Chapter 13

169 19 10
                                    

Audrey's POV

"Shanaiah. Uy! Uy!" tawag ko sa kanya sabay kuldit pa.

"Oh bakit?" tanong niya sa akin. Nakatayo siya ngayon at busy sa pagpi-picture sa mga naglalarong players. Dala pala niya DSLR niya? Prepared much si ateng niyo diba?

"Anong kulay ng Jersey ng school natin?" tanong ko sa kanya. Bigla namang kumunot yung noo niya. Anong problema nito?

"Yung kulay blue sa atin." sabi niya sabay picture ulit.

"Ah ganun ba? Salamat." sabi ko sabay ngiti siya naman pinagpatuloy lang yung pagpipicture. Kung ganon, yung kulay dilaw sa kabilang school?

"Si Kyle." bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka Audrey?" tanong ni Shanaiah. Narinig niya pa pala yun.

"Huh? Wala. Haha ano ka ba! Magpicture ka na lang." sabi ko sa kanya habang tumatawa ng peke.

Pero si Kyle yun! Si Kyle yung nakita ko. Si Kyle yung naka-jersey na number 13. Kung ganon, basketball player pala siya. Eto ba yung dahilan kaya wala siya nung isang araw? Dahil nag-practice sila? Kaya ba siya pawisan? Kaya ba hindi man lang siya pinagalitan ng mga teacher namin?

Mali pala ako. Mali ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Pati kay Harold. Siya lang naman kasi yung nag-iisang naka-jersey number 24. Eto ba yung dahilan niya dun sa papel na sinulat niya? Hindi niya naman kasi spinecify eh! Kaya ayan. Sorry na kung naging Judgemental ako! Kasalanan ko ba? Hindi naman eh!

"Uy mag-cheer ka naman. Kanina ka pa tahimik!" sabi niya sa akin. Pero grabe yung mukha niya dahil lahat na ata ng dugo nasa mukha niya na.

"Shanaiah pwede bang maupo ka muna at magpahinga? Tignan mo ang pula mo na mamaya may mangyari pa sa'yo." sabi ko sa kanya ng pasigaw. Naghihiyawan kaya sila.

"Ano ka ba Audrey mamaya na. Ngayon ko na lang ulit makikita si Kyle ng ganyang suot eh." sigaw niya din sa akin. Gusto niya nga talaga si Kyle.

Nakikisigaw lang naman ako kapag nakaka-shoot ng bola yung school namin. Syempre, pinagmamalaki ko naman yun ah! Sa ngayon, lima ang lamang ng kabilang school sa score na 19 tapos 24 naman yung sa'min. Oh diba? Match pa sa jersey number ni Harold! Saka sure kong mananalo kami dahil sa galing ba naman nila Kyle at Harold maglaro. Sila nga lang halos nakaka-shoot ng bola eh.

Hanggat sa matapos yung laban pinipicturan pa rin ni Shanaiah si Kyle. Jusko po! Stalker ang peg na nito! Eto nga siya kinikilig. Pinapakita pa nga niya sa akin yung picture ni Kyle na nakikita yung kili-kili. At ang mas malala inaamoy niya pa ito sa camera na para bang inaamoy niya ito sa personal. Inlove na nga yata ito. Pero may saltik eh.

Well, ipagyayabang ko lang sa inyo na nanalo yung school namin. At proud na proud ako doon. Talaga nga namang mahigpit yung labanan dahil 1 point lang yung lamang.

"Audrey! Uy! Audrey!" nabaling yung atensiyon ko kay Shanaiah. Problema nito?

"Tulala ka." sabi niya.

"Ay sorry may iniisip lang." nahihiya kong sabi.

"Audrey ngayon pa lang binabalaan na kita. Akin lang si Kyle ah. Subukan mo lang na agawin siya. Lagot ka." sabi niya ng seryoso. Natawa naman ako doon. Hahahhaha. Seryosp ba siya?

"Bakit ka tumatawa diyan? Wala namang nakakatawa ah." sabi niya sa akin kaya lalo naman akong natawa. Ang epic kasi ng mukha niya.

At yun nga natawa na ako sabay hawak pa da tiyan. I can't really stop laughing. Yung mukha niya kasi parang na-agawan lang ng candy.

"Uy tama na yan! Parang ewan ka diyan. Humahawak ka pa sa tiyan mo."

"Hahaha Oo na. Hahaha hindi hahaha ko naman hahaha aagawin si Kyle. Hahahahaha." sabi ko pa rin habang tumatawa. Hindi ko talaga mapigilan eh.

"May naintindihan ako Audrey." sabi niya na parang nagtatampo kaya naman sumeryeso ako bigla.

"Oo na. Si Kyle? Sure ka ba Shanaiah? Si Kyle magugustuhan ko? Grabeng ugali kaya nun. Sayong sayo na." sabi ko sa kanya. Nakita ko naman bigla yung pag ngiti niya. Aruy! Kinikilig nanaman po ito.

"Promise?" tanong niya.

"Yes I promise." sabi ko tapos nag-pinky promise kami. Nauna siya eh. Naki-go with the flow na lang ako. At ang hinihiling ko. Sana siya na yung una at huling magiging kaibigan ko dito sa Academy. Sana nga lang ibigay yun ni Lord.

--
A/N: Horray!

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon