2.25

1.4K 45 0
                                    

Ang Asawa Kong Barumbado

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 25

Unedited....
"Ano ang nangyari?" tanong ni Ann at
lumapit kina Dylan na nasa sala at nanonood
ang balita.
"Hala, patay na sila?" bulalas ni Ann at
nakinig din ng balita. Ito ang laman ng
buong pahayagan ngayon. Ang pag-aresto
ng mga matataas na opisyal ng gobyerno
dahil sa illegal na droga.
"Oh my! Kawawa naman siya," bulalas ni Ann
nang lumabas sa screen ng TV si Ranier,
duguan habang nakahiga sa stretcher at
isinasakay sa ambulance. Replay na lang ang
pinapanood nila pero wala pang update.
Basta sinabi lang na nasa kritikal na
kondisyon ang binata.
"E-Excuse me po," paalam ni Jaffy at
lumabas ng bahay saka dumiretso sa hardin
para tawagan ang ama. Wala pa siyang
balita kung ano ba talaga ang nangyari pero
natatakot siya dahil baka isumpa siya ng
mga ito. Isa pa, gusto niyang malaman ang
update sa kalusugan ni Ranier. Mabait ito sa
kaniya at ne minsan, hindi siya binastos ng
binata. Kung hindi lang involved ang pamilya
nito sa illegal na gawain, sigurado siyang
magiging magkaibigan sila.
Pero wala. Kalaban pa rin nila ang mga
taong naninira ng kinabukasan ng mga
kabataan.
"Mom? Kumusta ang misyon?" tanong ni
Jaffy nang sagutin ng ina ang tawag niya.
"My ghad! Nasaan ka, Jaffy? Alam mo bang
nag-aalala kami sa 'yo?" bulalas ni Inday.
"I-I'm sorry, Mommy. Hindi ko lang talaga
kaya na mawala ang asawa ko," paumanhin
ni Jaffy. Mali man na isinakripisyo niya ang
misyon pero mas mali kung hindi niya
pipiliin si JM. Nawalan na sila ng mga anak
dahil sa kapabayaan niya noon.
"Umuwi ka na sabi ng daddy mo, kailangan
ka namin dito sa bahay! Teka, nasaan ka ba?
Alam mo bang nag-aalala kami nang muntik
ka nang mapahamak nang magbarilan?" galit
na sabi ni Inday kaya napakunot ang noo ni
Jaffy.
"W-Wala ho ako--"
"Masyado kang padalos-dalos, Jaffy. Muntik
mo pang mapatay si Ranier. Ano? Umuwi ka
na!"
"Hindi po ako--" Bago pa niya matapos ang
sasabihin, pinutol na ng ina ang tawag nito.
"Pero wala naman ako sa misyon kagabi,"
wika ni Jaffy. Alam ng driver nila iyon.
Naguguluhan siya sa pinagsasabi ng ina.
Napalingon siya nang may narinig na mga
yabag sa likuran niya. Si JM, seryoso ang
mukhang nakatitig sa kaniya.
"H-Hi," bati ni Jaffy at naiilang na nginitian
ito kahit na salubong ang mga kilay.
"Bakit ka lumabas, Jaffy?" tanong ng
binatang papalapit sa kaniya.
"N-Naiinitan ako," pagdadahilang sagot ni
Jaffy.
"Naiinitan ka nga lang ba? O nag-aalala ka
sa kaniya?" tanong ni John Matthew nang
nasa tapat na niya ang asawa. Kitang-kita
niya kung paano gumuhit ang pagkabigla sa
mga mata nito kaya mapait na ngumiti siya.
"M-Mali ang iniiisip mo, honey," ani Jaffy at
hinawakan ito sa kanang kamay, "Mahal kita
kaya hindi kita ipagpalit kahit kanino man.
Ngayon pa ba? Ngayong mag-asawa na
tayo?"
Hinayaan niya lang na haplusin ni John
Matthew ang kaliwang pisngi niya. "Hindi ko
na alam ang gagawin ko dahil sa tuwing
maalala ko kung gaano ka ka-sweet sa
druglord na iyon, nanginginig ang laman
ko," pag-amin ni John Matthew at tinitigan
si Jaffy sa mga mata. "N-Nagseselos ako,
Jaffy. Natatakot ako na baka nahulog na nga
ang loob mo--"
Hindi na pinatapos ni Jaffy ang sasabihin ng
asawa at hinalikan niya ito sa mga labi pero
mabilis lang.
"Mula noon hanggang ngayon, ikaw lang,
John Matthew. Ikaw lang ang nilalaman ng
puso ko. Alam mo kung gaano kita kamahal
kaya kung iyan ang ikinabahala mo, 'wag
kang mag-alala, sa 'yong-sa 'yo lang ako."
"Asahan ko 'yan, honey," nakangiting sabi ni
John Matthew na maaliwalas na ang mukha.
"Oo naman! 'Kay tagal kaya kitang
pinagnasaan," natatawang pag-amin ni Jaffy.
Wala naman siyang dapat na i-deny. Alam
na ng lahat iyon kahit na hindi na niya
sasabihin.
Hinapit siya ni JM sa bewang at nag-nose to
nose sila. "At ngayon, sa 'yo na ako. Kahit
gabi-gabi mo pa akong pagnasaan, hindi
ako tatanggi. Alipin mo ang katawan ko,
honey," pang-aakit na sabi ni John Matthew
kaya natawa si Jaffy.
"E? Ang cute mong mang-akit, JM. Hindi
ako sanay."
Natawa na rin si John Matthew saka
napakamot sa ulo, "Ako rin, hindi sanay.
Kinakati ako."
"Hmm? Baka iba na ang kumakati?" pilyang
