Chapter 37

119 14 0
                                    

Audrey's POV

Pagkalabas ko ng banyo nakita ko na rin si Shanaiah na tumatayo. Tapos na rin siguro siyang kumain.

"Tara na?"tanong ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Baka mahalata niyang umiyak ako. Magtanong pa nang magtanong 'yan.

"Wait bakit? Aish. Nevermind. Tara." Naga-alangan niyang sabi sa akin. May balak yata siyang magtanong kaso pinipigilan niya lang.

"Sorry Shanaiah I can't tell it to you right now."nasabi ko na lamang habang paalis na kami sa Jollibee.

Habang naglalakad nagpapakiramdaman kami. Walang nagsa-salita. Tanging mga tunog lang ng aming mga paa ang ultimong maririnig mo.
Eh, wala naman kasi akong sasabihin bukod sa baka uuwi na rin kami.

Nang mapagtanto kong nasa paradahan na ako nagpa-alam na ako kay Shanaiah. Nag-sorry rin ako kasi ang awkward. Tumawa lang kami pero wala naman kaming problema.

"Handa akong makinig kung may problema ka. Nandito lang ako." Sabi niya at tuluyan ng umalis.

Ako naman dumiretso ako sa paborito kong parke. Sa parke kung saan papa-alala ko nanaman sa sarili ko ang mga masasaya at malulungkot na nangyari.

Wala pa rin pala itong pinagbago. Yung dati pa rin. Maliban na lang sa mga dumaming mauupuan rito. Umupo ako sa isang swing. Nagmuni-muni habang ginagalaw ko ng paunti-unti 'tong swing. Nakaka-miss na pala. It's 3 years from now at ngayon lang siya nagpakita. Bata pa lang magkakilala na kami. Naalala ko pa nga dito rin sa swing na 'to naging close kami. Mahirap man tanggapin at sabihin dahil dito rin sa swing na 'to niya ako sinaktan.

Ang bata bata pa namin 'nun pero bakit ang galing niya ng magsalita ng ganun? Tagos na tagos eh.

Nilabas ko na yung cellphone ko at tiningnan yung oras. Mahigit isang oras rin pala ako sa swing. Tumayo na ako at handa na sanang maglakad kaso nakita ko nanaman siya. Sinusundan niya ba ako? Kasi kung oo, nakaka-asar.

Agad-agad akong tumakbo papalayo sa kanya. Naririnig ko ring tinatawag niya ang pangalan ko. Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako.

Sabi ko sa sarili ko noon kapag nagkita kami papatawarin ko na agad siya. Pero bakit ang hirap? Harap harapan na nga pero bakit ako pa ang lumalayo ngayon?

Ganito ba talaga ang buhay? Ito na ba ang isang pagsubok na binigay ni Lord maliban sa iba pa?

"Lord mahirap magpatawad."tanging nasambit ko na lang at tumakbo pauwi.

--
A/N: Ano nga kasing connection ni Hiro kay Audrey??? Any reactions? Hahaha 'Chos! Hindi lang rin naman kayo magco-comment hahaha ㅜ^ㅜ ㅠ_ㅠ

Hundred Days With My MasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon