry po." hinging paumanhin ko.

"Oh siya. Ika'y magsimula at ng ika'y agad matapos."

"Sige po." magalang kong sabi sabay alis at palit na ng uniform. May pasok ako ngayon sa karinderya at kailangan kong makabawi. Hindi ako nakapasok nung isang araw at nung kahapon naman day off ko. Oh diba? Ang saya. Nawalan ako ng isang araw na sweldo. At ng dahil yan kay Harold. Kaya hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkaka-usap.

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon