Audrey's POV
"So para saan itong binili mo ngayon?" tanong ko sa kanya. Ako na unang kuma-usap. Ang awkward, kasi kumakain lang kami na wala man lang nagsasalita.
"We'll have a date." Date? A-ano? Seryoso ba siya? Eto na ba yung sinasabi kong papayag ako kasi siya ka-date ko? Bakit agad naman grinant ni Lord yung wish ko.
"Date? As in..." di makapaniwalang tanong ko sa kanya. As in yung kami lang bang dalawa? Waah! Grab the chance beh!
"I mean a Double Date." pagtatama niya. Double date? Sino naman kaya?
"With?" tanong ko.
"With my cousin." Siya.
"Kailan?" Ako.
"Next Saturday." Siya.
"Saan?" Ako
"It's a secret." Siya.
"Secret secret ka pa. Malalaman lang rin." bulong ko sa sarili ko.
"Pero wait. Totoo bang date yan? Oh baka naman. Aalilain mo lang ako? Alam mo na. Baka may tinatago kang galit sa akin. Tapos niloloko mo lang pala ako." sabi ko sa kanya na ikinataas ng kilay niya.
"Paano mo nalaman?" tanong niya. So totoo nga?
"Naalala ko pala. May gagawin ako next Saturday. May fieldtrip kami. Ako kasi yung isang nag-organize ng event na yun sa church namin." pagsisinungaling ko. Ano siya chix? Ako magiging katulong nila dun sa date nila? Tapos yung suot ko yung binili niya? Ano siya sinuswerte?
"Haha. Joke lang! Hindi ka naman mabiro. I think the double date will be held at Tagaytay." sabi niya. Napanganga naman ako. Date lang tapos sa Tagaytay pa? Ang layo kaya. Mga 5 hours pa siguro ang gugugulin namin bago kami makapunta roon.
"What? Tagaytay? Seryoso ka? Date lang ba yun?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Totoo naman eh! Dahil lang sa date? Pupunta pa kaming Tagaytay.
"Actually hindi lang simpleng Date yun."
"Eh kung hindi eh ano?" naguguluhan ko pa ring tanong.
"Tsk. Ang dami mo namang tanong! Tignan mo na lang sa Sabado." naiirita niyang sagot.
"Tsk. Para sa nagtatanong lang eh! Kasalanan ko ba? Kung in-explain mo." sabi ko sa kanya.
"Pero yung mga binili natin. Hindi ko babayaran yan ah. Ikaw lang naman ang nagpumilit eh." sabi ko sa kanya.
"Tsk. Yeah I know. And huwag kang mag-alala it's my treat."
"Okay. Sabi mo eh."
Pagkatapos nang pag-uusap namin. Kumain na lang ulit ako. Sayang eh! Ang sarap pa naman. Tsaka tumahimik lang rin naman siya.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Binuksan ko yung Wi-fi. Makiki Wi-fi muna ako habang busy rin siyang nagce-cellphone. Nakiki Wi-fi rin siguro ito.
Pagkatapos kong maka-connect inuna ko ng buksan yung FB. Wala naman ulit nangyari except lang sa naka-chat ko yung pinsan ko mula sa Japan. Yeah, may pinsan ako roon. Nakapasok kasi siya run sa kinuha niyang scholarship nun. Well, part of me naiinggit ako kasi ang swerte niya nakapunta na siya sa Japan. Ako nga ibang lugar lang dito sa Pilipinas hindi pa ako nakapunta ibang bansa pa kaya.
"Tara na?" tanong ni Harold. Nakita ko namang naubos niya na rin yung pagkain niya kaya tumayo na rin ako.
"Tara." sabi ko sa kanya. Siya naman binitbit niya na yung mga pinamili namin.
Pagkapasok namin dun sa kotse niya pina-upo niya ako dun sa tabi niya. Which is sa tabi ng driver's seat. Pag sa likod daw kasi magmu-mukha daw siyang driver.
"Saan ang bahay mo?" tanong niya. Bahay ko? Wait, huwag mo sabihing-- kaya niya tinatanung niya kung saan bahay ko dahil... Baka mamaya may binabalak siya. Pero seryoso ba siya? Yung bahay ko? Tinatanong niya? Lord patawarin niyo po ako kung may magagawa po akong mali.
--
A/N: Sorry na guys! Sana nagugustuhan niyo pa rin yung mga UD ko. Vote|| Comment ||Be a Fan||
![](https://img.wattpad.com/cover/37359169-288-k66375.jpg)
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Teen FictionMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...