Audrey's POV
Pagkatapos naming mag-order naghanap kami ng mauupuan. At sa hindi ko inaasahan. Bakit siya nandito? At bakit niya siya kasama? At bakit pa sila nagpakita sa akin?
Shit. Fudge. Shit. Bakit? Bakit pa siya nagpakita?
Mabilis kong kinuha ang tissue sa ibabaw ng mesa at madaling tinakpan ang kabuuan ng aking mukha. Sinigurado kong hindi niya ako makikita dahil sigurado kong pagtatawanan niya lang ako pag nagkataon.
"Audrey okay ka lang?" Naga-alalang tanong ni Shanaiah marahil nagtataka sa mga inaakto ko.
"Yes, I'm fine."sagot ko sabay kagat ng hamburger na ngayon ay kalahati na.
"Shit."napamura na lamang ako sa aking isipan ng mapagtanto kong papunta sila sa banda namin. Agad-agad kong niyuko ang aking ulo para hindi niya ako makita. Kinuha ko pa yung cellphone ko para hindi ako mahalatang pinagtataguan ko siya.
Shit. Mukha akong may kasalanan sa mga inaakto ko. Pero wala naman ah.
Agad-agad akong nagpa-alam kay Shanaiah na magba-banyo lamang ako sandali.
"Maria."tawag niya sa pangalan ko habang nakahawak sa pala-pulsuhan ng aking kamay. Agad ko naman siyang pinasadahan ng tingin at hindi nga ako nagkakamali siya ito. Wala pa rin pala siyang pinagka-iba maliban sa mas gwumapo ito.
"Hiro."tanging nasambit ko. Nakita kong umangat ang kanyang labi na nagpapakitang siya'y ngumiti. Nakita ko nanaman ang kanyang mukha. Ngunit hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga pangyayari noon.
Nang wala na siyang masabi at tanging titigan na lamang namin sa gilid ng CR ay agad-agad kong inalis ang kanyang kamay na nakahawak sa akin at hindi na nag-atubiling bigla na lamang akong umalis mula sa kinaroroonan namin.
Agad ko na lamang naihilamos ang aking kamay sa aking mukha upang takpan ang mga namumuong luha.
"Bakit Hiro? Bakit ngayon pa? At bakit mo siya kasama?" Nasabi ko na lamang bago maghilamos.
Bago lumabas nasambit ko pa ang mga katagang "Bakit pa kami nagkita."
--
A/N:Sino kaya si Hiro?? Ho Ho Ho! ^^
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Teen FictionMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...
