Chapter 5

259 30 19
                                    

Audrey's POV

Nandito ako ngayon sa loob ng canteen sinusundan si Kyle. Diba nga may Operation: Kaibiganin si Kyle pa?

Paano ba naman. Tinext pa ako ni Tita Elsie kagabi na bantayan ko daw lahat ng ginagawa ni Kyle. Sabi ko nga sa sarili ko nag mukha na akong stalker. Pero sa huli nag "oo" na lang ako

"Excuse me Miss. Can I sit here?" Tanong niya sabay turo ng upuan sa harapan ko. Imbis na sumagot nag-nod lang ako.

Puno na pala ang buong canteen. Kailangan pala kapag pumupunta ako dito maaga parati.

"Tingnan mo yung babae oh. Naki- upo pa kay Kyle. Ang kapal niyang maki- upo." Bulong ng babae sa kaibigan niyang bakla. Bulong na nga lang naririnig ko pa. Nasa kabilang table lang kasi sila.

"Ang pangit niya naman. Feeling mo ang ganda niya. Mas maganda pa ako sa kanya." Bulong din nung bakla.

Aba! Akala nila hindi ko naririnig pinagbubulungan nila. Eh rinig na rinig ko nga.

"Don't mind them. Yang pagkain mo masyado ng nasasaktan. Kawawa naman." Sabi ni Kyle sa akin. Yeah, you heard it right. Si Kyle ang naki-upo. Napansin niya atang naiinis na ako kaya siguro nasabi niya yun.

"Kyle, pwede bang makipag kaibigan?" Nahihiya kong tanong.

"Sige." Agad niyang sagot.

"Huh? Sige agad? Hindi ka muna magtatanong kung bakit? " sunod sunod kong tanong sa kanya.

" Kung tatanungin pa kita. Hahaba lang ang usapan. At sa huli kukulitin mo lang ako." Walang ka emo-emosyon niyang sabi.

"Ahh oo nga no. Pero paano mo nalaman yan?" Curious kong tanong.

"Dahil sa mga babaeng palaging kinukulit ako?"

"Wow! Oo nga. Kaya pala pinaguusapan nila ako." Sarcastic kong sabi sa kanya.

"You're wrong. Ako ang pinaguusapan nila." Matawa tawa niyang saad.

"Sikat ka pala dito sa Academy." Sabi ko. Imbis na sumagot nagkibit balikat lang siya.

"Kaya pala dinaanan mo lang ako sa harapan ko 'nun. Remember?"

"Huh?"

"Diba nung baguhan pa lang ako ikaw yung dumaan sa harapan ko 'nun? Yung magpapakilala ako sa harapan."

"Ahh ikaw pala yun. Nakaharang ka sa daan eh."

"Tsk. Gwapo ka sana kaso wala kang modo. Nakaka turn-off ka naman." Sabi ko sa kanya sabay kain ng spaghetti.

"What did you just called me?" Tanong niya.

"Tsk. Bingi ka ba? Ang sabi ko. Gwapo ka sana kaso wala kang modo. Uulitin ko baka hindi mo nanaman narinig. Ang sabi ko wala ka--"

" Narinig ko. Sadyang gwapo lang ako at hindi naririnig ang mga sinasabi ng mga pangit na tulad mo. " sabi niya ng nakangisi.

"Tsk. Tignan mo yan pa lang sinasabi mo ang pangit na. Atsaka maganda ako. Wala nga akong pimples eh. Hindi naman ako oily face. Mayroon naman akong kissable lips. Pangit pa niyan yun?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ka naman sexy atsaka mukha ka pang manang sa mga sinusuot mo. " Dire-diretso niyang sabi.

"WALANG MANNERS." Naaasar kong sabi sa kanya. Na siya namang ikinatawa niya.

"I'm just stating the obvious." Naka-ngisi niyang sabi.

Tumayo na siya sabay kuha ng bag niya. Nagtaka naman ako kung saan siya pupunta kaya sinundan ko siya.
May naririnig nanaman akong nagbubulungan.

"Si Kyle yun diba?"
"Sino yung kasama niyang babae?"
"Bakit siya sinusundan?"
"Sila na ba? Ang pangit naman nung girl!"

Narinig kong bulong-bulungan nila. Hinayaan ko na lang baka magkaroon pa ng World War III. Lalo na wala pa akong kakampi.

"Kyle ano, salamat nga pala naging kaibigan kita. Yun lang! Haha. Sa susunod ulit ah." Sabi ko sa kanya.

Pagkatapos nun umalis na ako. Nagtext na kasi si Harold may iuutos raw.

Kyle's POV

"Kyle ano, salamat nga pala naging kaibigan kita. Yun lang! Haha. Sa susunod ulit ah." Pagkasabi niya 'nun hindi ko alam kung matutuwa ako kasi may susunod pa raw. O di kaya maiinis dahil may mangungulit na naman sa akin.

Simula pa lang nung kanina sa canteen parang gusto ko na siya palaging kasama. Parang gusto ko palagi ko siyang pinoprotektahan.

Yung turing ko sa kanya parang kapatid. Na kailangan nandiyan ako palagi at binabantayan siya.

Ewan ko pero kaninang kausap ko siya naging madaldal ako. Eh dati naman kung may kausap ako tumatango lang ako. Kung hindi naman "oo" at "hindi" lang.

Haaay. Siguro nami-miss ko lang yung nakababata kong kapatid.

"Bro, tara na? Lalim kasi ng iniisip mo." Aya ni Dwayne. Imbis na sumagot tumango na lang ako. May practice kami ngayon ng basketball kasi may laban na sa katapusan.

Tumayo na rin ako para makapag-palit. Sakto naman pagpasok ko ng gym walang gaanong tao. Ang ingay kasi ng mga babae. Lalo na kung tumitili at sumisigaw.

Nagsimula na kaming mag-practice pagkatapos ko kasing magpalit meron na si coach kumpleto na rin kami.

Pagkatapos ng practice dumiretso na ako sa mga teacher na hindi ko na pasukan kanina. May excuse letter naman kaya excempted ako.

"Ouch!" Sabi ni-- Audrey?

"Sorry." Hinging paumanhin ko sabay tayo ko sa kanya. Nagkabungguan kasi kami tapos napa-upo siya sa floor.

"Ikaw pala yan Kyle. Sakto pauwi na rin ako at hinahanap lang kita. Wala ka kasi kanina kaya ibibigay ko lang itong mga pinag-aralan namin kanina. Pina-photocopy ko na yan." Naka-ngiti niyang sabi sa akin. Sa pagngiti niya parang gusto kong halikan yung mapupula niyang mga labi.

"Salamat." Pagpapasalamat ko sa kanya sabay kuha ng mga notes.

"Welcome. Wag mo ng alalahanin yung mga quiz kasi nag-discuss lang naman kanina. Oh siya, mauuna na ako." Pagkatapos niyang sabihin yun umalis na siya.

Di ko alam kung susundan ko ba siya o hindi para kasing may nagsasabi sa akin na sundan ko siya. Nagulat na lang ako nung nag-vibrate yung phone ko.

From: Mommy
Iho, We have a family dinner at 6 PM here in our house. Hope to see you here. Love you.

Si Mommy lang pala. Hindi na din ako nagreply bagkus binalik ko na lang ulit yung cellphone sa bulsa ko.

Sa susunod ko na lang siguro susundan si Audrey.

--
A/N: Ok guys! Ewan ko kung maganda ang kinalabasan ng Chapter 5 ko. Haha Comment po. T^T nag-update po ako para sa inyo T__T ^^

VOTE||COMMENT||SHARE

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon