Ang Asawa kong Barumbado
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 12
Unedited...
"Salamat," nakangiting sabi ni Jaffy
pagkababa sa mamahaling kotse ni Ranier.
Dalawang linggo na silang nagkikita at
nagdadalo sa party o namamasyal kaya
masasabi niyang masaya itong kausap.
Gentleman din pero minsan, napapansin siya
ang pasimpleng paghaplos nito sa braso
niya at may kahulugang pagpisil sa kaniya.
Well, ganoon nga naman talaga kapag lalaki.
Medyo hindi lang siya sanay dahil siya lang
naman ang dikit nang dikit noon kay JM at
hindi niya naranasan ang ganito. Paano,
hindi pa nga ito nakalapit sa kaniya,
nakahubad na siya.
"Kumusta na kaya siya?" tanong niya sa isip
pero sinubukang iwaglit dahil sa lalaking
kasama. Hindi puwedeng mag-isip siya ng
iba lalo na kung si Ranier ang kasama niya.
Hanggang ngayon, hindi pa siya
nakatanggap ng divorce papers. Wala rin
siyang balita kung pina-process ni JM dahil
busy siya kay Ranier.
Ang huli nilang pagkita ay noong kaarawan
ng mommy ni Ranier at nang lingunin niya
ang mag-ina, wala na sina JM.
"Ready?" tanong ni Ranier kaya bumalik si
Jaffy sa realidad.
"Yes, let's go," sabi niya at ipinulupot ang
kamay sa kanang braso ng escort niya.
Pagpasok nila, sumalubong sa kanila ang
malaking bulwagan ng mansion ng babaeng
pinsan ni Ranier.
"Okay ka lang ba?" bulong ni Ranier at
pasimpleng inamoy ang buhok ni Jaffy.
"Oo, okay lang," tugon ng dalaga na medyo
kinakabahan. Ipakilala raw siya sa mga
pinsan nito.
"Don't worry, mababait ang mga pinsan ko,"
malapad ang ngiting wika ng binata.
Pagpasok nila, agad na sinalubong sila ng
nagpa-party. Welcome party dahil after 10
years, ngayon lang ulit ito nakauwi ng
Pilipinas.
"Ranier! Who's she?" maarteng tanong niya
na nasa kay Jaffy ang mga mata.
"My girl," nakangiting sagot ni Ranier at
inakbayan si Jaffy saka pinisil ang balikat ng
dalaga.
"Oh? Hi, I'm his pretty cousin," pagpakilala
nito saka inilahad ang kanang kamay. Medyo
jolly ito kaya ngumiti si Jaffy at
nakipagkamay sa dalaga.
"I'm Jaffy," pagpakilala niya.
"Pleased to meet you, Jaffy, I'm Mariel."
Iginiya siya ni Ranier palapit sa mahabang
table na para sa mga pinsan nila.
Nanlamig si Jaffy nang makita ang kaisa-
isang lalaking nagpapabilis ng puso niya.
Nakaupo ito sa pinakadulo katabi ni Aimee.
Sinubukan niyang iiwas ang mga mata at
huwag tumingin sa puwesto nito. Kunwari ay
hindi niya ito nakita at kung nakita man niya,
kunwari ay hindi sila magkakilala.
"Hey, may bago ka na naman?" biro ng
lalaking pinsan nina Ranier nang maupo
silang dalawa sa tabi nito.
"Ulol! Guys? Si Jaffy pala," pagpakilala ni
Ranier.
"Your?" nakataas ang kilay na tanong ni
Aimee kaya naikuyom ni Jaffy ang kamao sa
ilalim ng mesa. Alam naman nito na ex-wife
siya ni JM.
"My girl," sagot ni Ranier kaya tipid na
ngumiti si Jaffy sa mga ito.
"Good evening," mahinang bati ni Jaffy.
"Welcome to our family!" masiglang sabi ni
Mariel.
Habang kumakain sila, maingay na nag-
uusap ang mga pinsan. Ang dami ring bisita.
Mga kaklase nila at kamag-anak.
Hindi makakilos si Jaffy nang maayos dahil
pakiramdam niya, may mga matang
nakatitig sa kaniya. Matalas ang pakiramdam
nilang mga assasin sa mga ganito pero
kapag si JM ang pag-uusapan, nawawala
siya sa katinuan. Napaparalisa ang senses
niya.
Napag-alaman niyang magpinsan pala sina
Ranier at Aimee dahil magkapatid ang mga
ama nila.
"Halika, sayaw tayo," yaya ni Ranier nang
magsimula ang tugtugin. Kanina pa parang
sinisindihan ang puwet ni Jaffy kaya hindi na
siya tumutol pa nang tumayo si Ranier at
hinawakan siya sa kamay palapit sa gitna ng
dance floor.
"Kumusta ang mga pinsan ko? Nahihiya ka
pa rin ba sa kanila?" tanong ni Ranier at
inilagay ang kamay nito sa bewang niya.
"Okay lang. Masaya naman silang kausap,"
sagot ni Jaffy. Hindi naman siya na-o-OP
dahil paminsan-minsan, tinatanong siya ng
mga ito.
"Mabuti naman. Sorry, hindi ko inaasahang
nandito pala ang ex-husband mo,"
paumanhin ni Ranier. Actually, napansin
niyang asiwa si Jaffy kanina at alam niya
kung sino ang dahilan. Nahuhuli niyang
napapasulyap si JM dito.
"Wala iyon. Wala na rin naman kami,"
nakangiting sabi ni Jaffy at napakagat sa
ibabang labi nang maramdaman ang mga
kamay nitong pababa na sa pang-upo niya
pero hinayaan na lang niya.
"Mabuti naman, babe. Ang akala ko,
apektado ka pa rin sa kaniya," kampanteng
sabi ni Ranier pero hindi na nagsalita pa si
Jaffy para tumigil na ang usapan nila
tungkol kay JM.
"Dude, tawag ka ni Tita Maris," sabi ng
lalaking pinsan ni Ranier nang makalapit sa
kanila.
"Babe? Dito ka lang, puntahan ko lang si
Tita," paalam ni Ranier na ang tinutukoy ay
ang ina ni Mariel.
"Ako na muna ang bahala sa girlfriend mo,"
sabi ng pinsan ni Ranier.
"Sige. Kapag may gagawin kang masama kay
Jaffy, gigilitan kita ng leeg," natatawang
pagbabanta ni Ranier saka iniwan na si Jaffy
sa pinsan.
"Paano kayo nagkakilala ni Ranier? Ang
ganda mo naman para sa kaniya," pilyong
sabi nito kaya napangiti si Jaffy.
"Kasi--"
"Rino, tawag ka ni Aimee."
Nanigas ang katawan ni Jaffy sa lalaking
nagsalita sa likuran niya. Ang baritonong
boses nito, kilalang-kilala niya kahit na hindi
na niya lingunin pa.
Nag-aalalang tumingin si Rino kay Jaffy.
"Ako na ang bahala kay Jaffy," wika ni John
Matthew nang mahulaang nais nitong isama
si Jaffy.
"Jaff? Maiwan na muna kita," paalam ni Rino
at umalis na.
Aalis na sana si Jaffy pero nahawakan siya ni
JM sa kamay.
"Saan ka pupunta, Jaffy?" tanong ni JM na
nagpawala sa katinuan ng dalaga pero
sandali lang.
"M-Maupo na," sagot ni Jaffy pero
napalunok ng laway nang hapitin siya ni JM
sa bewang at inilagay sa leeg nito ang mga
kamay niya.
"Later, sumayaw muna tayo, Jaffy," wika ni
John Matthew kaya bumilis ang pagtibok ng
puso ni Jaffy. Hindi niya kayang tingnan sa
mga mata si JM dahil nanghihina siya.
"You're so tense, honey," bulong ni JM na
nagpatayo ng balahibo ni Jaffy. Alam niyang
nakangiti si JM at nararamdaman niya ang
mainit na hininga nitong dumadampi sa
balat ng pisngi niya at hinuhuli ang mga
mata niya. Paano nito nagawang ngumiti
gayong nawawalan naman siya ng lakas sa
init ng katawan nito. Nabibingi siya.
Pakiramdam niya, silang dalawa lang ni JM
sa paligid na ang pagtibok lang ng kaniyang
puso ang tanging naririnig niya.
"JM--"
"I like it when you act this way, it makes me
so horny," bulong ni JM saka hinapit ang
bewang niya palapit sa katawan nito kaya
nanlaki ang mga mata ng dalaga at
napatingin sa mukha ni JM.
"A-Ano ba ang pinagsasabi mo?" nauutal na
tanong ni Jaffy. Biglang sumeryoso ang
mukha ni John Matthew.
"Ito ang gusto mo, Jaffy, 'di ba? Ang
binabastos ng manliligaw mo?"
"H-Hindi ko alam ang pinagsasabi mo,"
bulong ni Jaffy saka napayuko pero hinila
siya nito palabas sa dance floor.
"JM, bitiwan mo ako!" mahina pero ma
awtoridad na sabi ni Jaffy pero tila bingi
ang lalaki at tuloy-tuloy lang sila palabas ng
mansion. Ayaw naman niyang pumalag dahil
baka gumawa lang sila ng eksena lalo na
ngayong mahigpit ang pagkakahawak nito sa
kamay niya.
"Ano ba!" singhal niya nang wala nang at
sapilitang hinila ang kamay. "Ano na ang
problema mo, John Matthew?"
"Problema ko? Ikaw!" sagot ng binata, "How
dare you na magpabastos kay Ranier sa
harapan ko? For Christ's sake, wala pang
isang buwang umalis ka sa bahay tapos may
lalaki ka na?"
"Hindi ko siya lalaki!" sagot ni Jaffy at
sinalubong ang mga mata ni John Matthew.
"Lalaki mo siya!" giit ni JM.
"Bumalik ka na sa loob dahil naiwan mo ang
syota mo!" pagtataboy ni Jaffy at
sinubukang itago ang sakit na
nararamdaman.
"Nandito ang asawa ko, bakit ko pa
babalikan si Aimee?" tanong ni JM at
humakbang palapit kay Jaffy kaya napaatras
ito.
"W-Wala na tayo. Pinirmahan ko na ang
hinihingi mo. Iyon naman ang gusto mo, 'di
ba? Puwes, ibibigay ko!" matapang na sabi
ni Jaffy. Oo, pirma niya iyon at alam ni John
Matthew iyon. Napasandal siya sa kotse
nang wala nang maatrasan. Mabilis namang
itinukod ni John Matthew ang mga kamay
para makulong siya sa mga bisig nito.
"J-John Matthew..." mahinang usal niya.
Nawawalan siya ng lakas pero kahit paano,
nilalabanan niya ang bugso ng damdamin.
Hindi puwedeng padadaig siya rito.
"Iyon nga ba ang gusto mo, honey?"
pabulong na sagot ni JM habang nakatitig
sa mukha ni Jaffy.
"I-Iyon ang gusto mo noon pa," nakayukong
sagot ni Jaffy. Aatakihin siya sa puso sa
ginagawa ni JM. Para siyang yelo na inilapit
sa apoy kaya paunti-unti siyang natutunaw.
"Ikaw? Gusto mo rin ba?" tanong ni JM at
napasulyap sa dibdib ng asawang kulang na
lang ay lumabas na para magpalamas sa mga
kamay niya. Bigla siyang nakaramdam ng init
ng katawan. Damn, bakit ba sa dinami-dami
ng makita, dito pa talaga tumigil ang mga
mata niya sa bundok ng asawa?
"A-Alam mo ang gusto ko," sagot ni Jaffy at
pasimpleng hinatak ang damit nang
mapansing napako na ang mga mata ni JM
sa boobs niya.
"Babe?"
Napalingon si Jaffy kay Ranier na palapit sa
kanila pero si JM, hindi man lang gumalaw.
"Umayos ka na!" saway ni Jaffy at itinulak ito
sa dibdib pero nagmamatigas si JM.
"Why? Ayaw mong makita niya tayo sa
ganitong ayos?" nakangiting tanong ni JM
kaya napilitan si Jaffy na salubungin ang
mga mata nito.
"Yes! Ayaw kong makita nila tayo sa
ganitong ayos lalo na ni Ranier!" madiing
wika ni Jaffy kaya nagulat si John Matthew
sa narinig. Hindi niya ito inaasahan mula kay
Jaffy kaya umayos siya sa pagkakatayo at
hindi inialis ang mga mata sa mukha ng
asawa.
"Babe? Kanina pa kita hinahanap, nandito ka
lang pala," sabi ni Ranier na hindi pinansin
ang presensiya ni JM.
"Never call her babe, if she's still mine!"
mariing sabat ni JM na kay Ranier na na
nakaharap saka nakipaghamunan ang mga
mata nilang dalawa.
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Ranier
bago magsalita, "Wala na kayo,
makipaghiwalay na si Jaffy sa 'yo kaya hindi
mo na siya pag-aari."
Isang nakakalokong ngiti rin ang ibinigay ni
John Matthew sa binata, "I haven't signed a
divorce papers, kaya huwag kang kampante
dahil asawa ko pa rin si Jaffy!"
Nagtatakang tumingala si Jaffy kay John
Matthew. Paanong hindi pa nito
napipirmahan? Pero agad niyang binawi ang
mga mata. Hanggat maaari, ayaw niyang
magpaapekto kay JM. Not this time.
"Just sign it, hindi ka na gusto ng asawa
mo," sabi ni Ranier at humarap kay Jaffy,
"Right, babe?"
Napasulyap si JM sa asawa at hinihintay ang
isasagot nito.
Tumikhim muna si Jaffy bago magsalita,
"Yes, kaya nga pinirmahan ko na ang divorce
papers para putulin na ang uganayan natin,
John Matthew. Ayaw ko nang maging Misis
Lacson. Gusto kong bumalik sa pagiging
Garcia," seryoso at tuloy-tuloy na sagot ni
Jaffy habang sinasalubong ang mga mata ni
JM.
Hindi umimik si JM. Nakatingin lang siya sa
mukha ng asawa pero mayamaya'y gumalaw
ang panga niya.
"See? Ayaw na niya sa 'yo, John Matthew.
Kaya kung ako sa 'yo, huwag mo nang
himasukan ang personal na desisyon at
buhay niya." Isang nakakalokong ngiti ang
sinabi ni Ranier at inakbayan si Jaffy. "Let's
go, babe? Ihahatid na kita pauwi."
Nakatingin lang si JM sa asawang inaakay ni
Ranier pasakay sa sasakyan nito hanggang sa
tuluyan nang nawala ang sasakyan sa
paningin niya.