Audrey's POV
"Oh! Signature-an mo na yan!" Sabi ko kay Master Harold (Tawagin ko daw siyang Master. Tsk. Napaka-demanding -_-) matapos gawin yung mga Kasunduan na magiging slave niya ako ng Isang buwan. Nandun din yung mga Rules And Regulations (Nasa school lang?) Weird right? Pero naninigurado lang.
"Ano 'to?" Tanong niya sabay taas ng notebook na binigay ko.
"Aba! Basahin mo! Hindi porket katulong mo ako- ako na rin ang magbabasa. Atsaka Hindi sa lahat ng oras ine-explain ang mga bagay bagay. Yan ang hirap sa inyo eh. Tamad." Litanya ko sa kanya.
"Kung maka-sabi ka ng tamad-- akala mo naman masipag ka." Bulong niya pero narinig ko naman. Mga lalaki talaga ang lakas ng boses.
"Talagang masipag ako. Eh ikaw? Yan lang na babasahin mo tinatamad ka pa? Tsk." Sabi ko naman sa kanya.
"Ballpen mo?" Sabi niya. Sabay higit ng ballpen na hawak ko. Ang yabang! Urgh! GRRRRRRRRRRRR-- as in yung maraming R. Mayaman nga Mayabang naman! -_-
"Nakuha mo na po MASTER!" Sabi ko sa kanya na talagang pinagdiinan yung Master. Wala lang. Trip ko lang asarin siya.
"Oh! May dinagdag akong isang rule diyan. Basahin mo na lang. " Sabi niya sabay balik ko naman ng notebook sa bag. Mamaya ko na lang babasahin baka kalokohan lang yun.
"Ano naman yun?" Tanong ko sa kanya na ikinalingon naman niya. Pagkatapos niya kasing ibigay yung notebook pinasok ko nasa bag.
"Kagaya nga ng sinabi mo basahin ko. Kaya yun ang ginawa ko na gagawin mo. Dahil hindi lahat ng tanong nasasagot. Minsan kailangan mo rin hanapan ng solusyon ang isang bagay." Napanganga naman ako sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya? Weird siya ngayon. Kung ano-ano ang sinasabi eh.
"Wow Harold! Ikaw ba yan? Ang seryoso mo eh. Mukhang humuhugot ka. Next time, sabihin mo naman sa akin. Kung seryoso ka." Sabi ko sa kanya ng natatawa. Hindi naman na siya sumagot dun sa sinabi ko instead nagpatuloy lang siyang lumakad.
Kinuha ko naman agad yung notebook sa bag. Wala eh. Seryoso siya kanina. Nung nakita ko yung sinulat niya. Waaaaaah!!! Napaka-yabang!!!
"HARRRRRRRRRRRROOOOOLLDDDDDD!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko sakanya. Yung para talagang mapuputol na yung mga nerves ko. Alam kong narinig niya yung sigaw ko ang lakas ba naman.
Arrgh. Ang feeler niya. Ako? Mai-inlove sa kanya. NEVER akong mai-inlove sa kanya. As in NEVER AS IN NEVER!
Stupid Rule.
--
Natapos yung araw ko na naaasar pa rin kay Harold. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil sa rule na sinulat niya? Or dahil hindi ako nakapag-klase ng umaga?Hayst. Sadlyp!
"Oh Audrey! Ba't ngayun ka lang. Late ka na ah!" Sabi ni Manang Lusing.
"Ahh Manang Late na po kasing nag pa-uwi yung teacher namin. Hehe. Sorry po. Babawi na lang po ako." Pagkatapos kong sabihin yung kasinungalingan ko kay Manang yun dumiretso na ako sa kitchen suot yung proper uniform. Haha sosyal ng Karinderya no? May Uniform pa.
"Uyy Audrey! Bakit late ka ngayon? Nakipag date ka no?" Tanong ni Lianna. Bestfriend ko. Naging close kami dahil dito sa trabaho. Marami rin akong kaibigan dito hindi nga lang tulad ng kanya.
Madaldal kasi siya at masarap kasama. Wala eh-- maganda ako kaya ganyan. Haha anong connect? Meron. Maganda din siya, Mas maganda nga lang ako. Haha ansabe? GGSS eh.
"Hindi. Late na kasing nagpalabas yung teacher namin." Sabi ko sa kanya habang hinahalo yung niluluto kong ulam. Nakita ko namang tumango lang siya.
Tagaluto ako dito sa karinderya parehas kami. Ang kaibahan nga lang mas nauna siya. Ako kasi kakasimula ko pa lang mga 3 months ago. Matagal na din noh?
Naalis kasi ako sa dati kong trabaho. Waitress naman ako dun sa isang fast food chain. Nagtataka siguro kayo noh? Halos lahat konektado sa isang restaurant. Kulang na lang pagiging Manager.
Hayaan mo dadating rin ako diyan. Tsaka ayaw mo 'nun halos lahat makumpleto ko na? Costumer na naging waitress na naging Chef na magiging Manager. Oh diba! Nagpa-process yung mga pangarap ko.Sabi nga ng nanay ko "GO LANG NG GO" kaya ako eto! Go lang! Pero napaisip ako. Diba sa Globe yun? Haha walang originality nanay ko kaya pag-pasensiyahan niyo na.
--
A/N: Short update! At napagtripan lang! I Hope you enjoyed reading!VOTE||COMMENT||SHARE

BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Fiksi RemajaMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...