Chapter 6

233 23 5
                                        

Audrey's POV

"Bakit po Master Harold?!" Sarcastic kong tanong kay Harold. Kakadating ko lang ngayon at eto siya paupo upo lang.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya. Tsk. Hindi man lang sinagot yung tanong ko.

"Master, malayo po kasi yung pinuntahan ko papunta rito." Sagot ko sa kanya.

"Tsk. Ang lapit lang kaya. Eh di sana binilisan mo.O di kaya tumakbo ka."

"Eh kung ikaw kaya ang pumunta sa akin eh no? Para alam mo kung gaano kalayo ang tinahak ko." Asar kong sagot sa kanya.

"Inuutusan mo na ba ako SLAVE?" Tanong niya sabay tingin sa akin. Aba'y tingnan mo nga naman oh! Talagang inemphasize niya pa yung "SLAVE".

"Opo master. Inuutusan na kita ngayon. Kaya halika na at buhatin mo ang bag ko sabay diretso sa classroom. Naintindihan mo ba? Ayaw ko ng babagal bagal." Sabi ko sa isip ko syempre! Alangan namang sabihin ko sa kanya 'yan harap harapan diba? Eh di nadagdagan nanaman yung araw ko na pagsisilbihan ko siya.

"Hindi po MASTER!" Sagot ko sa kanya

"Good..." Tatango tango niyang sabi.

"Ano na po bang maipaglilingkod ko sa inyo master?" Tanong ko sa kanya. Hahaba lang kasi itong usapan kapag makikipagbangayan pa ako sa kanya.

"Kunin mo yung bag ko sa classroom. Then, ibigay mo sa akin." SAY WHAT? SERYOSO BA SIYA?

"Seriously master?" Gulat kong tanong sa kanya. Naglolokohan ata kami ngayon eh. Ikaw ba naman ang maglakad ulit ng napakahaba tapos may mga hagdan ka pang madadaanan.

"Yes slave. I'm dead serious."

"Tsk. Bakit ka pa kasi dito tumatambay sa likod ng gym. Alam mo namang ang layo layo nito sa classroom. Tsaka, hindi porket master kita ikaw na palaging nasusunod."

"I'm the master it means i'm the boss. So you may now leave." Sabi niya sabay turo ng daan kung saan ako papunta. Sinamaan ko nga ng tingin. Grabeng pagtataboy naman kasi yun.

GRRRRRRRRRR. Kung nakamamatay lang ang tingin patay na siya kanina pa. Atsaka kung hindi lang talaga ako naaawa sa kamao ni Pacman kanina ko pa siya pinagsusuntok kay Pacman. Yung talagang gagawin ko siyang punching bag doon.

Pagkakuha ko ng bag ni Harold nagsitinginan yung mga kaklase ko sa akin. Anong akala nila sa akin? Magnanakaw? Snatcher?
Hinayaan ko na nga lang matunaw ako sa mga titig nila tapos yan pang gagawin nila. Pagbibintangan ako. Ang sakit kaya sa damdamin 'nun.

Imbes na magsalita pa ako sa harap nila at sabihing "Pinapakuha po ito ni Harold." Kaso hindi ko kaya. Alam ko kasing magkakaroon pa ng gulo.

"Eto na po Master!" Sabi ko ng hinihingal at sabay hagis ng bag niya. Magaan lang naman kaya nasalo niya agad.

"Chill ka lang slave. Gusto mo pang tumagal ang pagsasama natin?" Nakangisi niyang tanong. What The?

"Tumahimik ka nga. Pagsasama your face. At tandaan mo. 2 weeks, 9 hours, 10 minutes, and 35 seconds na lang na makikita kita ulit." Sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa relong hawak ko. At tama kayo ng iniisip, mabilis lumipas ang araw. Akalain niyo yun 2 weeks na din akong nagtatagal sa kanya.

"Talagang tandang tanda mo ah?" Sabi niya ng may mapang-asar na ngiti.

"Aba! Oo naman sino ba naman kasing matinong taong magtatagal sayo. Ubod ba naman ng sama ng ugali mo." Sabi ko sa kanya. Ewan ko pero ba't ganun bigla lumungkot yung mukha niya. Nasobrahan lang ba ako sa kinain ko kanina? O epekto ito ng kinain ko kanina?

"Aalis na po ako master."sabi ko sakanya sabay talikod at naglakad paalis doon.

Paalis kung saan naiwan ko siyang ganun pa rin. Ganun pa ring-- malungkot. Kasalanan ko ba? Hindi naman diba? Nagsasabi lang naman ako ng totoo.

--
A/N : sana may nagbabasa pa din nito :)

guys! Comment lang po kayu :) I badly need your Comment Guys! Haha ^0^ para alam ko po kung ano pa pong mga babaguhin ko. At kung dapat ko pa pong ituloy hahaha :)

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon