BARUMBADONG VIRGIN
by: sha_sha0808 Ash Simon
PROLOGUE
John Matthew
Sa dinami-rami ng tao, bakit siya pa? Bakit ang babaeng kinaiinisan at kinasusuklaman
ko pa? Pero wala akong magagawa! Kailangan ko siya para iligtas ang taong pinakamamahal ko kaya handa kong tiisin ang mga araw na kasama ko siya.Jaffy Garcia
Sa dinami-rami ng lalaki, siya pa. Siya pa talaga na matagal ko nang gusto pero
pinipilit kong kalimutan. Siya pa na palagi akong pinapahiya at ilang beses na ipagtabuyan. Pero sa sitwasyon ngayon,
kailangan niya ako. Kailangan niya ang aking serbisyo. Kailangan ako ng Barumbadong
ito. Hmmm? Ano kaya ang weakness ni John
Matthew?