Repost lang to kaya hindi maayos ang format....CHAPTER 1
Unedited...
"Damn! Bakit mo siya sinuntok?" galit na
tanong ni Jacob kay Lance Leonard nang
makasalubong nila ang miyembro ng Tau
Gamma. Pasado alas otso na ng gabi at
naglalakad sila sa patungo sa parking area.
Kakatapos lang nilang manood ng banda sa
loob ng bar ng kanilang kaibigan.
"Lalaban e!" walang emosyon na sagot ni LL
at ipinagpatuloy ang paglalakad pero
napahinto ito nang parating ang mahigit
sampung miyembro ng Tau Gamma.
"Uh-oh!" tanging nasabi ni Jacob at
naghanap ng madadampot. "I can smell
trouble!"
"Gulo lang talaga ang dala mo, Lance
Leonard!" galit na sabi ni John Matthew at
pinulot ang putol na sanga ng kahoy.
"Brod!" tawag ng isang kasama nila na
nakatingin sa lalaking nakahandusay sa daan
dahil napuruhan ni LL sa panga.
"Putsang LL!" pagmumura ni John Matthew
at kung puwede lang ay siya na mismo ang
babatok sa kapatid.
"Kayo ba ang may kagagawan nito?"
maangas na tanong ni Devic nang ilang
pulgada na lang ang lapit sa apat na
nakatayo sa harapan ng quadruplets. Kilala
nila ito dahil ito ang madalas na kasama nina
Drei Bautista-ang lider ng Treskilion.
"Oo! Bakit? Lalaban kayo?" matapang na
pag-amin ni John Jacob.
"Alam ninyong ayaw namin kayong kalabanin
pero--"
Boogsh!
Isang solidong suntok ang natanggap nito
galing kay Jacob. "Dami n'yong satsat!"
Nagsimula na ang gulo. Apat laban sa labing
dalawa.
Sipa rito, suntok doon! Napapasigaw na ang
mga babaeng nakakakita
Ang iba ay nagsitakbuhan dahil baka may
deadly weapon ang mga ito pero wala
naman. Pisikalan lang ang nagaganap. Ilang
beses na natumba si Lance pero agad
namang bumabangon. Dalawa na ang
natumba nina Jacob at John Matthew na
hindi na makabangon pa.
Prrrruuut!
Pito ng security guard.
Bang!
Warning shot nito pero patuloy pa rin ang
pagsasapakan ng magkabilang grupo lalo
na't may tumulong kina LL na kagrupo rin
nila.
"Ano ha? Lalaban kayo!" parang lasing na
sabi ni LL.
"Sugod pa! Ano? Naduduwag kayo?" hamon
ni Jacob kahit na duguan na ang bibig.
Nilapitan niya si Lee Patrick at tinulungan
itong makabangon.
"Umalis na kayo, brod! Kami na ang bahala!"
sabi ni Arnold na matalik nilang kaibigan.
Kaka-survived lang nito sa fraternity nila.
"Ayoko! Patay kung patay!" galit na sabi ni
LL at susugod na sana pero hinila na siya
nina Jacob at Lee Patrick palapit sa
sasakyan ni John Matthew. "Bitiwan ninyong
dalawa! Ano ba!" Nagpupumiglas siya pero
ang lakas din ng mga kakambal.
"Pasok ka!" Utos ni Lee Patrick.
"Ayoko! Lalaban pa ako! Papatayin ko sila!"
galit na sabi ni LL na mukhang ang lakas pa
ng tama ng alak sa katawan nito.
"Pasok na sabi!" Sabay tulak ni Jacob sa
backseat at pumasok din. Si John Matthew
ang nagmamaneho at silang tatlo sa likuran
dahil baka tumalon na lang bigla si LL. Ayaw
nilang pumunta rito pero bantay sarado nila
ang kapatid dahil mukhang nagbabalak na
magpakamatay.
"Fuck you silang lahat!" sigaw ni LL. Nasa
pagitan siya nina Jacob at Lee Patrick.
"Kapag makaharap ko ulit sila, papatayin ko
na sila!"
"Haist! Kalimutan mo na kasi siya!"
napipikong sabi ni Jacob na ang tinutukoy
ay ang kasintahan nito.
"Kalimutan?" ani LL at biglang natulala sa
kawalan. Ilang segundo pa ay hinarap niya si
Jacob at hinawakan sa kuwelyo. "Putsa!
Hindi ko kaya!"
Tumulo na naman ang mga luha niya.
Tatlong linggo na ang nakaraan mula nang
iwan siya ng kasintahan.
"N-Nangako siyang magkikita pa kami
kinabukasan pero... Damn! Ilang umaga na
ang dumaan!"
"May rason naman siguro si GV," sagot ni
Jacob.
"Rason? Ano'ng rason? Sana nag-iwan man
lang siya ng sulat!" Pinahidan niya ang mga
luha. Araw-araw, binabalikan niya ang lugar
na kung saan sila nagkahiwalay ni GV. Nakita
pa nga niya ang cellphone nito na sa tingin
niya ay itinapon ng ama.
"Invalid reason!" galit na sabi niya. Iniwan na
nga siya ng Lola Patch nila, pati pa naman si
GV?
"Kaya ayokong magmahal!" bulong ni Jacob.
"Nakakasira ng tuktok!"
Sa condo na sila ni LL natulog. Ang ingay pa
nga ni LL. Sigaw ito nang sigaw habang nasa
elevator.
Ilang araw na ang nakalipas at naayos ng
kanilang ama ang gulo sa pagitan ng
Treskilion at mga anak. Mabuti na lang dahil
lasing din ang nabiktima nila at positibo sa
droga kaya hindi rin nito alam ang totoong
nangyari. Ito pa nga ang humingi ng
pasensiya sa quadruplets dahil akala nito,
depensa lang ng quadruplets ang nangyari.
Naglalakad si John Matthew sa hallway nang
makasalubong si Jaffy na patay na patay sa
kaniya.
"Hi, JM!" masiglang bati ng dalaga pero
hindi niya ito pinansin.
"Tumabi ka sa daan ko!" mahina pero bakas
ang inis sa boses nito.
"Gusto lang kitang imbitahin sa debut ko.
Gusto ko sanang isa ka sa eighteen roses,"
pag-imbita ni Jaffy.
"Hindi ka ba talaga titigil sa kakahabol sa
akin?" Maaga pa kaya kaunti pa lang ang
mga estudyante.
"Hindi!" sagot ni Jaffy sabay iling.
"Alam mo bang nakaka-turn off sa aming
mga lalaki ang babaeng habol ng habol?"
prangkang tanong ni John Matthew.
"P-Pero gusto talaga kita..."
"Babae ka, Jaffy! Hindi maganda tingnan na
ikaw ang humahabol sa akin!" Kumukulo ang
dugo niya sa tuwing makita ito. Nasasakal
siya. Ngayon pa nga lang na hindi niya ito
kasintahan, napi-pressure na siya sa
presensiya nito, ano pa kaya kapag sila na?
"A-Ano ba ang dapat kong gawin para
magustuhan mo ako?" malungkot na tanong
ni Jaffy at napayuko. Ang liit na ng tingin
niya sa sarili pero hindi siya susuko! Kahit na
mabansagan pa siyang baba ang lipad, hindi
siya titigil sa kakahabol kay John Matthew
hanggang sa mapagod ito at ang binata
mismo ang kusang sumuko.
"Wala," sagot ng binata.
"K-Kapag... Kapag hindi na ba kita
hahabulin, mamahalin mo na ako?"
Desperada na siya. Lahat na nga ng mga
estudyante, parang sinisigawan siyang
makapal ang mukha at trying hard dahil sa
kakahabol sa taong hindi naman siya mahal.
Hinawakan siya ni JM sa mga kamay kaya
nataranta ang puso't isipan niya.
"Alam mo, Jaf? Maganda ka at simple lang.
Hindi malabong mahalin kita kung hindi mo
lang ako inunahan," sabi ni JM at
pinagmasdan ang magandang mukha ni
Jaffy. Pahaba ang mukha, morena at may
pagkabombay ang kabuuan ng mukha.
"T-Talaga?" nauutal na sabi ni Jaffy. Ang
saya niya dahil hindi siya sinigawan ni JM.
"Yes, kaya kung ako sa 'yo, hayaan mong
mahulog ang damdamin ng isang lalaki.
Huwag kang maghabol ng lalaking pilit
namang lumalayo sa iyo." Tinapik niya ito sa
balikat saka nilampasan. Sana lang ay
matauhan na si Jaffy. Napailing siya. Hindi
niya akalaing may mga babae palang
ganiyan. Hindi siya sanay.
"O!" Inabot ni Jacob ang puting sobre sa
kaniya.
"Ano 'to?"
"Invitation letter ng stalker mo! Debut na
pala niya next week at imbitado tayo."
Naupo si Jacob at pinagmasdan si Hael na nakaupo habang may ginuguhit sa papel.
Nang mapansin siya nitong nakatingin,
pasimpleng itiniklop ng dalaga ang notebook.
"Ayokong pumunta," seryosong sabi ni John Matthew. Napasulyap siya sa pinto nang pumasok sina LL at Lee Patrick. Sumenyas ang kapatid na bantayan muna si LL dahil mag-C-CR lang ito.
"Bro? Punta raw tayo sa debut ni Jaffy,"
sabi ni Jacob nang makaupo na ang kapatid sa gitna nila.
"Pumunta kayo kung gusto ninyo!"
pagsisinuplado ni Lance Leonard saka tumayo.
"Saan ka pupunta?" Mabilis na tumayo rin
sina Jacob at John Matthew.
Hinarap sila ni LL at isa-isang tinitigan.
"Binabantayan ba ninyo ang mga kilos ko?"
"Hindi a!" mabilis na sagot ni Jacob.
"Iihi lang ako!" palusot ni John Matthew.
Kahit na hindi na sila magkasundo ni LL
dahil kay GV, naaawa rin siya sa kapatid.
Paano kung siya ang pinili noon? E di siya
sana ang luhaan ngayon.
"Brod, nasa labas siya!" sabi ni Lee Patrick
nang muling pumasok.
"Nandito na si Mine ko?" masiglang sabi ni
LL na nabuhayan ang loob. Napakamot si
Lee Patrick sa ulo at humihingi ng tulong
ang mga mata sa mga kapatid.
"Ang ibig sabihin ni Lee Patrick, nasa labas
si Noona, hinihintay ka niya," sabat ni Jacob
nang makita sa labas si Noona na kababata
nila. Kaka-transfer lang nito ngayong
semester.
"Si GV ang gusto kong makita," sagot ni LL
na para bang namatayan na naman. "Kung
hindi lang din naman siya, huwag na ninyo
akong tawagin."
"Lance Leonard naman!" desperadong sabi ni
John Matthew. "Tama na nga ang ganiyan!
Minahal ko rin si GV kaya alam kong masakit
na mawala siya. Mas masakit ang
naramdaman ko!"
Poker face na hinarap siya ni LL.
"Nakahalikan mo ba siya? Nasabihan ka na
ba niya ng I love you too? Tumawa ba siya
sa harapan mo dahil mahal ka niya? Naging
masaya ka ba sa buhay mo dahil mahal mo
siya at mahal ka rin niya? Ipinakilala ka na
ba niya sa mommy at mga kuya niya?
Ipinaramdam din ba niya sa iyo na ikaw lang
ang mahal niya? Balak mo rin ba na
magkaanak sa kaniya at umasa na sana,
diretso na ang relasyon ninyo sa kasalan?
Pinaasa ka rin ba niya? Kung ang sagot mo
ay hindi, then, huwag mong sabihin sa akin
na mas nasaktan ka! Dahil ang sakit na nararamdaman mo ay wala pa sa hapding tinitiis ko!" Natahimik ang lahat ng kaklase nila sa sinabi ni LL.
Mula nang balik-eskuwela, ramdam nila ang
pananamlay ng binata dahil hindi pa bumabalik si GV.
"Nagmahal nga talaga siya!" hindi makapaniwalang bulong ni Lee Patrick."Parang ayoko na tuloy magmahal," wika ni Jacob at naaawang tiningnan ang kapatid na palabas ng classroom.
"Jacob, sundan mo. Patungo siya sa rooftop. Baka magpakamatay ang mokong
na 'yon!" Utos ni John Matthew.
"Ako na lang palagi!" reklamo ni Jacob saka sinundan ang kapatid.
