Chapter 16

135 16 0
                                    

Audrey's POV

Nung matapos ma-process sa utak ko yung pag-add nila Kyle at Harold sa akin in-accept ko na yung Friend Request nila. Alangan namang titigan ko lang buong magdamag hindi ba?

Para mas lalong hindi ako ma-bored tinignan ko yung timeline nila. Inuna ko na yung sa kanya since siya naman yung unang nag Friend Request. Grabe, habulin talaga ng mga chicks to! Puro mga babae ang nagpopost sa timeline niya eh. Sunod si Kyle ganun rin. Karamihan naman mga jeje at bakla ang nagpo-post sa timeline niya. Iba na nga yata talaga ang gwapo. Habulin eh. Ang malas naman pala ng Ex ni Kyle pinakawalan niya pa. Kung ako lang yan. Grabe siguro nagpa-pansit pa siguro ako sa buong pamilya namin. Syempre, pagmamayabang ko lang naman na nagkaroon ako ng boyfriend na kasing gwapo niya hindi ba? Yun nga lang, mangyayari lang yun kapag nakatulog na siguro ako.

Nung matapos ko ng tignan yung timeline nila. Nag- log out na ako. Nagmumukha na akong stalker eh.

--

Kinaumagahan maaga akong nagising. Sa pagkakatanda ko kasi may summative test kami ngayon sa Algebra na dati ko pang nireview at pilit kong inaalala ngayon. Syempre, joke lang yan. Naaalala ko pa naman hindi naman kasi ako ganun katanda para makakalimutin.

Saktong pagdating ko sa room namin halos lahat sila nakikita kong nagrereview. Ow-kay. Awkward. Lahat sila nakatingin sa akin. Masama na bang walang hawak na notebook papasok ng classroom? Nag-review naman ako ah!

"Drey!" Tawag ni Naiah sa akin pagkapasok ko.

"Oh bakit?" Takhang tanong ko.

"Nakapag-review ka na ba?" Tanong niya sa akin habang nakatingin pa rin sa notebook niyang algebra. Actually madali lang naman talaga ang Math kung talagang naintindihan mo lang talaga yung lesson lalo na't habang nagtuturo yung teacher eh nakikinig ka.

"Eh oo." sabi ko sabay lapag ng bag ko dun sa upuan. Siya naman nakatayo pa rin habang nakatingin sa notebook. Hindi siguro ito nagreview kagabi.

"Hindi ka nag-review kagabi?" tanong ko sa kanya. Nang maka-upo na ako.

"Ehh-- Hindi eh." nahihiya niyang sagot sa akin. Nahihiya pa. Eh halata naman. Haha

"Tsk. Hiya- hiya pa eh. Dun ka na nga at para makapag-review ka na. Sabihin mo pang ginugulo kita." pagtataboy ko sa kanya. Nakita kong bigla siyang napatingin sa akin. Okay. Haha.

"Pinapaalis mo na ako agad? Ikaw ah." tila nagtatampo niyang pahayag sa akin. Aruy!

"Hahaha hindi ah. Inaalala lang kita." concern kong sabi sa kanya. Totoo naman eh! Baka kasi mamaya bumagsak pa siya kasalanan ko pa.

"Sige na nga aalis na ako. Mamayang recess na lang. Sabay tayong mag-recess Drey ah!"

"Sige." sabi ko sa kanya. Pagkatapos ng ilang minuto dumating na din yung teacher namin. Agad naman kaming naglabas ng isang buong papel para gawing scrap paper. Binigay niya na din yung test paper.

Sa awa naman ng diyos nasagutan ko naman halos lahat. Yung iba nakalimutan ko eh. Nakalimutan ko yung iba kung paano i-compute. Kaya kahula-hula na lang ang ginawa ko. Yung iba nag "mini mini minimo" na lang ako. Eh sa nakalimutan ko nga eh.

Pagkatapos nung isang oras naming pagsasagot sa test paper namin sakto namang nag-bell na. Chineck na rin namin at sa awa nanaman ulit ng Diyos nakapasa ako sa passing score. Over 30 lang naman yun at naka-26 naman ako. Si Naiah nga eh naka 20. Okay na raw yun atleast nakapasa raw siya.

"Tara na?" aya niya sa akin.

"Tara." sabi ko sabay tayo. Recess na at talaga namang aligaga na siyang kumain. Kailangan niya daw talagang kumain dahil parang nawalan daw siya ng utak kakasagot kanina. Natawa nga ako eh. Ang OA niya kasi.

--
A/N: Hai guys! :D Sana nagugustuhan niyo yung mga pics. Ni Chi Hoon <3 Waah! Inspiration ko habang nagta-type :D haha

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon