7-8

1.3K 46 0
                                    

BARUMBADONG VIRGIN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 7-8

Unedited...
"Ini-invite tayo ni Mommy sa bahay," parang namatayang sabi ni Jacob sa dalaga nang madatnan niya itong naglilinis ng mesa. Kakauwi lang niya galing sa paaralan.
"Bakit daw?"
"Malay ko. Gusto ka lang siguro niyang makasama," sagot ni Jacob.
"Ano ba kasi ang ganap?" pikong sabi niya.
"Dinner date lang naman with my family. Pagkatapos no'n, puwede ka nang lumayas."
Nag-iisip si Jaffy kung paunlakan ba niya ang imbitasyon ng ina nito pero baka sabihin nito, ang bastos niya.
"Oo na!" pagpayag niya.
Alas sais ng gabi nang makarating sila sa mansion ng mga Lacson.
"Ate Jaffy!" bulalas ni Anndy at patakbong lumapit sa dalaga. "Kamusta? Pasensiya na kung hindi ako nakadalo sa debut mo."
"Wala iyon. Alam kong busy kayo," magiliw na sagot niya sa dalagita at nakipagbeso-beso. Ganoon din kay Ann at nagmano siya kay Dylan.
"Wait lang po ate, tatawagin ko sina Kuya JM," paalam ni Anndy at tumakbo palapit sa elevator.
"Usap muna tayo sa veranda, hindi pa natapos ang pagluluto," yaya ni Ann.
"Wow, hindi po ikaw ang nagluto, Mommy?" sabat ni Jacob.
"Anak, pasensiya ka na ha. Pagod na kasi ako sa pamamasyal namin ng daddy mo kaya ang mga katulong na lang ang pinaluto ko," malungkot na paumanhin ni Ann.
"Okay lang po, naintindihan kita," ani Jacob. "Ayoko naman pong mapagod kayo."
"Ganoon ba? Sayang naman at hindi matikman ni Jaffy ang masarap na luto ko." Nanghihinayang talaga niya. Pagkakataon na sana niya para magpakitang gilas sa magiging manugang.
"Masarap ho kayong magluto?" tanong ni Jaffy nang makalabas na sila.
"Oo!" proud na sagot ni Ann kaya nagkatitigan ang mag-ama. "Nagustuhan nga ni GV e!"
"Talaga ho? Gusto ko ring matikman ang luto mo, Tita Ann!" masayang sabi ni Jaffy. Gusto talaga niya ang manugang na masarap magluto. "Ang mommy ko rin po, masarap magluto," proud na sabi ni Jaffy.
"Talaga?" Nanlaki ang mga mata ni Ann. "Nextime, isama mo si Inday para may kasama akong magluto at mag-bake!"
"Mom? Busy ho si Tita Inday," mabilis na sabat ni Jacob.
"Oo nga, baby. Huwag mo na silang istorbohin. Busy sila sa business tour," segunda ni Dylan.
"Okay lang po, Tito. Huwag ho kayong mag-alala, free po ang mommy ko this month kaya makakapunta po iyon," nakangiting sabi ni Jaffy. "Tamang-tama, bored na bored na po siya sa bahay kaya sa tingin ko, magiging click sila ni Tita Ann." Masarap magluto ang ina niya kahit na ganoon lang iyon. Well, dating katulong naman ang mommy niya kaya sanay ito sa gawaing bahay lalo na sa pagluluto. Hindi nga lang madalas makialam sa kusina dahil busy ito sa kakasunod sa ama nila.
"Ay, excited na ako!" tili ni Ann na pumalakpak pa. "Malakas ang kutob kong magkakasundo kami ng future balae ko."
Napamura na lang si Jacob sa isipan. Ang ama niya ay namumula na ang pisngi dahil sa magiging reaksiyon ng ina ni Jaffy kapag matuloy ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Nandito ka pala, Jaff?" ani Lee Patrick at naupo sa harapan nila.
"Nasaan si JM?" tanong ni Jacob.
"Ewan. Umalis sila ni LL," sagot nito. Nag-usap muna sila. Pagkatapos ng isang oras, tumungo na sila sa dining room. Nakaupo na sila nang dumating sina LL.
"Good evening po," magalang na bati ni Noona.
"Magandang gabi rin, hija!" magiliw na bati ni Ann at nakipagbeso-beso sa dalaga. Ganoon din ang ginawa ni Anndy. Bata pa lang ay kilala na nila ito. Mabait at wala ring arte sa katawan.