sabi ni Jaffy saka nakataas ang kilay.
Niyakap siya ni John Matthew para
magkadikit ang mga katawan nila. "Kamutin
mo, honey?"
"JM!" bulalas ni Jaffy sabay hampas sa
balikat ng asawa kaya ang lakas ng tawa ni
John Matthew. "Ang landi na mo na, honey!"
"Malandi ba? Sorry naman, not my thing,"
paumahin ni JM at hinawakan sa
magkabilang pisngi si Jaffy saka hinalikan sa
lips.
Napatingin sila sa garahe dahil sa lakas ng
tunog.
"Ano na naman ang gagaguhan 'yan, John
Jacob?" galit na tanong ni JM nang makita
ang kapatid na ibinunggo ang ducati nito sa
SUV ng ama.
"W-Wala kang pakialam!" umiiyak na sagot
ni Jacob saka mabilis na pumasok sa bahay
nila.
"Halika," yaya ni JM saka hinila si Jaffy
papasok sa bahay para sundan ang kapatid
dahil mukhang may matinding problema ito.
"M-Mommy? Maghihiwalay na raw kami,"
umiiyak na sumbong ni John Jacob sa ina.
"Ha? Bakit? Ano ang nangyari?" tanong ni
Ann na napahawak sa dibdib. Kinakabahan
siya. Ang lakas pa talaga ng iyak ng anak
niya.
"M-Mom? She doesn't love me anymore. I-
Iniwan na ako ni Hael," sabi ni John Jacob
saka niyakap ang ina.
"Ano na naman ba kasi ang kalokohang
ginawa mo, Jacob?" tanong ni Dylan. Palagi
na lang itong umiiyak sa tuwing pupunta
rito.
"W-Wala ho," sagot ni Jacob saka pinahidan
ang mga luha.
"Palibhasa pambabae lang ang ginagawa
mo," sabat ni JM at pinaupo si Jaffy sa tabi
niya.
"Wala akong babae! Ikaw ang playboy sa
ating apat!" depensa ni John Jacob.
"Palibhasa magkasama na kayo ni Jaffy."
"Huwag mong ikonek ang relasyon namin ng
asawa ko sa kasalanan mo!" napipikon na
sabi ni John Matthew. Naiinis talaga siya sa
tuwing nakikitang umiiyak itong si Jacob.
Okay lang naman kung umiyak minsan pero
iyong kaunting mali at away lang, iiyak na
kaagad.
"M-Mom? Wala na talaga si Hael, nilayasan
na niya ako," luhaang sabi ni John Jacob.
Biglang tumunog ang telepono kaya sinagot
ni Dylan dahil siya ang pinakamalapit.
"Hello? Oo, nandito siya," sagot ni Dylan
habang kay Jacob ang mga mata. "Sige,
hija, pumasok ka na."
Nang ibaba ni Dylan ang telepono kaya ang
mga mata ng pamilya ay sa kaniya.
"A-Ano ho ang sabi?" nag-aalalang tanong
ni Jacob pero hindi sumagot ang ama.
Naka-poker face lang ito.
Ilang sandali pa'y pumasok si Hael bitbit ang
anak nila.
"H-Honey!" tawag ni John Jacob saka
mabilis na lumapit sa mag-ina niya at
yayakapin na sana ito pero agad na
pinaghahampas siya ni Hael ng payong.
"Walang hiya ka, John Jacob! Bumili lang
ako ng gatas, pag-uwi ko, wala ka na?" galit
na sabi ni Hael. Tulog pa ito kanina kaya
dinala na niya ang anak dahil sarap na sarap
ito sa pagtulog at naghihilik pa.
"B-Bumili ka lang ng gatas?" Napalunok ng
laway si John Jacob. Ang akala talaga niya,
nilayasan na siya ni Hael.
"At saan pa ba ako pupunta?" naiinis na sabi
ni Hael.
Tumunog ang cellphone ni Jaffy kaya nag-
excuse siya at lumayo sa mga ito.
"Hello? Jaff? Napatawag ka?" tanong ni
Jaffy.
"S-Sis..." mahinang sambit ni Jaff at malalim
ang hininga nito kaya sumibol ang kaba sa
dibdib ni Jaffy.
"J-Jaff? Okay ka lang? Nasaan ka? Ano ang
nangyari?" natarantang tanong niya.
Sigurado siyang hindi mabuti ang lagay nito.
"J-Jaff? Where are you? A-Ano ba?
Sumagot ka!" naiiyak na tanong niya.
"I n-need your help," wika ni Jaff sa kanilang
linya.
"Shit! Nasaan ka?"
"A-Antipolo, n-nasa resthouse. P-Please,
pakibilisan mo," kinakapos pakiusap ni Jaff.
"B-Bakit nandito ka sa 'Pinas? Akala ko nasa
ibang bansa ka pa!" nagtatakang tanong ni
Jaffy. May misyon pa si Jaff. Ang prime
minister ng South Korea.
"P-Please, c-come here, ASAP!" wika ni Jaff
na namimilipit sa sobrang sakit.
I-I'm coming, Jaff!" sagot niya saka
patakbong lumapit sa garahe.
"Honey? What happened?" tanong ni John
Matthew na nakasunod kay Jaffy na hindi
alam ang gagawin.
"S-Si Jaff. H-Honey, my twin. She needs
me," naiiyak na sabi ni Jaffy kaya natigilan si
JM.
"A-Ano ang nangyari sa kaniya?" tanong ni
John Matthew at mabilis na binuksan ang
pinto ng sasakyan niya para gamitin nila ni
Jaffy.
"H-Hindi ko alam. B-Basta ang alam ko
lang, k-kailangan niya ang tulong ko. N-
Nasa Antipolo siya," luhaang sabi ni Jaffy
kaya nang makasakay si JM, mabilis na
pinaharurot niya ang sasakyan.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon