Audrey's POV
"Kamusta ka na?" tanong ko kay Harold na kasalukuyang kumakain ng inorder ko mula dito sa canteen. Nag-aalala lang naman ako kasi ayaw ko na ulit mangyari yung kanina.
"Ok na ako. Atsaka kukunin ko na lang mamaya yung binibigay nung isang nurse na gamot." sabi niya habang nakatingin sa akin. Umiwas ako sa pagkakatitig niya. Hindi ko kayang tinitignan niya ako mata sa mata. Feeling ko kasi anytime matutunaw ako na parang yelo.
"Ga-Ganun ba? O sige kung gusto mo ako na lang kukuha. Kunin ko na since nagla-lunch ka na." sabi ko at handang tumayo na nung sumingit si Shanaiah.
"Guys. I need to go. But before that may gusto ba kayong iutos? Since may 30 minutes pa naman." sabi niya habang nakiki eye contact sa akin. Don't tell me iiwan niya kaming dalawa ni Harold dito?
"Uhm-- Wala naman Shanaiah pero pwede bang bantayan mo na lang si Mas-- I mean Harold dito." sabi ko sa kanya.
"Eh saan ba ang punta mo?" tanong niya habang may kinakalikot sa bag niya.
"Sa clinic kukuhanin ko lang yung gamot ni Harold." sabi ko at maglalakad na nung pigilan niya nanaman ako. Nananadya talaga ang isang to.
"About that don't worry. Akala ko kung ano naman. Nakuha ko na yun eto oh. So you don't need to worry. Goodbye! Enjoy with Harold!" mapangloko niyang saad sa akin. The hell! What's with that evil smile.
"Eto na pala yung gamot mo. Kung may kailangan ka pa itext mo na lang ako. Dadaan pa ako sa library eh. Para sa report." sabi ko sa kanya ng parang gustong gusto ko siyang iwasan. Ewan. Basta parang nahihiya lang ako.
"Wala yung cellphone ko." sabi niya habang pinapagpapatuloy ang pagkain.
"Huh? Nasan at kukuhanin ko sandali." sabi ko at akmang tatayo nanaman nang pigilan niya ako. Kanina pa sila ni Shanaiah ah. What's with them? Para tuloy akong isang laruan na pinag-aagawan.
"Hindi ko rin kakailanganin ang telepono." sabi niya habang nakahawak pa rin sa kamay ko.
"Eh ano?" naguguluhan kong tanong. Hindi niya daw kailangan ng cp. Eh paano niya ako mako- contact?
"Hindi ko kailangan ng lahat ng sinasabi mo kasi Ikaw ang kailangan ko."sabi niya sa akin na ngayon ay nakatingin na sa mata ko. What?
Ako? Kailangan niya?
"A-ako?" di makapaniwalang tanong ko.
--
A/N: OK. Guys! Ang ating Loverboy umaariba na! Hahahh nagugustuhan niyo ba? oh please. I really need your feedbacksVOTE||COMMENT||SHARE
BINABASA MO ANG
Hundred Days With My Master
Teen FictionMeet Maria Audrey Castallero isang babaeng walang hinangad kundi ang makatapos ng paga-aral at ang pagpapart-time job sa isang karinderya. Pero may nangyari sa kanyang nanay at may tumulong rito. At tinanong niya ang kapalit kaya kailangan niyang ma...