"Kain na tayo," sabi ni Dylan. Si Anndy na ang nag-lead ng prayer bago sila kumain.
"Nakita mo na ba si GV?" malungkot na tanong ni LL.
"Huwag na nating pag-usapan iyan, puwede ba?" pakiusap ni LL at kinuha ang platong may kanin. "Kumain ka nang marami, Noona. Pumapayat ka na," sabi nito at nilagyan ang plato ng kababata.
"S-Salamat," naiilang na wika ng dalaga.
"Bakit nandito ka?" tanong ni JM kay Jaffy.
"H-Ha?" Nabigla ang dalaga sa tanong nito.
"Grabe ka naman makatanong, Kuya! In-invite namin ni Mommy. Bakit? May problema ka?" sabat ni Anndy.
"Oo nga!" parang batang sabat ni Ann at binigyan ng tiger look ang anak. "Ano ang masama kung nandito siya? E girlfriend naman siya ng baby Jacob ko." Nabulunan si Jacob sa sinabi ng ina. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kaniya na nagtatanong kung tama ba ang pagkakarinig nila?
"Oo, nagsasama na raw sila!" wika ni Anndy kaya kulang na lang ay lumubog si Jacob sa kinauupuan.
"Tama! At nagsasama na sila sa condo kaya legal na sila! Baka mamanhikan na kami next month ng daddy ninyo!"
Si Jaffy na naman ang halos mawalan ng kulay sa narinig. Hindi niya inaasahan ito.
"So? Kayo na pala? Hindi na si JM ang gusto mo?" tanong ni Lee Patrick.
"H-Ha? Ahmm..." Napasulyap siya kay Jacob na hindi rin alam ang gagawin kaya sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng mesa.
"Nagsasama na pala kayo?" tanong ni John Matthew. "Mabuti naman."
"Haist! Iba na lang kasi ang pag-usapan natin!" Paano niya i-deny kung alam ng mga ito na nasa iisang condo lang sila? Sarap tuloy putulan ng ulo ang babaeng kaharap.
"Kayo ba LL, kayo na ba ni Noona?" pag-iiba niya ng usapan.
"H-Hindi a..." tanggi ni Noona pero si LL, tahimik na kumakain.
Wala namang masabi sina Ann. Halata namang may gusto ang dalaga sa anak nila pero wala siyang karapatang pangunahan si LL. Boto rin naman sila kay Noona dahil matagal na nilang gusto ang dalaga.
"Ikaw JM, sino ang kasintahan mo? Wala ka pang pinapakilala sa amin," baling ni Ann sa anak.
"Wala pa akong mahal," sagot ni JM. Naiirita siya kapag ito ang pag-usapan nila. Kilala naman kasi nila ang ina. Kawawa lang ang babaeng ipakilala nila dahil para itong imbestigador makakilatis lalo na kapag nagustuhan nito ang babae.
Napasulyap si Jaffy kay JM na hindi nakaligtas sa paningin ni Jacob.
"Pathetic!" bulong ni Jacob.
"Akalain mo? Ang malas mo talaga sa pag-ibig, JM. Una, inagaw ni LL ang nililigawan mommy tapos ngayon, nakuha naman ni Jacob ang babaeng baliw na baliw sa iyo?" natatawang sabi ni Lee Patrick pero tumahimik nang mapasulyap sa ama na nagbabanta ang mga mata kaya ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain.
"Kainin mo 'to, Noona. Masarap magluto si Yaya," wika ni Lance Leonard na nilagyan ng afritada ang plato ng dalaga.
"Tama na, busog na ako," bulong ni Noona.
"Ikaw Kuya Lee Patrick, nasaan na ang girlfriend mo?" tanong ni Anndy.
"Bakit ako? Hindi pa 'yan sumagi sa isip ko," ani Lee Patrick.
"Sus, ang dami mo kayang babae!" nakalabing wika ni Anndy.
"Ikaw, baka may boyfriend ka na, bunso?" wika ni Dylan kaya sumimangot si Anndy.
"Yuck!" sabat ni Jacob. "Naglalaro pa 'yan ng barbie!"
"Tse!" Isang matalim na titig ang ipinukol ng dalagita sa kuya.
"Basta Jaffy, dalhin mo rito ang mommy mo ha. Magluluto kami!" excited na wika ni Ann.
"Sure po!" nakangiting sagot ni Jaffy. Okay na rin para makapag-bonding ang ina nila.
"Dylan? Okay na ba ang search for sorority queen?" tanong ni Ann. Patuloy pa rin ang elimination round.
"Yes, sumali pala si Mandy," sagot ng asawa.
"Tanggalin ninyo si Ate Mandy, kawawa lang ang sororities sa kaniya kapag siya ang manalo!" sabat ni Lee Patrick.
"Grabe ka naman!" sabat ni Anndy at sumimangot. "Mas bagay si Ate Mandy na maging sorority queen. Siya naman talaga dapat kasi siya ang apo ni Lola Patch!"
"Open ito sa lahat kaya let's see kung papasa siya," wika ni Dylan.
"Sumali ka rin pala, Jaf?" tanong ni Lee Patrick. Nakita niya ang pangalan nito nang sinilip niya ang kopya ng ama.
"Y-Yes," nahihiyang sagot ni Jaffy.
"Good! At least sa magiging manugang ko manggaling ang magiging reyna," masayang sabi ni Ann.
"We're not sure about it, baby," sabat ni Dylan. Matapos nilang kumain, nag-usap muna sila sa guest room.
"Excuse me lang po, CR lang ako," paalam ni Jaffy at tumayo.
---------------
"Aalis na ako sa unit mo!" paalam ni Jaffy na pinalabas na ang maleta sa kuwarto.
"Mabuti naman! Haist!" sabat ni Jacob at hinatid pa si Jaffy sa labas ng building at pinasakay sa taxi.
Pagkadating niya sa bahay, hindi na nag-usisa ang ina. Nagpasalamat na lang ito dahil naisipan nang umuwi ng matigas niyang anak.
Kinabukasan, maaga pa siyang nagising at pumasok. Nakasalubong niya si John Matthew na nakapamulsa habang naglalakad. Ni sulyap ay hindi man lang ginawa nito sa kaniya.
"Umuwi na ako sa bahay," wika niya kaya tumigil si John Matthew at blangko ang mukhang hinarap siya.
"Hindi ko tinatanong."
"Wala kaming relasyon ni Jacob at huwag kang mag-isip ng masama dahil walang nangyayari sa amin sa loob ng condo niya. Hindi na ako makikialam sa buhay ninyo lalo na sa 'yo!" sabi niya.
"Kung may nangyari man sa inyo ng kapatid ko, labas na ako roon."
Hindi na nagsalita pa si Jaffy. Naglakad na siya palayo sa binata at ganoon na rin ito sa kaniya. Ganito siguro ang buhay, hindi lahat ng gusto, makukuha mo.
"Mabuti pa si Mommy, kayang kunin si Daddy," malungkot na wika niya. Naguguluhan na siya.
Pagpasok niya sa classroom, tatlo pa lang ang mga kaklase niya.
Napatayo siya kaagad sa kinauupuan nang pumasok si John Matthew at itinapon ang chocolates sa desk niya.
"Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na huwag mo akong bigyan ng chocolates?" galit na sabi nito.
"Hindi galing sa akin 'yan!" depensa niya. Wala siyang maalalang ibinigay siyang ganito.
"Huwag ka nang magkunwari!"
"Wow! Ako lang ba ang may gusto sa iyo sa paaralang ito? Oo, gusto kita pero tapos na ang lahat! Hindi na kita gusto at hindi na ako maghahabol pa sa iyo! Wala naman akong mapapala sa 'yo!" Wala siyang pakialam sa mga nakikinig. Pagod na siya.
"Mabuti naman!" galit na sagot ni JM at lumabas ng classroom nila.
Napaupo siya at tinaasan ng kilay ang mga kaklaseng nakasaksi sa eksena nila ni JM. Sanay na siya.
Habang wala pa ang guro, natulog muna siya.
Pagkatapos ng klase, lumipat sila mg classroom para sa next subject. Habang naglalakad, hindi niya napigilang mapaisip. Masyadong magulo na buhay at utak niya.
Nakita niyang lumabas si Jacob sa classroom nila kaya patakbong hinabol niya ito.
"Jacob!"
Tumigil ito at sumimangot ang mukha. "Ano ang kailangan mo?" tanong ni Jacob.
"Salamat pala sa pagpatuloy mo sa akin sa unit mo, ang bait mo."
