Audrey's POV
"Alis na po ako. Salamat po." paalam ko kay Manang Lusing. Napansin ko kasing nagbabadya ng umulan. Wala pa akong payong ngayon. Kung minamalas nga naman oh.
Habang naglalakad iniisip ko pa rin yung tungkol sa date. Yeah, it's my first time and I hope wala akong gagawing katangahan doon.
"Hello Ma." bati ko pagkakuha ko ng cp sa bulsa.
"........."
"Pauwi na po ako."
"......."
"Huh? Opo."
"........"
"Maghihintay na lang po ako ng jeep."
"........."
"Opo."
"........"
"Sige po. Bye Ma. Ingat po."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mama nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalakad. Nag-overtime raw siya ngayon sa trabaho at baka bukas ng umaga pa raw siya makakauwi. Well, medyo nasanay naman na ako kasi dati rati naman nago-overtime siya. Nakakapanibago nga dahil after how many months nag-overtime siya. Usually kasi twice a week siya nago-overtime.
Wait, san na nga ba ulit ako kanina? Ah oo! Yung date. Ano ba kasing meron sa Tagaytay at gusto nila doon? Ang alam ko lang naman malamig doon atsaka may magaganda ring pasyalan pero ang layo. Kung sa Baguio na lang kaya sila eh di medyo malapit pa. Parehas lang rin naman na malamig roon. Ang alam ko rin kasi nakapunta na ako nun roon when I was I think 5 or 6 years old? Yeah I know ang tagal na. Oh well masisi niyo ba ako?
Nandito na ako sa sakayan ng jeep nung matanaw ko yung kotse ni Harold mula rito sa bintana. Parang kila Harold yun eh or iba? Tsk. Ano ba itong iniisip ko!
"Syempre hindi si Harold yun! Ang aga niyo kayang umuwi kanina. Marami lang talagang may kotseng kaparehas ng kanila." singit ng isipan ko.
Oo nga noh. Maraming kotseng ganun ang brand.
"Para po." sabay baba. Buti na lang talaga at nag-jeep ako dahil umaambon ambon na rin. How lucky I am right now.
Pagkapasok ko dumiretso na agad ako sa kwarto nagpalit at humiga. Nagtoothbrush na rin ako at hindi na kumain. Wala lang rin naman kasing naluto tsaka maaga pa 'ko bukas.
*Bzzzt. Bzzzt.*
*Bzzzt. Bzzzt.*
From: Master Harold
We will meet at the school garden tomorrow morning. I'll explain you the setup about the date. Be there or else.
Napangiti na lamang ako nung makita kong siya ang nag-text. Ewan. Pero feeling ko kasi ang tagal naming hindi nagkita kahit na kanina lang kami naghiwalay. Why Am I acting like this anyway?
--
A/N: Hai guys! It's me again. I hope you're enjoying to read this UD Hohoho! Thank you sa lahat ng bumabasa nito. Nakaabot na ako sa Chapter 20 and I decide to finish this story siguro 20 Chapters pa.
BTW, pabasa ng Lee Chi Hoon Fact's ko. Hahaha ^^
#PRAYFORPARIS :( :( :( Guys, sana ok lang sila doon. Pray for their safety :( :(
#TEAMBAHAY NGA PO PALA AKO SA FIRST FAN MEETING NG GOT7 :) :) HAHAHA ^^ Mark Bias here! Sinong kapareha ko?
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Novela JuvenilMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...