"Haist! Mas nagpapasalamat ako dahil umalis ka na. Pero ang tindi ng pinsalang idinulot mo sa akin. Ano na lang ang sasabihin ng parents ko?" Nakahinga siya nang maluwag nang umalis si Jaffy sa unit niya. Naaasiwa siya sa pananamit nito.
"Ako ang bahala kina Tita na mag-explain," nakangiting sagot ni Jaffy.
"Sa tingin mo, mapaniwala mo sila?" nagdududang tanong ng binata.
"Oo! Ako ang bahala," ani Jaffy.
"Mabuti naman. CR muna ako. At pakiusap, si JM na lang ang pakialaman mo, 'wag ako!"
"Hindi na ako hahabol sa kaniya," malungkot na sagot ng dalaga.
"Himala!"
"Oo nga! Nakakapagod pala ang maghabol sa lalaking tumatakbo palayo sa akin." Suko na talaga siya!
"Mabuti naman at nagising ka na," sagot ni Jacob. "Damn! Kanina pa pala ako naiihi! Alis na ako!"
Matapos mag-CR ni Jacob, bumalik na siya sa classroom. Naiihi talaga siya pero inaantom na siya kaya mas minabuti niyang sa labas na mag-CR.
Pagkapasok pa lang niya ay agad niyang napansin ang nasa unahan nilang natutulog.
"Hoy!" bulong niya sa tainga nito bago maupo. Nagmulat ng mga mata si Hael at sumimangot nang siya ang mamulatan.
"Problema mo? Inaano ba kita?" singhal niya. Naaasar talaga siya sa tuwing gisingin siya nito.
"Do you have any problem, Miss Crayson?" tanong ng guro kaya napakagat siya sa ibabang labi. Nasa klase pala siya.
"S-Si Jacob po kasi..." pagdadahilan niya. Kung alam lang ng mga ito na alas tres pa lang ng madaling araw ay gising na siya. Kasagsagan pa lang ng tulog ng teenagers kagaya niya pero siya, nagkakayod kalabaw na sa pagtitinda ng mga kendi sa bus terminal para lang magkaroon ng pera. Pagkaalas sais, dapat nasa skul na siya dahil sa paglilinis. After ng trabaho, nag-e-extra siya sa bar ng dating kaibigan ng kaniyang ina. Nagkakaroon lang siya ng time para makaaral habang nasa biyahe o kapag may free time sila.
"Anong ako? Ikaw nga itong natutulog diyan e!" depensa ng binata.
"Kung ayaw ninyong makinig sa klase at gusto ninyong matulog, lumabas kayong dalawa!" galit na sabi ng guro. Nakakairita kapag may ganitong estudyante ka na sa halip makinig, kung anu-ano ang pinaggagawa.
"Sorry, Miss," paumanhin ni Jacob at tumayo para lumabas.
"Ikaw?" baling niya kay Hael. "Lumabas ka sa klase ko bago pa madamay ang lahat ng kaklase mo!"
Nahihiyang lumabas si Hael. Naiiyak na siya dahil sa pagkapahiya pero kagaya ng dati, kailangan niyang i-dedma ang mga mapanghusgang mga mata.
"Huwag ka kasing matulog kung ayaw mong mapahamak tayo!" sabi ni Jacob na nasa unahan niya. Pupunta na lang siya sa labas para kumain dahil kumukulo na ang tiyan niya kanina pa.
"Saan ka pupunta?" tanong ng binata nang naglakad ito patungo sa gate kaya sinundan niya. "Hell! Saan ka pupunta?" muling tanong niya pero hindi ito nagsasalita.
Malayo na sila sa paaralan pero sinusundan pa rin niya ito. Bored siya kaya ito ang pinagtripan niya.
Tumigil ito sa karenderya na may kumakain na mga kalalakihan. Naka-uniporme pa ng pang-constraction worker dahil may ipinapatayong gusali sa harapan ng karenderya.
"Suki, ano ang sa iyo?" tanong ng may-ari. Suki na niya si Hael. Sa lahat ng taga CTU, ito lang ang kumakain Sa kaniya kahit na medyo malapit lang sila sa paaralan. Kadalasan ay mga trabahador at ordinaryong tao lang ang nandito.
"Isang pancit, pinakbit at isang kanin po," sagot ng dalaga. Masarap ang luto ni Manang Estascia kaya palagi siyang kumakain dito. Noong unang araw pa lang ng klase, naghanap na talaga siya ng karenderya at wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Pera naman niya ang ipinambabayad niya at sikmura niya ang makakain.
"Sino 'yang kasama mo? Syota mo?" tanong ni Manang at inginuso si Jacob na naupo sa mesang pinag-iwanan niya ng bag.
"Hindi a. Ewan ko sa asungot na 'yan!" naiinis na sagot niya.
"Uy, patusin mo na, ang pogi!" kinikilig na sabi ni Manang Estacia. Lahat ng estuyante sa CTU ay alam niyang mayaman, si Hael lang ang hindi.
"Ito po ang bayad," sabi ni Hael at inabot ang trente pesos. 27 lahat ng babayaran niya. Sampung piso ang pancit at pinakbit at 7 lang naman ang kanin niya kaya sinuklian siya ni Manang ng 3 pesos. Ilalagay niya ang sobra sa alkansiya niya. Mamaya pag-lunch, makakatipid ulit siya ng 3 pesos kaya sa isang araw, may 6 pesos siyang naiipon mula sa food budget niya pero minsan, nakakatipid siya ng 23 pesos dahil kanin at isang gulay lang ang ino-order. Libre lang naman ang tubig. Hindi na siya nagka-karne dahil bente pataas na ang halaga.
Inilapag niya ang pagkain at walang imik na kumain sa harap ni Jacob.
"Masarap ba?" curious na tanong nito pero badtrip siya rito kaya inisip niyang wala ito sa harapan niya.
"Hindi ba masisira ang tiyan mo sa kinakain mo?" bulong ni Jacob at iginala ang mga mata sa palibot. Ang dudungis pa ng mga constraction worker na kumakain. Mukhang pagod na pagod at ang iba ay puno pa ng pawis. "Sagutin mo naman ako." Sarap na sarap kasi ito sa kinakain.
Tumigil si Hael sa pagkain at tinatamad na tinitigan siya. "Sa isang mahirap na kagaya ko? Masarap siya at hindi nakakasira ng sikmura. Sa halip, nagbibigay ng lakas sa amin para makapagtrabaho nang maayos sa araw-araw, okay na?"
Umiwas si Jacob ng tingin. Para yatang ang bigat ng mga sinabi ni Hael? Ewan niya.
"G-Gusto mo ng softdrinks?" tanong niya dahil hindi ganoon ka dumi ang pitsel na may malamig na tubig sa bawat mesa ng kainan. Isa pa, napansin niyang salitan lang ang mga basong ginagamit.
"Huwag na!" tanggi niya at binilisan ang pagkain.
Sinenyasan ni Jacob ang isang binatilyo na naglilinis sa kabilang mesa para lumapit sa kanila.
"Isang softdrinks nga para sa kaniya," sabi niya. Kumuha naman kaagad ang binatilyo at ibinigay kay Hael. Binigyan niya ito ng isang daan. Mayamaya pa ay sinuklian siya nito.
"Magkano ba ang softdrinks? Sa iyo na 'ton sukli!" sabi niya sa binatilyo.
"T-Talaga ho?"
"Oo."
Masayang kinuha nito ang pera kahit na medyo nahihiya pero kailangan niyang bumili ng bagong tsinelas sa kapatid niyang nag-aaral.
"Hael? Bakit ka palaging natutulog?" curious na tanong ni Jacob.
"Inaantok ako," sagot ni Hael at inilagay sa baso ang 7-UP. "Gusto mo? Hati tayo."
"Huwag na. Kaya nga bibili ko 'yan para huwag ka nang gumamit ng baso nila! Paano kapag magka-hepa ka?"
"Problema ko na iyon!"
"Hael? Alam kong masarap matulog dahil ako mismo, palatulog sa aming magkambal pero hindi naman yata tama na pati sa klase at kung saang sulok ng paaralan, natutulog ka!"
"Hindi lahat ng tao ay kasing yaman mo. Magkaiba ka at magkaiba ako, Jacob," sagot ni Hael.
"Sa susunod kasi na magising ka, huwag kang manampal!" nakasalubong ang kilay na wika ni Jacob.
"E kasi ang sarap ng tulog ko, ginigising mo ako!" Depensa niya. Ang sarap ng panaginip niya tapos biglang magising dahil pinagtripan ni Jacob.
"Kasi hindi lahat ng oras, kailangan mong matulog!" wika ni Jacob at tumayo. "Diyan ka na nga!" sabi nito at iniwan siya.

Barumbadong VirginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon